CHAPTER 35

1.3K 29 1
                                        

ENJOY READING, HONEYS.

SI FRANCO ang may bitbit nang kanilang traveling bag kung saan ang mga damit niya at damit ni Franco. She wore a simple V-neckline purple dress that was above the knee and paired it with a simple doll shoes.
She was humming in joy as she walked together with Franco on her side.

Nang makasalubong si 'nay Milda ay sinalubong kaagad niya ito ng isang matamis na ngiti sabay bati rito. "Magandang umaga, 'nay,"

Halos nawindang ang ginang at napatitig lang sa blooming na mukha ng dalagang si Eloissa bago niya ito nasagot. "Eh...kasing ganda mo ang umaga, hija," sa halip ay sagot dito ni 'nay Milda.

Hindi na bata at matanda na si 'nay Milda para hindi mapansin ang pagbabago sa katawan ni Eloissa at sa pagbabago ng ugali nito. Maraming nagbago sa dalaga tulad nang mukha itong wala nang pino-problema at lagi na itong masaya hindi katulad noon na laging may takot na naka-ukit sa magandang mukha nito.

"Mag-iingat kayo sa byahe, huh?" Paalala ng matanda sa dalawa.

Ang sumagot ay si Franco. "Opo," gusto na sanang sabihin ni Franco sa ginang na buntis na si Eloissa but he kept his mouth shut. Hindi ito ang tamang oras para umamin, tiyaka na lang nang masurpresa naman si Nay Milda.

"Ingat din po kayo rito." Masayang ikinaway ni Eloissa ang kamay sa ginang at sa ibang kasambahay na bahagyang lumapit sa kanila.

Pagkatapos nilang mag-paalam ay naglakad na sila palabas patungo sa gagamitin nilang sasakyan na nakaparada na sa harap ng maindoor. Inilagay ni Franco ang mga gamit sa back compartment samantalang si Eloissa naman ay pumasok na sa loob at naupo sa passenger seat. Mayamaya lang ay sumunod na pumasok at umupo si Franco sa driver seat.

Lihim na napangiti si Eloissa nang ikabit sa kaniya ni Franco ang seatbelt bago nito sinunod ang sarili. Binuhay nito ang makina at ekspertong pinaikot ang manibela at iniharap ang sasakyan sa gate bago iyon nagtuloy-tuloy na palabas.

Bago pa man sila makalabas sa siyudad ay dumaan muna sila sa grocery para may makain si Eloissa sa byahe, syempre hindi mawawala ang apple at ang sawsawan nito. Matapos sa grocery ay dumaan din dila sa isang drive-thru at umorder ng fast food.

Habang nasa biyahe ay napapasulyap minsan si Eloissa kay Franco. Napaka-simple lang ng suot nitong black t-shirt pero mukha parin itong bigatin. Ang shade nito kanina ay nakapatong sa ulo nito at ginawang hairband. His slightly long hair made him looked like real badass man. Iyong klase ng mukhang alam mong marami nang napaiyak at marami pang mapapaiyak na babae.

Kapagkuwan ay napailing si Eloissa sa sarili. Here she come again, judging someone because of his look. But who knows how many woman cried for an Multi-billionaire Frank Mario Ferrelle. Galing naman siya sa kilala at mayamang angkan pero hindi parin niya maiwasang hindi manliit sa pamilayang kinabibilangan kapag si Franco ang katabi, at isa pa ay ang pamilyang Rodriguez ang mayaman at hindi siya.

HABANG NASA byahe sila ay kain lang ng kain si Eloissa habang masayang pinagmamasdan ang bawat nadadaanan, paminsan-minsan ay sinusubuan niya si Franco dahil kawawa naman ito at baka nanunubig na ang bagang sa mga kinakain niya. Masasarap pa naman lahat.
Pansin ni Eloissa na mula sa matatayog na building ay unti-unti niyang napansing nasa labas na sila ng siyudad dahil mas marami na ang green grass at mga puno ang natatanaw niya sa labas.

Ang kaninang energetic na si Eloissa ay unti-unting nilamon ng antok hanggang sa makatulog na siya ng tuluyan.

Hindi alam ni Eloissa kung ilang oras na silang nasa biyahe pero sa tuwing nagigising siya at napapansin umaandar parin ang sasakyang kinalululanan nila ay ipinipikit niyang muli ang mga mata.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon