CHAPTER 30

1.5K 33 0
                                        

ENJOY READING, HONEYS<3

LUMIPAS PA ANG ilang dalawang araw bago sila payagan ng doktor na lumipat sa ibang Hospital. Kung si Eloissa ang tatanungin ay maayos naman ang pakiramdam niya, ang physical pains na nararamdaman niya ay normal lang at mawawala rin iyon kapag naghilom ang mga sugat niya pero hindi parin pumayag si Franco na hindi siya mapatingnan sa isang malaki at advance na hospital ayon narin sa payo ng doktor niyang nauna. Isa pa ay para mapa-check narin daw nila ang bata sa sinapupunan niya.

Unti-unti ay lumilinaw ang isipan ni Eloissa, unti-unti ay natatanggap niyang buntis na siya at hindi iyon mabubuo kung wala siyang nararamdaman kay Franco. Ito ang ibinigay sa kaniya ng diyos kaya naman wala siyang karapatang kuwestiyunin pa iyon.

Kasalukuyan nilang pinapakinggan ang tunog ng heartbeat ng bata sa sinapupunan. Kusang may tumulong luha sa kaniyang mata habang pinapakinggan ang tunog ng pagtibok ng puso ng kaniyang magiging anak. Kusang naglaho ang lahat ng pangamba niya at napuno ang puso niya ng kagalakan. Sa mga oras na iyon ay nangako siyang aalagaan at iingatan niya ang magiging anak niya kahit anong mangyari, kahit saan man sila dalhin ng agos ng buhay, ang mahalaga ay ang anak niya.

Matapos na ma-check-up ang baby niya ay ibinalik siya sa ward niya habang tulak-tulak ni Franco ang wheelchair niya. Nang makarating sa ward ay hindi nagtagal ay may dumating na namang nurse upang palitan ang bandage sa ulo niya. Ngayon lang niya nalamang tinahi pala iyon dahil may kalakihan ang sugat sa bandang noo niya. Hindi naman gaanong malalim daw ang sugat kaya ilang taon lang daw ang lilipas ay hindi na mahahalatang may tahi sa may bandang left side ng noo niya. Wala naman sa kaniya iyon dahil ang mahalaga ay ligtas at buhay siya.

"Thank you," Aniya sa nurse nang matapos ito.

Magalang at bahagyang yumukod ito sa harap niya. "Trabaho ko po iyon, ma'am," magaan itong ngumiti bago sila iniwan ni Franco.

"Wala ka bang trabaho?" Kapagkuwan ay mahina ang boses na tanong ni Eloissa kay Franco.

"You are more than important," sa halip ay sagot ni Franco.

He sounds so casual but a simple words from Franco can make Eloissa's lungs from functioning. Literal na pansamantala siyang kinapos ng hininga dahil sa naging sagot nito.

"Kapag na-discharged ka na sa hospital ay magsisimula na ulit akong magtrabaho. My company can survive without me. And about naman sa investagation sa Tito at Tita mo ay malapit na nating matuldukan ang lahat. Makakamit mo na ang hustisiya, Eloissa, kapit lang," France said and smiled softly as if cheering her up.

"Salamat sa lahat ng mga ginagawa mo. Hindi na ako umaasang makakamit ko pa ang hustisiya pero dahil sa'yo nagsimula ulit akong maging matapang at harapin ang lahat taong nagpahirap sa akin," Hindi napigilan ni Eloissa ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kusa iyon tumulo hanggang sa hindi niya na namalayang umiiyak na pala siya.

Umupo si Franco sa tabi niya at isinandal ang ulo ni Eloissa sa dibdib nito habang marahan niyang hinahagod ang likod ng dalaga.

"No'ng makalaya ako mula sa pinagkulungan nila sa akin ay ang tanging gusto ko lang ay makalayo na ng tuluyan sa kanila at huwag nang magpapakita pa. Gusto ko silang takbuhan, gusto ko silang takasan dahil wala naman akong magagawa, wala akong kayang gawin para kasuhan sila sa lahat ng pang-aabuso nila sa akin at higit sa lahat ay ang pagkulong sa akin sa loob ng mahabang panahon. Mas madali para sa aking kalimutan ang lahat ng ginawa nila keysa naman sa kaisipang baka makita nila ako ulit at ikulong muli," tumigil si Eloissa saglit para punasan ang kaniyang mga luha.

"Masama na kung masama pero galit ako sa kanilang lahat. Galit ako sa pamilyang pinagmulan ko at ang kinikilang pamilya ko lang tanging ang mga magulang ko." She said firmly.
"I hate my other relatives for just sitting idly and watch my uncle punched me to death, i hate how they turn their eye blind when my aunt got almost killed me on her hands, i hate them all for just caring themselves and their money. They love their wealth so much, much from my life." Mapait na napangiti si Eloissa.

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon