Chapter 12: New Look

245 8 2
                                    

Sobrang saya ko nang sabihin ni Thomas sa akin na nakapasa ako at isa ako sa magpeperform sa Mini Concert ni Ryder sa school. Nakareceive lang ako ng text from Ryder congratulating me. Medyo busy na kasi siya in his movie kasi malapit nang matapos and idagdag pa ang concert.

Hindi ako makapaniwala na talagang nakapasa ako. Parang kailan lang nasusuka pa ako kapag nasa harap ng maraming tao mabuti nalang talaga at nandyan si Thomas palagi sa tabi ko.

"Hey, ang lalim ata ng iniisip ng soon to be famous singer namin ah." sabay abot sa akin ng isang can ng cola.

Nasa bahay niya kami ngayon kasama sina Mama at parents niya. Wala naman kasi talaga akong kaibigan sa school kaya kami lang ang nagcecelebrate.

"Thanks pala ha." sabi ko ng tanggapin ang cola.

"Thanks for what? This cola? or yong pagtulong ko sayo in dealing with your phobia?" smiling

"Naman eh!" pagmamaktol ko. Kailangan pa ba talagang isa isahin. Hindi lang naman iyon eh.

"Huwag ka ngang ganyan ang cute mo lalo kapag para kang bata nagmamaktol." sabay pisil sa ilong at gulo ng buhok ko.

"Ano ba Thomy! Pangit na nga ng buhok ko ginugulo mo pah." awat ko sa kamay niya.

"Hindi naman pangit ang buhok mo ah. Hindi ka kasi mahilig mag-ayos parang laging nagmamadali." 

Magkatabi kaming nakaupo sa gilid ng pool nila. While ang mga paa namin ang nakalublob sa tubig.

Napatingin ako sa kalangitan ang daming stars at ang buwan napakaganda.

"Thomy, gusto ko magpasalamat sayo. Sa lahat lahat ng ginawa mo para sa akin." Nang tingnan ko siya nagulat nalang ako dahil ang seryoso ng mukha niya habang nakatitig sa akin.

Medyo nakakailang ang mga titig niya kaya ibinalik ko sa kalangitan ang tingin ko.

Narinig kong napabuntong hininga ito.

"It was nothing Ems. Masaya ako lalo na kung natutulungan kita, bunos pa ang makita kitang nakangiti."

"Hindi ko alam ang gagawin ko Thomy kung wala ka sa tabi ko."

"I won't leave you. I promise."

Maaga akong nagising upang maghanda sa pagpasok pero habang nasa harap ako ng salamin tinitingnan ko ang reflection ko. Hindi ko namalayan na sinusuklayan ko na ang buhok ko. I take time to prepare myself. Pagbaba ko ng sala ay napalingon si Mama sa akin, gulat ang reaksyon nito sa simula pero napalitan ng ngiti.

"Good morning Ems."

"Ahm. Good morning Ma. Si Papa po?" 

Nakaupo ako ngayon at kumakain ng agahan. Tiningnan ko ang wristwatch ko its 6:30am. 8:00am start ng klase ko.

Matapos iligpit ang kinainan nagpaalam na ako kay Mama gusto ko man tumulong sa paghuhugas ng plato pero itinaboy ako nito dahil baka mahuli daw ako.

7:30am ng makarating ako sa school. Marami ng studyante at nakatingin sila sa akin. Napakunot noo naman ako. Anong problema nila?

"Ems?" nilingon ko ang nagsalita na nasa gilid ko lang.

o__o ganyan siya.

"Thomy, bakit? may problema ba sa mukha ko?" at hinaplos haplos pa ito. Eh ganun pa rin naman ah maraming pimples at nakasuot ako ng salamin.

"There's nothing wrong Ems. But you just look great." na naka-akbay sa akin habang patungo kami sa aming classroom.

Huh? Great daw? Bakit naman kaya.

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon