CHAPTER 26

1.2K 25 1
                                        

ENJOY READING, HONEYS*-*

PAGOD NA hinilot ni Franco ang sentido. It's been four days since the last he visited Eloissa, he wonder what she was doing these fast few days? Gusto niya itong bisitahin kahapon ngunit hindi na niya nagawa dahil sa kabi-kabilang meeting sa kompaniya man o sa tungkol sa imbestigasyon tungkol sa asawa niya. Ngayon naman ay gusto sana niyang puntahan ito ng maaga ay tiyaka namang may urgent meeting sa office. Hindi na niya pwedeng ipagpaliban pa iyon dahil sobrang dami narin ang absent niya sa opisina, naiintindihan niyang ang presensiya niya ang kailangan ng mga director-of board.

Tatlong oras din ang ginugol nila sa nasabing meeting bago niya ianunsiyong tapos na ang meeting. Lumabas siya sa conference room at tumuloy sa kaniyang office room, nasa likod niya ang kaniyang secretary na si Dino.

Nang makapasok siya sa loob ng office room ay pagod na ibinagsak niya ang katawan sa swivel chair bago hinarap si Dino.

"Dino, ikaw na ang bahalang umattend sa mga appointment ko ngayong araw and cancel those dinner meeting." Bilin niya sa sekretarya.

"Yes, sir," Dino answered formally as usual.

The reason why he choose to hava a male secretary, they are more efficient than to those female one who did nothing but to tried to seduced him.

"Thank you for your hardwork," Franco said that stunned Dino.

His boss don't know how to thank a person, kahit siya na matagal ng nagtatrabaho dito at halos siya narin minsan ang tumatayong boss kapag nagpapa-alam itong aalis ng ilang araw ay hindi naman ito marunong magpasalamat verbally. Ang alam nitong gawin ay taasan ang sahod niya kapag may na-accomplished siya para sa kompaniya.

And now hearing his boss thanked him personally made him chuckled. The almighty Frank Mario Ferrelle thanked him.
Mukhang nasa maayos na na kalagayan ang kaniyang boss.

"Trabaho ko po ito, sir." Magalang na sagot niya rito. Being thank by his boss personally was a thing he shouldn't spoil baka mamaya ay bigla na namang damihan nito ang inuutos sa kaniya.
But honestly speaking, for Dino he much better like his thank you by verbal than money. He mean, he like the two ofcourse.

"Then continue your hard work," Franco said.

Dino vowed his head slightly before leaving his boss.

Si Franco naman ay napatingin sa wrist watch na suot at naking alas-tres na ng hapon.

"Ano kaya ang pagkaing dadalhin ko sa kaniya?" Tukoy nito kay Eloissa habang nag-iisip ng masarap na pagkaing magugustuhan nito.

Bago pa man sumapit ang alas-kwatro ng hapon ay wala na si Franco sa kompaniya. He was smiling while he's on the way to visit Eloissa again. Dumaan siya sa isang bakery shop na paulit-ulit niyang binabalikan lalo na kung cookies ang usapan. Iyon ang naisip niyang dalhin kay Eloissa na sa tingin niya ay magugustuhan nito.

Nang makabili si Franco, bitbit ang paper bag na may lamang iba't-ibang klase ng cookies ay malalaki ang hakbang ang ginawa niya para mabilis siyang makasakay sa kaniyang ginamit na sasakyang Mustang.

Matiyaga niyang hinintay ang mabagal na usad ng sasakyan dahil sa traffic, kahit ganun ay hindi parin nababago ang kaniyang mood. Pinaandar niya ang stereo sa sasakyan at sinabayan ang kantang pinapatugtog.

"'Cause tonight will be the night that i would
fall for youuu over agaainn don't make me change my mind.." Pagsabay ni Franco sa awitin.

Ilang minuto rin ang lumipas bago niya maramdamang mabilis na ang pag-usad ng mga sasakyan hanggang sa tuluyan na niyang mapatakbo ang sasakyan ng mabilis.
Nang makarating sa condominium building ay maayos niyang ipinarada ang sasakyan sa parking lot.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon