Chapter 16: His Past (part 1)

181 6 0
                                        

THOMAS POV


Nang matapos ko ihatid si Emily sa bahay nila galing sa Jollibee agad akong umuwi at tinawagan ang isang kaibigan who's with me when I was in Canada. Wala akong choice ng mga panahon na yon ng maisipan ni Papa na kunin ako kay Mama.



Flashback

Kakauwi ko lang galing sa bahay nila Emily mas nagiging close kami sa isa't isa nang umalis si Jeric. Doon lang naman ako kung wala dito sa bahay. Pag-uwi ko naabutan ko si Mama na may kaaway. Sa boses pa lang ng kasagutan ni Mama kilala ko na ito.


"Papa?"


"My boy Thomas!"


Sinalubong ako ng yakap ni Papa pero ako nakatayo lang sa may pintuan at nakatingin kay Mama na umiiyak. Agad ko itinulak si Papa at galit na galit na tumingin sa kanya.


"What are you doing here?"


"I came here to see you son. I missed you."


Medyo napatawa ako sa sinabi niya. After so many years? Pupunta siya dito aawayin si Mama tapos sasabihin niya sa akin na namimiss niya ako? Ano to lokohan?


"Just go straight to the point."


Napako naman si Mama at ang lalaking nasa harapan ko na sa kasamaang palad ay Papa ko. Hindi nila inaasahan ang ugali kong iyon, being cold.


"I came here to get you."


Naguguluhang napatingin ako kay Mama. Tumutulo pa rin ang mga luha sa mga mata nito pero hindi nagsasalita at nakatingin lang sa amin.


"I don't want to. I want to stay here with Mama."


"You don't have a choice son."


Ikinuyom ko ang mga kamay ko na nasa gilid ko. Anong karapatan niyang tawagin akong anak. Pagkatapos niya kaming iwan ni Mama.


"Ma." Nagmamakaawang tumingin ako kay Mama.


Naputol ata ni Mama ang dila niya at si Papa lang itong nagsasalita.


"I'm filing a case against your mother if she won't let you go with me."


Nang gabi din yon umalis kami ni Papa ng Pilipinas. Nalulungkot ako hindi lang dahil iniwan ko si Mama kundi sa hindi man lang ako nakapagpaalam kay Emily. Alam ko malulungkot yon.



[Dude, are you going here tonight.]


Ilang taon na din ako dito sa Canada and I became a rebel. Kinuha ako ni Papa kay Mama dahil hindi sila magka-anak ng bago nitong asawa. Mabait si Tita Martha pero hindi mawawala sa isip ko that because of her iniwan kami ni Papa. Nag-iisang anak si Tita Martha ng kilalang maimpluwensiyang Congressman ng Canada.

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon