Chapter 21: Victory Party (1)

60 4 0
                                    

Pagkababa dumiretso ako sa kusina na humihikab pa pero napatigil ako sa paghakbang ng makita ko si Ryder na masayang nakikipagkwentuhan kay Mama habang naghahanda ito ng agahan.

"R-ryder?"

"Good Morning Ems." Nakangiting bati nito sa akin. Nakita ko pang tininggnan niya ako mula ulo hanggang paa.

And then it hit me.

WaaaaH! nakapangtulog pa ako. I'm wearing a Big Tshirt na may mukha niya (super fan nga niya ako di ba) at nakaslippers ng Hello Kitty and no doubt na sobrang gulo ng buhok ko.

Dali dali akong tumalikod at bumalik sa kwarto ko. Narinig ko pang tinatawag ako ni Mama pero hindi ko na ito sinagot.

Pagkabalik sa kwarto ay dali dali akong nagbihis at ng matapos ay tumingin muna ako sa salamin at siniguradong maayos na itsura ko.

Haiz kahit anong gawin ko ganito talaga pagmumukha ko. Aish bahala na nga mas mabuti na to kesa kanina. Naku! nakakahiya talaga yon.

Pagkabalik ko sa kusina ay nandoon na din si Papa.

"Oh Emily, ang tagal mo naman nagising kanina ka pa hinihintay ni Ryder."

Ngumiti lang si Mama ganon din si Ryder. Hindi na lang ako umimik ayaw ko ma.open up ung nakakahiyang nangyari kanina.

"Oo nga pala Ryder, congrats sa Mini Concert nyo kahapon. Sayang at hindi kami nakapanood mabuti na lang at pinalabas ito sa TV." panimula ni Mama.

"Thanks, the whole team was great. There may be some problem but we manage."

Kumusta na kaya si Pepper sigurado nanliliit ito sa nangyari sa kanya. Kahit na masama ito sa akin alam ko ang nararamdaman niya kasi ilang beses na din ako napahiya. At sobrang sakit noon sa feeling.

"I hope there will be next time para naman makapanood na kami ng Live iba talaga kasi yon sa TV lang."

"Yeah definitely there will be a next time." Hindi ko maiwasan mag-isip ng lumingon si Ryder sa akin at ngumiti.

"Uhmm. Ryder, ano pala ginagawa mo dito?" Oo masaya akong nandito siya pero hindi ba siya magpapahinga after ng nakakapagod na preparation noon mini concert.

"Oh, I almost forgot. Uhm Mr. and Mrs. Villaflor.."

Naputol ang sasabihin ni Ryder ng sumingit si Mama.

"Masyado ka namang pormal Ryder call us Tito at Tita na lang. Hindi ka na din iba sa amin eh."

Napatinggin naman ako kay Mama.

"..Tita at Tito I would like to ask your permission if.."

"W-wait? hihingin mo na ang kamay ng anak namin."

HUWAT? Ang bilis naman ata..pero teka baka naman OA lang to makareact si Mama. Si Papa naman nabilaukan kaya hinahagod ko ang likod.

"Uhm. No po Tita.." marahan naman napakamot sa batok si Ryder.

"Ma, patapusin mo na muna sa pagsasalita si Ryder."

"Sige ijo continue.."

"As I was saying po. I would like to ask your permission I Emily can go with me to our victory party later."

"Ah ganoon ba. Walang problema. Malaki na din naman itong si Emily at alam na niya ang tamang iaasal sa mga ganyang party." sagot ni Papa.

Alam ko malaki tiwala nila sa akin kasi kahit minsan hindi ko sila binigyan ng ikagagalit nila. Well, maliban na lang siguro sa pagpupunta punta ko sa ilang mall tour ni Ryder noon. Fan girl nga di ba? Pero hindi ko naman pinababayaan pag-aaral ko. Idols should be used as inspiration, not a distraction. Tama ba?

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon