Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Kanina pa siguro tumutunog ang alarm paano ba naman itong si Thomas hindi ako pinatulog sa sinabi niya kagabi.
Bakit ba nito nasabi yon kagabi. Hindi naman yon panaginip kasi pinagpipisil ko pa nga magkabila kong pisngi ang sakit sakit pa nga hanggang ngayon.
"Ems, masama ba pakiramdam mo?"
"Hindi naman po Ma. Papasok po ako magbibihis na."
Nakakatawa eh nasa higaan pa ako. Paano yon mag-aala The Flash na naman ako? Pero need kong mag-ayos. Paano ba to nagiging conscious na ata ako. Bahala na nga.
Nagtungo ako sa banyo na nasa tabi ng kwarto ko. Sa hindi kami mayaman eh para nasa kwarto ko lang yon. Matapos maligo bumalik naman ako sa kwarto para magbihis. Nasa harap ako ngayon ng salamin katabi ng study table ko. Sinipat ko ang sarili ko. Ok na siguro histura ko mukha ng tao.
Kakalbas ko lang ng kwarto ng makasalubong ko si Mama.
"Nandiyan si Thomas sa labas Ems."
Hala! Ano ginagawa nya dito.
Oo nga pala naalala ko ang sinabi niya kagabi sa akin.
Flashback
"I know magiging ganyan ang reaction mo Ems. If you ask me when did I start to like you? Kahit ako hindi ko alam. Paano kita nagustuhan kahit ganyan ka?Hindi naman lahat ng gwapong kagaya ko sa physical features nagiging basehan para magustuhan." he smirks
Nasuntok ko ng mahina ang balikat niya dahil sa biro nito.
"Di ngah. Pwera biro. I like you no matter what you look. Hindi mo dapat maliitin ang sarili mo Ems just because of the way you look. Not all should be based on the outside ang pinakaimportante on who you are in the inside. And I know you are a very good person. That's one thing I like about you. You are real."
Hindi ko alam ano ang sasabihin sa mga pinagtapat ni Thomas sa akin. Oo masaya ako kasi kahit pala ganito ako may magkakagusto sa akin.
Possible din kaya si Ryder? Pinilig ko ang ulo ko. Ang bad ko naman si Ryder iniisip ko eh si Thomy ang nasa harap ko.
"Ok lang kahit hindi ka magsalita Ems. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Iabsorb mo ng mabuti ha para hindi ko na uulitin." nakangiti nitong sabi.
Bigla akong napangiti sa sinabi niya. Napakaunderstanding talaga nitong bestfriend ko.
"Simula bukas liligawan kita Ems. Hindi naman masisira friendship natin eh. Just give me a chance to show you how special you are to me."
I just nod to him to say na I agree. Why not give it a try di ba? ako na nga liligawan. Ang Nerd na si Emily Villaflor tatanggi pa ba sa gwapong basketball player / knight in shining armor bestfriend na si Thomas Jackson. Ako pa ba ang choosy.
End Flashback
"Ok Ma, salamat."
"Hindi ka na ba kakain anak?"
"Baka malate pa po ako Ma eh madamay pa si Thomas."
"Oh hala, dalahin mo itong inihanda ko. Bigyan mo din si Thomas ha?"
Tumango naman ako. Inabot ni Mama sa akin ang isang paper bag sinilip ko ito at nakita ko ang dalwang malaking home baked cookies at brownies na nakalagay sa isang plastic container.
"Hi Ems. Good Morning." nakangiting bati sa akin ni Thomas nakatayo ito malapit sa pintuan ng passenger seat.
"Good morning din Thomy." ^__^
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
FanfictionEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...