CHAPTER 9

1.4K 38 1
                                        

Enjoy reading, Honeys.

ELOISSA didn't know what to do anymore. She badly wanted to be free kahit pa hindi niya rin naman alam kung saan siya pupunta at ano ang gagawin niya kapag nakalaya na siya mula sa mansiyon na iyon.
She felt suffocated as the days goes by. But she can't do nothing.

Magmula nang tangahaling hinalikan siya ng binata ay hindi na niya ito nakita pang muli dalawang araw na ang lumipas. Dapat ay natutuwa siya pero hindi niya magawang matuwa, pakiramdam kasi niya ay may kasalanan siya rito.

"Ako na nga ang hinalikan ng biglaan tapos ako pa ang may kasalanan." Pagkausap niya sa sarili. Kinukumbinsi niya ang sarili na walang siyang ginawang masama rito dahil wala naman talaga!

"Ahhhhh!" She groaned frustratedly. 

At dahil wala naman siyang magawa at hindi na siya dinalaw pa ng antok, naisipan na lang niyang bumaba sa kusina para magluto ng agahan. Isa pa ay umaga narin, tumatama na sa balat niya ang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana.

NANG makarating siya sa tapat ng kusina ay may naririnig siyang mga boses, dalawang babaeng nag-uusap. Naririnig niya iyon ng maayos dahil hindi naman nakasarado ang pinto.

"Balita ko ay bumalik na naman daw ang asawa ni Senyorito Franco." Tinig ng isa.

Meron namang sumagot. "Oo, at sabi ni 'Nay Milda ay wala na naman daw itong maalala."

"Naku! Nagpapanggap na naman iyan panigurado para huthutan ng malaking pera si Senyorito." Bumuntong hininga pa ito bago nagsalitang muli. "Sana lang ay hindi na maloko pa si Senyorito nang asawa nito."

Habang nakatayo siya ay nag-aalanganin na tuloy siya kung papasok pa ba siya o hindi na. Hula niya ay mga kasambahay iyon na tinutukoy ni 'Nay Milda na nagbakasyon at ngayon ay bumalik na sila.

She was about to leave but she heard 'Nay Milda spoke behind her.

"Anong ginagawa niyo dyan ma'am?" Tanong nito.

Naging dahilan iyon para lingunin sila ng dalawang nag-uusap kanina. Nang makita nila ang mukha niya ay daig pa nila ang nakakita ng multo. Ang isang naghuhugas ng mga plato ay nahulog pa sa lababo ang hawak nitong kutsara na lumikha ng ingay.

Tumikhim si 'Nay Milda bago pumasok sa loon ng kusina at hinarap ang dalawa. "Ayusin niyo ang trabaho niyo." Anito sa istriktong tono.

"Pakihanda nang almusal ni Ma'am Eloissa sa dining table." Utos pa nito.

Mabilis niyang linapitan ang ginang. "Hindi na po kailangan, dito na po ako kakain—"

Pinutol ng ginang ang pagsasalita niya. "Pumunta na po kayo sa dining table at isusunod din sa inyo ang pang-almusal niyo." Sa halip ay saad nito.

Wala siyang nagawa kundi ang tumalikod at naglakad patungo sa dining area. Hindi siya sanay kumain doon dahil lagi naman siyang kumakain lang sa kusina, sa island counter.

Hindi pa man nagtatagal simula nang maupo siya sa upuan ng dining table ay dumating na ang pagkain niya.

Tanging isang baso ng kape at pancake na may strawberry syrup sa taas ang inilapag sa harap niya. Hindi naman kasi niya hilig ng kape kundi gatas ang gusto niya. Atsaka gusto niyang mag-almusal ng kanin dahil nagugutom siya.

"Puwede pong palitan?" Nag-aalanganing tanong niya sa katulong.

Mabilis niyang napansin ang pamumutla ng buong mukha nito. "Pasensiya na po, ma'am. Nakasanayan ko pong ganiyang ang gusto niyong almusal. Pasensiya na po."

Pansin niya ang panginginig ng kamay ng babae, nasa 40's siguro ang edad.

"Hindi naman po ako magagalit. Ayos lang po." Pagpapakalma niya rito.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon