Nasa isang malaki at sikat na restaurant kami ngayon. Napakagwapo ni Ryder sa suot nitong Black Tuxedo syempre ung pants terno sa pang-ibabaw niya noh. Ako? Ano suot ko? syempre damit..hahaha waley.
Pero di nga ang suot ko eh is formal floral dress si Mama ang pumili nito. Mas maganda talaga taste ni Mama sa damit kesa sa akin.
"R-ryder? Bakit dito tayo?"
"Why? I love to treat my date on a very good restaurant."
"A-ano kasi.." Nakakahiya..Hindi ko na itinuloy kasi naman ung mga tao nakatinggin sa aming dalawa.
"Here is your reserved table, Sir. Enjoy."
"Thanks." Nakangiting sabi ni Ryder sa nag-guide papunta sa table namin.
"Good evening Sir, Madam I would be the one serving you. My Name is Max, here is our menu. What would you like to have, Madam?"
"H-huh?" Paano ba basahin ang mga toh. Ra-ta-tu-li? (Ratatouille). Di ba ito yong daga. Meaning nagbebenta sila ng daga?
"Let me choose for her." Hay, salamat naman savior talaga itong si Ryder.
At yon nga binibigay na ni Ryder ang order namin. Ako naman nakikinig lang sa kanila kahit pa nga hindi ko maintindihan anong mga klaseng pagkain pinag-uusapan nila. Sigurado naman akong masarap ang pipiliin nitong mga pagkain.
"So how was your practice days?"
"Hmmm.Ok naman nag-eenjoy ako lalo na sa mga mentors. Dami kong natutunan sa kanila."
"So officially no more stage frights then?"
"Yup, thanks to my friend Thomas."
"Glad to hear that."
Madami pa kaming pinag-usapan ni Ryder gaya ng mga nangyari sa premier night ng movie niya mga susunod na gagawin niyang projects ng may lumapit sa amin na mga babae. Ngumiti lang ako sa kanila kahit na nga nakasimangot pa sila ng tumingin sa akin.
Ilang minuto lang at dumating na ang order namin. Mabuti na lang umalis na yong mga babae na malalandi. Paanong malandi eh kasi naman pinangangalandakan na malaki yong ano nila, yon bang hinaharap nila.
"Hey, Emily everything alright?"
"H-ha? Oo naman." Hindi ko namalayan nanggigil na pala ako sa inis.
Patuloy lang kami sa pagkwento ni Ryder ng may biglang lumapit sa amin na mga waiter at may bitbit na isang Chocolate Mousse Cake. Nagulat ako at hindi alam kung ano ang magiging reaction lalo na ng kumanta sila.
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you!"
"R-ryder? I don't know what to say."
"Just say thank you, It would be enough." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Thank you." I closed my eyes and make my birthday wish.
Sobrang saya ko kahit bukas pa birthday ko June 19 binati ako ng super crush idol ko. Pero nalungkot ako bigla.
"Hey, are you not happy with my surprise?"
"Naku! Hindi sa ganon Ryder." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ito sa kanya o hindi.
"Ok. If your not ok with it in telling me I understand." Parang kinuryente ang buo kong katawan paano ba naman hinawakan ni Ryder ang kamay ko na nakahawak sa goblet ng tubig.
"H-hindi n-naman sa g-ganon."
"Nah, it's really ok. So are you done?"
"O-oo."
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
FanfictionEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...