Chapter 9: Blunt Bangs

195 5 7
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko hawak hawak ang cellphone ko. Para akong sira pinaniwalaan ko talaga ang sinabi ni Ryder na tatawagan niya ako. Ako naman itong assumera. Pero baka busy lang siya. O di kaya may nangyari sakanya. Huwag naman sana mamahalin ko pa siya. huh? anu sabi ko mamahalin pede gusto muna.

Napatalon ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko. Muntik na itong mahulog buti nalang nasalo ko agad.

(hello?)

(Ems.)

(*sigh* Thomy ikaw pala.)

(....)

(hello, Thomas?)

(Sorry, Hindi ako ang hinihintay mo na tawag. Sige kita nalang tayo sa school bukas.bye)

(Hey Tho-..)

*tooot tooot toot

Naman oh nagtampo ba siya. Napafacepalm ako. Ano ba tong ginawa ko. Sinubukan ko tawagan si Thomas pero nagriring lang den ng tawagan ko ulit unattended na.

Nagising ako sa sinag ng araw. Nakatulog ata ako kakahintay sa tawag ni Ryder at kakatawag ko kay Thomas na naka-off ang cellphone. Bangon sa kama, ligo, bihis, kain at toothbrush. Sobrang nagmamadali kasi malalate na ako. Yes for the first time hindi ako ang unang tao sa school. Masyado ako naging puyat kagabi.

"Look who's here" Yong si Girl #1 ay tama Pepper pala name niya.

Napalingon sa akin ang dalawa pa niyang kasama.

"Look how big her eyebags. Ewwww" Girl #2

"Baka nagiipon ng eyebags. You go girl!" Girl #3

"Or worse naghihintay sa tawag ni Papable Ryder kagabi. Huwag assumera teh ha na tatawagan ka talaga nya." Pepper

Ayaw ko silang patulan kasi lalaki lang ang gulo kaya umiwas nalang ako. Nag-iba ako ng daan papunta sa room ko kaya heto ako ngayon medyo malalate na sa klase kasi ang layo pa ng inikot ko para makarating lang sa room ko.

"Hey, Emily."

Napatigil ako sa pagpasok sa classroom namin. Kahit hindi ko makita kung sino tumatawag sa akin. Boses pa lang niya kilala ko na siya. Dahan dahan akong lumingon sa direksyon ng tumawag sa akin.

"H-hi Ryder."

"Sorry if I wasn't able to call you last night." Lumapit ito sa akin at bahagyang kinamot ang batok niya parang nahihiya siya.

"Ok lang iyon. I was busy doing my homework sa its nothing really." Lie.

"Lets eat lunch together, right after you finish your morning class."

"Walang kang taping ngayon??"

"I have, but just few scenes den I can go. So I'll wait for you outside?"

Tumango lang ako.

"Good, bye. See you later then."

"Bye."

Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Ryder na patungo sa gym ng school. Nang papasok na sana ako nakita ko si Thomas nasa hindi kalayuan nakatingin sa akin.

Hindi ba siya papasok bakit nandyan lang siya nakatayo.

Nagtitigan kami ng ilang minuto bago siya lumingon sa ibang direksyon at tinungo ang silid namin.

Natapos ang klase namin sa umaga pero hindi pa rin ako pinapansin ni Thomas ng tumunog ang cellphone ko.

Isang text message.

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon