CHAPTER 22

1.3K 39 1
                                        

ENJOY READING, HONEYS.

PAKIRAMDAM ni Eloissa ay puputok na ang tiyan niya dahil sa kabusugan pero ang bunganga niya ay gusto pang kumain ulit, may gusto pa siyang kainin pero hindi niya matukoy kung ano iyon.

"Arggh!" Inis na ipinadyak niya ang paa sa kama niyang kay lambot.

Nang mapapatitig siya sa kisame ay mukha ni Franco ang umukit sa isipan niya. Tsaka lang niya napagtanto ang mga ginawa niya ngayong araw. Nakakapanibago! Hindi naman ganun ang ugali niya, ah! Bakit naman parang may nagbabago sa katawan at pag-iisip niya? Nababaliw na ba siya?

Malakas siyang napabuntong hininga bago kinapa ang bedside table upang kunin ang remote ng aircondition, isa pang kinaiirata niya ay kahit anong lagay niya sa 'high' ang aircon ay naiinitan parin siya.

"Pero kapag kumain ako ng ice cream ay hindi na ako maiinitan." Pagkausap niya sa sarili or more on convincing herself to eat another gallon of ice cream.

Napanguso siya nang maalala niya ang bilin ni Franco. Bago ito umalis ay ipinaalala sa kaniyang kapag hindi parin siya tumigil sa kaka-kain ng kung-anu-ano ay hindi na siya nito ulit bibilhan ng mga pagkain.

"Makaligo na nga lang." Sa halip ay aniya upang libangin ang sarili.

Kumuha siya ng tuwalya bago pumasok sa bathroom na nasa loob lang ng kwarto. Balak niyang mag-shower lang ngunit nang makita niya ang bathtub ay naakit siyang doon na lang magbabad. Simula no'ng makarating siya sa condo ay hindi naman niya pinapakealaman ang mga ibang kagamitan sa kusina man o sa bathroom, ang tanging ginagamit lang niya ay iyong mga neccessary needs lang talaga tulad ng shampoo at sabon lang sa katawan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay pinakealaman niya ang mga iba pang gamit pampaligo mula sa mga cupboard.

Nilagyan niya muna ng tubig ang bathtub at liquid soap bago ito binuhusan ng isang strawberry scent na natagpuan niya. Magaan at mahalimuyak sa ilong ang pumuno sa bathroom.

"Hmmm." Inamoy-amoy pa niya ang tubig bago walang-saplot na lumusong sa bathtub.

A sigh of relief escaped from her mouth, the water felt so relaxing that it made her closed her eyes. Ilang minuto rin siyang nagtagal sa tubig bago napagpasiyahang umahon na dahil nakakaramdam na siya ng antok, baka mamaya ay makatulog pa siya sa bathtub.

Matapos niyang magbanlaw sa shower ay itinapis niya ang tuwalya sa katawan habang ang isang maliit na tuwalya ay ginamit niya upang patuyuin ang buhok niya. Habang pinupunasan niya ang buhok ay naglalakad siya palapit sa isang upuan kung saan kaharap nito ay vanity mirror.

Ginamit niya ang blower para mas mabilis na matuyo ang buhok niya, matapos ay dinampot niya ang lotion na nakita, siya pa ang nagtanggal ng seal ng body lotion tanda na bagong bili iyon. Inamoy-amoy muna niya iyon at nang magustuhan ang amoy ay tsaka niya iyon ipinahid mula sa braso, sa hita pababa sa binti.

Nababaguhan pa ang katawan niya sa lotion pero ipinagpatuloy niya ang pagpahid hanggang sa makuntento siya. Ang buong kwarto ay napuno ng halimuyak dahil sa mga ginamit niya sa katawan na ikinatuwa niya. Naka-ngiti siyang nahiga sa kama, hinayaang walang saplot ang katawan niya at tanging ang kumot lang ang nakatabon sa kaniya.

"Ah! What a life." She said freely. For the first time since her aunt and uncle freed her it was the first night she felt so free and at peace.

Napakagaan ng kalooban niya nang ipikit niya ang mga mata.

NANG magising si Eloissa ay makulimlim pa sa labas. Maaga naman kasi siyang nakatulog kagabi kaya siguro maaga din siya nagising kinaumagahan. Bumangon siya at inunat ang mga braso bago tumayo at naglakad papunta sa closet upang maghanap ng maisusuot. Kinuha niya ang isang pajama na nakita at isang spaghetti strap sando, wala na siyang choice kundi ang isuot iyon dahil wala na siyang makitang t-shirt.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon