Chapter 24: Sabit sa Jeep

90 4 5
                                    

AN: Bilis ng update noh? ginanahan lang kasi ako magsulat. Hayaan na si Author.

Enjoy Reading..^_^


1 week na mula ng maganap ang mini concert maraming nagbago at isa na doon ang magandang pakikitungo ng mga klasmates at schoolmates ko sa akin. Well, maliban lang sa grupo ni Pepper na abot langit ata ang galit sa akin.

"Hey Ems!"

Nilingon ko si Thomas na papalapit sa table namin na bitbit ang mga pagkain.

Napagpasyahan namin na dito na kakain sa canteen pero minsan nagpupunta pa din kami doon sa secret place namin. Remember? yong tambakan sa likod ng school ng mga sirang upuan?

"Oo nga pala Ems. My friend ako na nagtatrabaho sa isang bar.."

Pinandilatan ko si Thomy ng magbanggit ito ng bar.

Don't get me wrong pero kasi kapag bar para sa akin may mga sexy na babae at lalaki na sumasayaw may mga inuman, away at ano pang hindi mga kanais nais.

"Ems, naman it's not what you think. Ok?"

"Paanong hindi?"

"Kasi doon may mga tumutugtog, kumakanta kanta at syempre di mawawala ang inuman. It doesn't mean na kapag bar eh may maghuhubad na mga.."

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Thomas kasi kung ano pa masabi nito tinakpan ko ang bibig nito.

Inilibot ko ang tinggin sa buong canteen halos napadako ang atensyon ng ibang studyante sa amin.

Muling naibalik ko kay Thomas at tinggin ng magulat ako ng maramdaman kong parang hinalikan ni Thomas ang kamay ko.

Agad ko iyong tinanggal mula sa pagkakatakip sa labi niya at pakiramdam ko namula ako ng makita ko siyang nakangiti.

"A-anong n-ngiti-n-ngiti mo d-dyan ha Thomy!"

"Wala. Kumain ka na nga lang diyan."

Hindi na ako tumutol pa at ipinagpatuloy ang pagkain.

Natapos ang buong araw na pakiramdam ko namanhid ang mga labi ko.

nagtataka kayo kung bakit?

kasi..

hinalikan lang naman ako ni Thomas!

ahahahahaha

pero JOKE lang un syempre. (^_^)V *peace sign

Ang totoo kasi nyan kanina ko pa nginingitian mga nakakasalubong namin na bumabati sa akin.

Pinagtatawanan na nga ako ni Thomas kasi para akong sira na kahit wala kaming nakakasalubong ang lawak pa din ng ngiti ko.

Hindi ko na maramdaman kahit ang pisngi ko.

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Thomas patungo sa nakapark nito na kotse.

Nakapasok na kaming dalawa sa loob ng mapansin kong nakakunot ang noo nito habang sinusubukan paandarin ang kotse.

"My problema Thomy?"

"Ah. wait lang Ems ha? Titingnan ko lang ang makina."

Tumango ako bilang pagsang-yon.

Pagkalabas ni Thomy ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Napangiti ako ng makita ang pangalan niya as sender.

Wapakels kong mas magmanhid pa ang mga pisngi ko.

Ems, how was your day? - Ryder

It's good. Nakakailang lang ang maraming bumabati sa akin :) - Emily

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon