I have changed the main character names for some reason..I'm so sorry..
~~~
Maagang umalis ng bahay si Emily dahil ayaw niyang mahuli sa klase. Nakakatakot pa naman ang guro niya sa unang subject. Papasok na ako ng skwelahan ng makasalubong ko ang mga miyembro ng basketball team.
“Badtrip naman oh! Ang aga aga ang pangit na ng tanawin”
Alam kong ako ang pinapatamaan ng mga ito. Bakit ba naman hindi eh ako lang naman ang nasa harap nila ngayon at wala pang ibang studyante sa mga oras na iyon.
Pinigilan ko na lamang ang aking sarili at pinilit na huwag pansinin ang mga ito. Pero dahil sa pagmamadaling makaalis ay hindi ko na pansin ang isang paa na nakaharang sa dadaanan ko. Ilang iglap lang at nakasampa na sa semento ang aking mukha.
Napangiwi ako sa sakit. Agad akong tumayo at hinarap ang mga ito.
“AAAAHHHHHH.. Sobra na talaga kayo. Hindi ko naman kayo inaano para saktan niyo ako ng ganito.” Pinipigilan kung maiyak.
“Deserved you right, ang lampa mo kasi.” Sabi ni Rex na kaklase ko sa isang subject.
Minabuti ko na lamang hindi sumagot dahil hindi rin naman sila titigil kaya iiwas na lamang ako gaya ng ginagawa ko sa loob ng apat na taon.
Oo sanay na ako sa pagbubully nila sa akin. Simula pa lamang ng freshmen year ay ako na center of attraction nila. Dahil sa pagiging nerdy ko. Matalino, Weird manamit, nakasalamin at higit sa lahat walang gustong makipagkaibigan. Pero noon iyon dahil ngayon nandito na ang matalik kung kaibigan mula kindergarden si Thomas.
“Hey, Emily hintayin mo ako”
“Thomas” pilit kung ngumiti ng makalapit na ito.
“May nangyari ba?” nag-aalalang tanong nito.
“Araw araw naman ganito eh. Hindi ka na nasanay.”
Inakbayan niya ako at marahang pinisil ang balikat ko.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
Nitong taon lang bumalik sina Thomas. Hindi ko na natanong sa kanya kung ano ang dahilan. Sobrang tuwa ko ng makita ko siya noong enrolment hindi ko agad ito nakilala dahil malaki ang pinagbago nito. Mula sa pagiging patpatin ay naging matipuno ang katawan nito at nagkaroon ng kompyansa sa sarili, hindi katulad ko na walang pinagbago.
Magkaklase kami sa halos lahat ng subject maliban na lamang sa PE dahil exempted siya. Kasama kasi siya sa basketball team ng school namin. Kahit na nakipagkaibigan siya sa akin hindi na ulit nangahas ang mga ito na gawin sa kanya ang mga pinaggagawa nila sa akin. Nagsimula ito noong 1st day of school.
***1st day of Senior Year
“Thomas bakit ka ba sumama sa kin” nag-aalalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
FanficEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...