Nasa harapan ko ngayon ang bahay ng dating isa sa mga malalapit kung kaibigan.
"Tao po?" sabay katok sa pinto. Nakailang katok din ata ako bago may nagbukas nito.
"Ano kailangan mo, iho?" isang matandang babae.
"Magandang araw po Lolagets. Kumusta?" I was hoping na sana maalala pa niya ako.
Lolaget o Lola na bagets. gets nyo?
"T-thomas?" napangiti ako sa tanong niya.
"Ako nga po. Mabuti at naalala niyo pa po ako."
"Naku ikaw bata ka. Ano tingin mo sa akin ganoon na talaga katanda para maging ulyanin. O siya pumasok ka."
Pagkapasok ko pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay. Wala pa ring pinagbago.
"Anong gusto mong maiinom?"
"Naku, huwag na po Lolagets. Nandito lang po ako kasi may itatanong lang po sana ako."
"Tungkol saan naman yon? Siguradong napakaimportante niyan."
"Umuwi na po ba siya dito?"
Saglit natigilan si Lolagets sa tanong ko at bahagyang may namumuong luha sa mga mata niya. May nasabi ba akong mali?
"H-hindi pa Thomas."
Kung ganon tama nga ako sa hinala ko. Natahimik naman ako hindi ko alam ano ang susunod na sasabihin.
"N-nagkita ba kayo n-ng apo k-ko?"
Ano ba sasabihin ko?
"Hindi po Lolagets eh." again a lie.
Napabuntong hininga naman ang matanda.
"Matagal ng hindi dumadalaw dito ang apo kung iyon. Mula nong umalis siya sa pader ng mga magulang niya sa Canada wala ng naging balita sa kanya."
Nalaman ko din iyon ng minsan sabihin sa akin ni Seb. Nakwento ko kasi sa kanya ang isang kaibigan ko din sa Pilipinas. Noong una hindi ako makapaniwala na iisang tao lang ang kinukwento namin sa isa't isa pero nang makita ko ito mismo sa Underground Society doon na ako naniwala. Ganon naman talaga di ba hanggat hindi nakikita ng mismong mga mata mo hindi mo ito paniniwalaan.
"Bakit ho po pala siya umalis."
"Ang Papa kasi nito nagkautang ng malaki sa isang buwaya. Ang tubo tumubo pa." Mangiyak ngiyak na kwento nito.
"Ang Mama naman niya nagkaroon ng sakit dahil sa labis na problema hindi nakayanan iyon ng apo ko kaya umalis siya at naghanap ng pagkakakitaan. Simula nuon may nagpapadala na ng pera sa Anak ko na Mama niya. Unti unti silang nakakabawi at nagiging mas mabuti ang buhay. P-pero gayun pa man hindi pa rin siya umuwi."
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
FanfictionEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...