ENJOY READING, HONEYS!^-.-^
NAGISING SI Eloissa na parang binabaliktad ang sikmura niya. Tuluyang nagising ang kaniyang diwa at nagmamadaling tinakbo ang pagitan ng banyo habang nakahawak siya sa bibig.
Nang makapasok siya ay dumiretso siya sa lababo at doon nagsusuka. Maluha-luha siya habang nanghihina na ang buong katawan niya habang nagsusuka.
Nang wala na siyang mailabas ay nagmugmog siya ng tubig at nanghihinang napaupo sa sahig ng banyo. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at gusto niya ulit matulog kahit na kakagising palang naman niya.
Ilang minuto rin ang itinagal niya sa ganung posisyon bago niya maramdamang medyo bumuti na ang pakiramdam. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palabas ng banyo. Dumiretso siya sa kama at nahigang muli. Bukod sa antok at pagod na nararamdaman niya ay inaantok din siya kaya naman ipinikit na lang niya ang mga mata.
Hindi alam ni Eloissa kung ilang minuto oras siyang nakatulog. Nagising siya sa mahinang pagtapik sa kaniyang balikat.
"Hmm.." ungot nita at akmang matutulog ulit nang marinig niya ang boses ni Franco.
"Wake up sleepy head, tangahali na." Bahagya pang niyugyog ni Franco ang balikat ni Eloissa.
Bumangon si Eloissa habang nakapikit parin ang mga mata na ikinatawa ng mahina ni Franco.
"Napuyat ka ba kakaisip sa akin?" Malokong tanong ni Franco maririnig din ang pagyayabang sa boses nito.
Napakurap-kurap si Eloissa at blanko ang ekspresiyong napatitig kay Franco. 'Where's that kind of confident came from?' Ang namuong katanungan sa isip ni Eloissa.
"Ang aga-aga ay may nagyayabang na," Eloissa said in a hoarse voice.
Inilis niya ang kumot sa katawan niya bago tumayo. Bahagya pa siyang napahawak sa sentido nang makaramdam ng pagkahilo pero hindi na lamang niya iyon ipinahalata at inaya ang binatang lumabas na sa kwarto.
Pumunta kaagad siya sa kusina dahil nakakaramdam na siya ng pagkagutom.
She planned to cook anything as long as it has a soup.
Binuksan niya ang refrigerator at naghanap nang pwedeng lutuin. Nang makita ng mga mata niya ang karne ng baka ay inilabas niya iyon, inilabas niya rin ang repolyo at petchay na nakita. Magluluto siya ng nilagang baka. Naiimagine pa lang niyang hihigop siya ng sabaw ay kumakalam na ang sikmura niya. Mabilisan na niyang anyos ang mga rekadong gagamitin para makakain na siya—ayy, sila pala, nakalimutan niyang kasama nga pala niya si Franco.
Naramdaman niyang pumasok si Franco sa kusina at naupo ito sa isang stool.
"What are you planning to cook?" Tanong ni Franco habang nakaharap siya sa likod ni Eloissa. Busy ito sa pagcha-chop ng kung anong gulay.
"Nilagang baka," sagot ni Eloissa.
"Nilagang baka?" Ulit ni Franco habang napapaisip kung ano iyon. "Ah! Alam ko na, the beef with a soup and a vegetable, right?"
Saglit na humarap si Eloissa kay Franco. "Seryoso? Hindi mo alam kung ano ang nilagang baka?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.
"Um..alam ko naman, kumain narin ako ng ganun, it's just i don't know the name of that dish," paliwanag pa ni Franco.
Eloissa tsked. "Marunong ka lang kumain pero wala kang kaalam-alam sa kusina," sabi ni Eloissa bago ipinapatuloy ang ginagawa.
Nanahimik na lang si Franco dahil totoo naman iyon. After an hour of waiting, they had finaĺly ate their lunch thought it was a bit late for lunch but Franco really enjoyed the food, masarap iyon at hindi niya alam kung dahil ba si Eloissa ang nagluto o talagang masarap naman talaga.
BINABASA MO ANG
Chasing Her (Dark Series book 3)
General FictionFRANK MARIO FERRELLE is the example of silent but dangerous man. He came from a well-known family inside and outside of their province. He has this attitude that whenever he likes something or someone, he won't think twice to pursue it. He is a ter...
