Enjoy reading, Honeys
NAGISING siya sa isang malamig na tubig na biglang ibinuhos sa kaniya. Agad na nanginig ang buong katawan niya dahil sa lamig niyon, siguro ay dahil matagal na rin nang huling makaramdam siya ng tubig. Hindi niya na maalala kung kailan dahil sa tagal na niyang nakakulong, tansiya niya ay hindi lang araw, buwan ang lumipas kundi taon na. She lost count. Mabibilang siguro niya kung alam niya ang umaga at gabi.
Ah, she missed the fresh air outside, she missed the whole outside. Mahirap man ang buhay niya, ang mahalaga ay malaya parin siyang nakakalanghap ng sariwang hangin, lahat man nang tao ay masungit sa kaniya, ang mahalaga ay hindi siya nag-iisa. Nakakalakad at hindi nakakulong sa isang madilim na sulok."Why are you all doing these to me?" Walang buhay na tanong niya sa taong walang ibang ginawa kundi ang pahirapan siya.
Tita Mylene didn't say a thing, she continue ripping her clothes off until she was fully naked. Wala ma'ng reaksiyong mababakas sa kaniya pero sa kaloob-looban niya ay nagsusumigaw siya ng pagmamaka-awa. But she remained silent, alam naman niyang wala rin siyang magagawa.
Ganun na lang ang gulat niya nang may hinagis sa kaniya ang tita niyang tela—underware?
"Isuot mo iyan!" Maawtoridad nitong utos.
Dahil sa takot na maaring mangyari sa kaniya kung hindi siya susunod ay mabilis niyang isinuot iyon.
Hindi niya alam kung bakit siya pinag-suot ng T-back panty ng tita niya pero hindi maganda ang nararamdaman niya.May inihagis muling puting t-shirt ang tita niya. "Isuot mo iyan!" Katulad kanina ay striktang utos nito.
Dapat ba siyang magpasalamat dahil sa wakas ay nakaligo na siya at nakapag-palit ng damit? Dapat na ba siyang umasa na pakikitunguhan na siya ng maayos ng tita niya? Umusbong ang pag-asa sa kaniyang puso ngunit mabilis lang din iyong nawasak.
"Tapos na ba?" Tanong ng kakarating lang na tito Miguel niya.
"Tapos na." Nakangising tugon ng tita niya.
Alam niya na agad na may hindi magandang mangyayari sa kaniya. Ang akala niya ay pagod at tapos na siyang umiyak pero hindi pa pala. Hindi pa pala tapos ang mga luha niya. It's hurt! Ang bilis kasi niyang umasa.
Hindi na niya namalayan ang mga susunod na nangyari, all she know is that she is being dragged outside the mansion. And they are now infront of a white van.
"Saan niyo ako dadalhin?" Nanginginig ma'y tanong niya sa tita at tito niya.
"Manahimik ka na lang." Sigaw sa kaniya ng Tita Mylene niya at piniringan ang mga mata niya.
"T-tita, maawa na po kayo sa akin." Pagmamaka-awa niya habang umiiyak.
Mabilis na dumapo sa pisngi niya ang malakas na sampal.
"Kulang ka pang kabayaran sa lahat ng utang ng mga magulang mo!" Sigaw naman ng tito Miguel niya.
Tita at tito niya ang mga ito sa papa niya."Alam ko naman po iyon, kaya nga po sinusunod ko ang lahat ng utos niyo" Kahit natatakot sa posibleng kahahantungan niya ay naglakas-loob parin siyang sumagot.
"Manahimik ka na lang dahil pagkatapos nito ay makakabayad ka na." Gigil na ani ng auntie niya at tinali patalikod ang dalawang kamay niya, binusalan din ang bibig niya at wala na siyang makita dahil naka-piring ang mga mata niya.
Gusto pa niyang magsalita ngunit tanging ungol na lang ang lumalabas sa bibig niy, patuloy namang namalisbis ang masagang luha niya.
Naramdaman niya na lang na puwersa siyang pinasakay sa isang sasakyan.
Labis-labis ang takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

BINABASA MO ANG
Chasing Her (Dark Series book 3)
Ficción GeneralFRANK MARIO FERRELLE is the example of silent but dangerous man. He came from a well-known family inside and outside of their province. He has this attitude that whenever he likes something or someone, he won't think twice to pursue it. He is a ter...