CHAPTER 37

1.3K 31 2
                                        

ENJOY READING, HONEYS.

THEIR PLAN about touring all over Ferrelle hacienda was interupted from a news. Tanghali na nang malaman nilang umuwi sa Aragon ang grandparents ni Eloissa mula sa siyudad kaya naman napag-desisyunan na lang ni Eloissa na unahing kausapin ang lolo at lola niya. Mas dapat niyang unahin iyon dahil marami pa naman silang oras ni Franco.

Walang buhay na tiningala ni Eloissa ang mansiyon kung saan niya naranasan ang lahat ng paghihirap. Ang anyo ng mansiyon ay nanatili pari naman ngunit sa paningin ni Eloissa ay mas lalong naging madilim ang kapaligiran niyon. Ang harden na dati'y maaliwalas ay nawalan na ng kulay, ang fountain sa harap ng mansiyon ay hindi na gaanong malinis. Nagkalat ang mga tuyong dahon sa pathway at ang ilang sanga ng mga malalaking bulaklak.

Kasama niyang naglakad si Franco papasok ng mansiyon. Nang pihitin niya ang seradura ng pintuan ay bumukas iyon kaya naman hinila niya si Franco papasok sa loob.

Bumaba ang tingin niya sa sahig at hindi niya maiwasang hindi mapangiti ng mapait. Dati ay sa exit door ng kusina siya dumadaan dahil sa pag-iiwas na huwag niyang marumihan ang mamahaling sahig ng mansiyon.

"E‐loissa?" The woman with her senior age called her.

Natigilan si Eloissa at napatingin sa ginang. Hindi niya nakakalimutan ang itsura nito, ang matandang nasa harap ay ang  mayordoma ng mansiyon.

"E-Eloissa?" Paninigurado pa ng matanda.

Tipid siyang ngumiti. "Ako nga,"

Haluhalong emosyon ang lumukob sa puso ng matanda. "Hija," gumaragal ang boses ng matanda. "Akala ko ay sumunod ka na sa mga sinasabi ko sa'yo noon? Akala ko ay iniwan mo na nga ng tuluyan ang mansiyon na ito? H-hindi ko alam...hindi ko alam na magagawa sa'yo iyon ng sarili mong kamag-anak," sunud-sunod na tumulo ang luha ng matanda.

Hindi narin namalayan ni Eloissa na naglalandas narin ang mga luha mula sa kaniyang mga matang nanatiling walang emosiyon.

"Sana nga po....sana sinunod ko na lang kayo.." mapait na bulong ni Eloissa.

Naramdaman niya ang marahang paghaplos ni Franco sa buhok niya.

"Hush now, my darling." Madamdamin nitong hinalikan ang gilid ng ulo ni Eloissa.

Tumikhim si Eloissa bago pinunasan ang luha. "Nasaan po sinal lolo at lola?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Sumunod kayo sa akin," sagot ng mayordoma noon na hindi alam ni Eloissa kung naninilbihan parin ba sa mansiyon hanggang ngayon.

Sinundan ni Eloissa at Franco ang matanda hanggang sa dalhin sila nito sa harap ng pinto ng kwarto ng kaniyang papa noong binata pa daw ito at nakatira pa sa mansiyon.

"Maiiwan ko na kayo," magalang na paalam ng matanda.

Naiwan silang dalawa ni Franco sa harap ng kwarto ng papa niya. Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok ng ilang beses pagkatapos ay pinihit niya ang seradura upang buksan ang pintuan.

Nang maka-pasok sila ay naipikit ni Eloissa ng pandalian ang mga mata upang pakiramdaman ang paligid bago niya dahan-dahang binuksan ang mga mata.

"Lolo? Lola?" Pagtawag niya sa mga ito.

Malawak ang kuwarto ng kaniyang papa, sa pag-pasok mo ay una mong madadatnan ang sofa set at sa harap nito ay isang malawak na T.V, parang nahati ang isang kuwarto sa dalawa dahil sa likod ng sofa set ay ang isang malaki at malawak na book shelf na nagsilbing harang bago mo tuluyang makita ang kama ng papa niya.

Naglakad sila papasok pa ni Franco hanggang sa makarating na nga sila sa king-sized bed ng papa niya at doon niya naabutan ang lola niyang naka-upo sa gitna ng kama at tahimik na umiiyak samantalang sa likod naman nito ay ang lolo niyang kino-comfort ang matanda.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon