CHAPTER 14

1.1K 32 2
                                    

Enjoy reading, Honeys♡

ILANG ARAW lang ang binilang ni Eloissa nang gumaling siya ay mabilis din siyang nakapag-trabaho sa isang RTW shop, hindi man kalakihan ang sahod ang mahalaga ay kumikita siya. It's been a week since she started working and so far so good she is getting used to it. Masaya siya sa ginagawa niya at sa kung nasaan siya. Minsan ay bumabalik parin sa isipan niya ang huling gabing nakasama niya ang binata, ang gabing isinuko niya ang lahat ngunit napunta lang lahat sa wala.

Napahinga siya ng malalim, "ang mahalaga ay wala na ako sa mansiyon na iyon." Pagpapa-alala niya sa sarili.

Gusto niyang kaawaan ang sarili pero para saan pa? Ang pinaka-dapat niyang gawin ay i-ahon ang sarili at mamuhay ng tahimik at mapayapa. Gusto man niyang ipaghigante ang sarili pero alam niyang wala naman siyang magagawa dahil wala siyang kaya. Gusto man niyang hanapin ang taong gumamit o kasalukuyang gumagamit sa pangalan niya ay wala siyang magawa. Saan naman niya hahanapin? Hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin

Pero kung darating man ang panahon na magkatagpo sila, hindi siya magdadalawang isip na kausapin ito ng masinsinan.
At kung hindi na man, ang mahalaga sa kaniya ay ang katahimikan ang kaginhawaang tinatamasa.

BUONG maghapon ay busy siya sa pag-intertain sa mga costumer. Nang sumapit ang alas-sais ng hapon ay nag-sara narin sila ng tindhana kasama ang amo niyang babae. Arawan niyang kinukuha ang sahod niya kaya naman nang magsara na sila ay ibinigay sa kaniya ng amo ang one-fifthy-pesos na sahod niya sa araw na iyon.

"Salamat po," masayang aniya rito.

"Naku! Ako nga dapat ang magpapasalamat sa'yo dahil simula no'ng magtrabaho ka rito ay dindagsa na ng customer ang shop ko. H'wag kang mag-alala, kapag umabot ka ng dalawang linggo dito ay gagawin kong two-hundred-pesos ang kada-araw mo." Saad ng kaniyang amo.

Namilog ang mga mata niya dahil sa narinig. Para sa iba ay maliit na halaga lang iyon pero para sa kaniya ay napakalaking bagay na iyon.

"Salamat po talaga. Gagalingan ko pa sa pagsi-sales talk," determinadong aniya.

Natawa naman ang amo. "Ikaw talaga!? Oh, siya umuwi ka na, delikado sa daan at baka may mga tambay dyan sa kanto at pag-tripan ka pa,"

Tumango siya rito bago nagpaalam na. Mula sa shop na pinag-ta-trabauhan niya ay walking-distance lang naman ang bahay kung saan ang bahay ni Lola Beth.

Ilang kanto ang dadaanan at ilang iskeneta ang papasukan niya bago makarating sa bahay.

Nang mapadaan siya sa kanto kung saan laging may mga lasenggo ay napailing na lamang siya. No'ng una ay natatakot pa siya pero kalaunan ay hindi na dahil mababait naman ang mga ito.

Siniko ni Mang. Jojo ang katabing si Abby na kapwa nag-iinom din, ang pinaka-bata sa grupo nila. "Oyy, andyan na naman si Miss Dyosa,"

Ang apat pang kasamahang nakarinig ay mabilis siyang liningon.

"Magandang gabi," she cheerfuly greeted them.

"Maganda ka pa sa gabi, binibini," madamdaming ani Abby na ikinatawa na lamang niya ng mahina.

Nagsalita si Mang. Jojo. "Sabihin mo lang kung may nambabastos sa'yo dyan sa may unahang kanto, kami," itinuro nito ang lahat ng kasamahan. "Kami ang bahala, basta isumbong mulang sa amin." Medyo mayabang ang tono ng pananalita nito na nakasanayan narin ni Eloissa.

Nangingiting tumango na lamang siya. "Salamat po. At dahil dyan ay iaakyat ko po kayo ng ligaw kay lola."

Lahat ng nakaupo sa mesa ng mga ito ay napahalkhak sa kaniyang sinabi.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon