*click (lights on)
"T-thomas?"
"Ems, whats with hitting me with a golf club?" hinihimas himas pa nito ang braso na marahil ay napuruhan ko sa pagpalo.
Agad akong lumapit sa kanya at iniwan sa isang tabi ang hawak ko.
"Naku! Thomy sorry talaga. Hindi ko naman akalain na ikaw pala ung nangingialam sa ref namin." Napatakip ako sa bibig ng makita ko ang maliit na sugat sa may pisngi nito.
"Ems, wala toh. Isang maliit lang na sugat." Napangiwi pa ito marahil sa hapdi.
"Kahit na. Maupo ka muna dyan kukunin ko lang ang first aid kit. Paano ka ba nakapasok?" tanong ko sa kanya habang hinahalungkat ang mga cabinet sa maaaring pinaglagyan ng kit.
"Dumaan sa pintuan." diretsang sagot nito.
"Hahaha. Very funy Thomy pilosopo ka na pala ngayon."
"Joke lang naman Ems. Ikaw naman hindi mabiro." natatawang sabi nito.
Sa wakas at nakita ko na rin ang kit at lumapit sa kanya upang gamutin ang sugat nito.
"So paano nga?"
Kumuha ako ng bulak at nilagyan ito ng konting betadine at dinampi sa sugat nito.
"Dahan dahan naman Ems. Gumaganti ka ata sa joke ko eh."
"Ganti ka dyan. Eh ang hina lang naman un ang arte mo naman."
"Anyways, about your question. Kanina pa ako dito dinalaw kita pero sabi ni Tita lumabas ka raw at nagpunta sa victory party ng mini concert."
"You mean kanina ka pa dito?" manghang tanong ko.
"Kinda."
"Hindi ka man lang nagtext?"
"Nawala kasi phone ko." simpleng sagot nito.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" kasi naman paano ko siya hindi pinaghinalaan na magnanakaw eh tulog na sila Mama pero andito pa siya at naka-off pa ang mga ilaw.
"I told Tita na hihintayin kita. It was ok with her. And about the lights. I know naman na you want to save energy kaya I also let the lights off."
Oo totoo yong sinabi ni Thomas. Sa mahal ba naman ng mga bayarin ngayon kailangan namin matutong magtipid. Hindi naman kami mayaman tamang tama lang kaya sinisikap namin maging matipid sa lahat ng bagay.
"So bakit mo pala ako hinintay?"
"I just missed you."
Those 4 simple words makes me shiver. Parang may kung anong nagkakagulo na mga paru-paru sa tiyan ko. Ok kinilig ako doon.
"Uy kinikilig na yan." hinampas ko nga ng mahina sa balikat.
"So? Movie marathon tayo?" pagyaya ko sa kanya.
Isa ito sa mga ginagawa namin nuon lalo na kung bakasyon at walang pasok. Agad kami kumuha nga makakain habang nanonood ng palabas. I missed being with him sa susunod ko na lang siguro siya tatanongin sa hindi niya pagpunta sa mini concert at yong tungkol sa nakita ko pag-uwi namin ni Ryder.
Madaling araw na pero nagpumilit pa din si Thomas na umuwi. Kaya nang makalabas na siya ng bahay ay agad ko ng nilock ang pinto at tinungo ang kwarto ko.
Pagkagising ko agad ko tiningnan ang wall clock sa gilid ng pinto ng kwarto ko. It's already 12nn. Hindi na siguro ako ginising nila Mama kasi alam nila na inabot na naman kami ng umaga ni Thomas sa panonood ng palabas.
"Si Papa?" agad na salubong ko kay Mama kasi nakita ko itong nanonood ng TV sa salas.
"Tumawag kasi Boss niya Ems kaya kahit restday niya kailangan niyang puntahan, importante ata. Kumain ka na nasa mesa lang ang ulam at yong kanin naman kumuha ka na lang doon sa rice cooker."
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
FanfictionEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...
