CHAPTER 23

1K 27 3
                                    

               ENJOY READING, HONEYS♡!

AFTER THAT CONVERSATION, Eloissa and Franco went outside again to wander again. Sobrang natutuwa si Eloissa dahil sa wakas ay nagawa na niya ang mga bagay na gusto niyang gawin at hanggang sa imahenasiyon niya lang niya napuntahan no'ng nakakulong pa siya, pero heto ngayon at nasubukan na niya.

Pumunta sa amusement park para sumakay ng mga rides, pero tanging sa ferris wheel lang ang kinaya niya dahil pagkababa niya ang nahilo na kaagad siya. Umalis sila sa Amusement park at pumunta sa isang Korean restaurant para doon kumain, matapos ay nagpa-ikot-ikot sila sa mall at bibilhin ang anumang magustuhan nilang dalawa. It was just a small simple mall. 

Nang mapadaan si Eloissa at Franco sa mga claw-machine ay bumili sila ng limang daang pesong halaga ng token.

"Dito tayo sa may hello kitty." Masayang itinuro ni Eloissa ang mga Hello Kitty.

"Alright," pagsang-ayon ni Franco ng mabilis.

Habang naglalaro ang dalawa ay halos mabali ang leeg ng mga kababaehan sa paglingon kay Franco. Ang isa sa mga rason kung bakit ayaw pumunta ni Franco sa mga matataong lugar.

Kung kanina ay nagyayabang si Franco na mauubos nito ang laman ng isang claw-machine at si Eloissa naman ay nakangiting nag-abang, ang ngiting iyon ay unti-unting nabura nang makitang paubos na ang tokens nila pero wala paring nakukuha si Franco kahit na isang Hello Kitty. Hanggang sa mapasimangot na ng tuluyan si Eloissa.

"Damn this claw-machine!" Naiinis na ikinuyom ni Franco ang kamao.
"Hindi ako titigil hangga't wala akong nakukuha." Determinadong saad ni Franco.

Tahimik na lang si Eloissang pinagmamasdan si Franco, hindi na sa claw-machine ang tingin niya mas nae-enjoy na niyang panuorin ang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Franco. Mula sa paglukot ng mukha nito hanggang sa pagkunot ng noo nito. Halos magdugtong na ang kilay nito. Lihim na lamang napatawa si Eloissa.

"Damn this fvcking machine! Magkano ba ito?! Gigil na hinampas ni Franco ang machine. Ubos na ang tokens na binili nila.

Ang mga taong napadaan ay napatingin sa gawi nilang dalawa.

"Hindi ko po siya kasama," nakangiting inosenteng itinuro niya si Franco, bahagya rin siyang lumayo rito.

Franco glared at Eloissa and the last just smiled innocently.

"Tigilan mo na kasi iyan," natatawang-awat niya rito.

Umiling ito habang ang atensiyon ay nakapukos parin sa claw-machine. "You like to have one, right?"

"Yes, kanina gusto ko pero ngayon ayaw ko na," sagot naman ni Eloissa.

"Argh!" Inis na pinagpipitik ni Franco ang glass na ss huli ay siya rin naman ang nasaktan.

"Halika na." Hinila ni Eloissa ang laylayan ng damit nito. "Kumain na lang tayo ng ice cream, pampalamig ng ulo." Tumatawang aniya.

Napipilitang nagpahila narin si Franco habang nakatingin parin sa claw-machine.

While the two are walking, Eloissa felt uneassy, pakiramdam niya ay may nakamasid sa kaniya o sa kanilang dalawa ni Franco. Pasimple siyang luminga sa paligid, baka sakaling may makita siyang taong may kahina-hinalang galaw ngunit walang ganun. As they keep on walking, her strange feeling being followed keeps on going too.

Nang makapasok si Eloissa at Franco sa isang ice-cream parlor ay hindi parin mapakali ang dalaga at napansin iyon ni Franco.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Franco.

Napakurap-kurap ang dalaga bago alanganing ngumiti. "Hmm.." tanging sagot niya.

Nag-aalalang nagtanong muli si Fraco. "Are you alright?"

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon