CHAPTER 29

1.4K 31 2
                                        

ENJOY READING, HONEYS<3

ILANG MINUTONG walang buhay lang ang mga mata ni Eloissa habang nakatitig sa kaniya hanggang sa unti-unti iyong napalitan ng takot. Kitang-kita niya ang pagbabago ng emosyon nito.

"H—help me..." her voice was in hysterical.

Maingat niyang hinawakan ang kamay nito at marahang pinisil iyon. "I'm here, you are now safe," pagpapakalma niya sa dalaga.

Napakurap-kurap ito bago tumulo ng sunud-sunod ang luha sa mga mata nito. "Akala ko mamamatay na ako," umiiyak na anito.

Ang isang kamay ni Franco ay nakahawak sa kamay nitong mahigpit ding nakahawak sa kaniya at ang isa naman ay nasa buhok nito at marahang hinahaplos iyon.

"Thank god because i'm still alive," Eloissa said and smile through tears.

Yes, thank god that Eloissa was safe. Kung hindi ay hindi niya na alam ang gagawin niya.

Pagkatapos nang maikling pag-uusap na iyon ay pumasok ang doktor nito upang suriin si Eloissa at mapalitan ang dextrose nito na dapat ay gagawin pala ng male-nurse kanina.

Pakiramdam ni Franco ay nawala ang mabigat na bagay nakadagan sa dibdib niya nang marinig na maayos naman ang lagay ni Eloissa bukod lang sa pagiging maselan ng katawan nito dahil sa pagbubuntis nito. Hanggang ngayon ay hindi niya parin matukoy kung ano ang nasa isip ni Eloissa tungkol sa pagbubuntis nito.

Sinabi ng doktor ang mga gagawin lang nila at puwedeng ipakain kay Eloissa dahil bawal itong uminom ng mga gamot para sa mga sugat nito dahil maapektuhan ang bata, ang ini-reseta lang ng doktor ay mga vitamins na puwede rito.
Nang umalis na ang doktor ay lahat silang nasa loob ay tahimik lang, walang nag-abalang magbukas ng topic.

A long silence happened before Clinton broke it. "Aum...we don't know what happened but..." awkward na ngumiti si Clinton. "Franco is the father, right?" Mabilis  din nitong binawi ang sinabi na parang natatakot. "I mean....you don't have to answer that. M-medyo nagulat lang ako....sa narinig...but hindi mo kailangang magpaliwanag,"

Sa isip ni Clinton ay sana ay hindi na lang siya nagsalita baka ikasama pa iyon ng loob ni Eloissa. Gusto niya tuloy kutusan ang sarili sa kaisipang baka ma-offend niya ito.

"Sorry.." Hinging-paumanhin niya sa kinakabahang boses.

Doon na naman sumiklab ang bulungan ng mga magkakaibigan. Sinisisi si Clinton kung bakit pa ito nagsalita, nakikita naman nitong kanina pa tahimik si Eloissa.

"Ikaw kasi! Dapat hindi ka na lang nagtanong!" Si Dillon sa mababang boses bahagya pa nitong siniko si Clinton.

Maliit ang boses na sumagot si Clinton. "Hindi ko mapigilan iyong bibig ko, e!"

"Tigilan mo kasi iyang pagiging tsismosa mo!" Maliit ang boses ni Deandree.

"Para namang hindi!" Mahinang ungot ni Clinton.

Tumikhim si Franco ng malakas para patahimikin ang mga kaibigan na unti-unti nang lumalakas ang boses. Hindi na matatawag na bulungan dahil rinig na rinig naman niya.

Tumahimik naman ang mga ito bago nagpaalam na lalabas lang daw sila para bumili ng makakain. Alam niyang gusto lang ng mga kaibigan na bigyan silang dalawa ng privacy.

Hinarap ni Franco si Eloissa at naupo sa gilid ng kama. "So....how are you feeling?" Ang boses niya ay mahina at puno ng pag-aalala.

Eloissa could see how Franco wanted to bombarded her questions but just trying to restrain himself.

"Gusto kong mag-isip," Eloissa answered as she stared at white ceiling of the hospital.

After what happened, after she knew that she is pregnant, all she wants was to have a break to breathe peacefully. Magulong-magulo ang kaniyang isipan. Natatakot siya para sa magiging anak niya. Buntis siya pero hindi naman niya alam kung ano ang tawag sa relasiyon nila ni Franco.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon