Chapter 17.5

132 6 4
                                    

EMILY's POV


Nasa gilid kami ngayon ng soccer field ni Thomas nakaupo sa damuhan tinitingnan ang mga taong dumadaan. 7:00 a.m pa may oras pa kami para makapag-usap.


"Bakit mo ginawa iyon kanina?"


"Hindi ko napigilan ang sarili ko ng makita ko siya na..."


"huh? Ano bang nakita mo?"


May nakita ba itong multo? Pero kung multo bakit niya sinutok si Jeric.


Wait? Don't tell me my third eye itong si Thomas at nakita niya sinasapian si Jeric.


"Hoy! Emily! Ayan ka na naman nasa sarili mong mundo."


"Thomas naman kasi ano ba yong nakita mo."


Natahimik bigla itong katabi ko.


"On where I was standing I saw him kissing you."


WHAAAT? kiss? si Jeric? Pero hindi naman ah.



Flasback


Pagkarating namin sa school nagmamadaling lumbas si Jeric at tinungo ang pintuan ko. Pinagbuksan niya ako.


Ang haba naman ng hair ko pero nabatukan ko ang sarili ko sa isip eh kung likas na gentleman lang itong si Jeric kung ano anu na agad iniisip ko.


Assumera. Napalingon ako bigla sa paligid pero wala naman sila Pepper. Guni guni ko lang siguro yon.


"Ems, it's really nice seeing you again. Hope this won't be the last?"


"Sure. Minsan naman magbonding tayong tatlo ni Thomas. Namiss ko na kasama kayong dalawa."


"I'd love that. So see you again?"


"Oo naman."


Unti unti lumalapit ang mukha nito sa akin.


Para namang naging katulad sa owl ang mga mata ko. O__O


"May dumi ng ibon ka sa ulo mo oh." Sabay kuha ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang ulo ko.


Medyo may kataasan kasi itong si Jeric kaya nakayuko siya sa akin. Pahiya ako doon ah iba na iniisip ko. o\\\o


Bakit ba hindi marunong magpunta sa CR ang mga ibon. Kung saan saan lang nagbabawas. Sabi nila swerte daw ito kung ganoon sana nga swertehen ako.


Nagulat na lang ako ng may biglang humablot kay Jeric.


End Flashback



"Ems?"


"Hmmm? Ano yon Thomy?"


"Alam mo ba kung ano ang sinasabi ng aso?"


"Ano?" nagloading ata utak ko don nawala ang pagiging nerd ko.


"Sumabay ka na nga lang."


"Oo na."


"Uulitin ko ha? Ano ang sinasabi ng aso?"


"Aw aw?" napalingon ako kay Thomas bahagya pa itong nakangiti.


"Eh ang pusa?"


"Meow meow." Para naman kaming mga bata nito.


"Eh yong puso ko?"


"Huh?" ano pinagsasabi ng taong to.


Kinuha ni Thomas ang kamay ko at itinapat sa gitnang bahagi ng dibdib niya.


"Ikaw ikaw."


Syete, nwebe, diyes naman oh. Umagang umaga umiinit ang mukha ko. Nagmumukha na akong pulang kamatis.


RIIINNNNNG!


Haiz. Saved by the bell. Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Thomas. Tumayo ako at bahagya pinagpagan ang suot ko.


"Tayo na Thomas baka malate pa tayo."


Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nauna nang umalis. Bumabanat na itong si Thomas hindi ako sanay.



AN: 05-20-15

Sorry po sa nabitin sa Chapter 17: His Past (part 2) Nagloloko ung browser ko that time hindi pala na.update ung nadagdag ko ngayon ko lang napansin.huhu Buti na lang nakasave sa notes kaya ito po ung continuation..Pasensiya na po ulit. Sana nakabawi na ako..heheh Hope you enjoy this part


Be a Fan Vote and Share

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon