Isang linggo mula ng magcelebrate ako ng birthday ko. Isang linggo ko na din hindi nakikita si Thomas. Sigrudo nagpapamiss lang yon panigurado kasama nito ang kaibigan niya na galing Canada.
"Ems! Halika na kailangan mo na magready para mamaya."
At ngayon na din gaganapin ang Mini Concert ni Ryder dito sa school namin. Medyo kabado ako kasi nga sabi nila marami daw manonood na label companies, kilalang mga singers at mga media people.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hiniga. Aja! lang kaya ko toh!
Kompleto kami lahat para sa final practice namin. Ilang araw ko na din nakakasama si Ryder sa pagpapractice ng part namin sa concert. Mas lalo akong kinakabahan baka ako maging dahilan at masira ang kanta namin.
"Hey! Inhale and exhale. You'll be great later."
Nagsmile lang ako sa kanya. Lagi niya itong ginagawa yon bang chinecheer ako para mawala kaba ko.
Matapos ang final practice ay nagtungo na kami sa mga dressing room namin. Sa kasamaang palad kasama ko si Pepper. Walang oras o minuto na hindi ito nanglalait o nang-iinis sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Sabi nga nila para hindi ka masaktan ipalabas mo lang sa kabilang taenga ang narinig mo.
"Emily, be ready ok. It's almost time." Sabi ng isang staff ng concert na dumungaw mula sa pintuan.
"Dapat lang naman talaga magready ka baka ipahiya mo pa si Papa Ryder. Kung ako na lang sana kasi ang naging kaduet niya walang problema baka nga may kumuha pa sa akin na isang label company. hahaha"
Pasok sa isang taenga labas sa kabila.
Pinagmasdan ko na lang ang sarili ko sa salamin na may maraming ilaw. Hindi ako makapaniwala na ako talaga ang nasa salamin. Sobrang straight ng hair ko pwede ng pangshampoo ng commercial.
Kaya ko to! Laban lang. Pero bigla ako nalungkot hanggang ngayon hindi pa din nagpaparamdam si Thomas. Pupunta naman siguro ito di ba para panoorin ako. Impossible namang hindi niya makita ang sandamakmak sa advertising sa mga bulletin board at sa isang napakalaking Ads Poster sa kilid ng campus.
"Pepper, its your turn next, be ready!"
"I am born ready!"At lumingon pa ito sa akin. "Bye loser! Sana mapahiya ka mamaya! Don't worry dear ako ang sasalo para hindi naman mapahiya si Ryder. Ciao!"
Pagkalabas ni Pepper ay sumunod ako sa kanya mahirap na baka maisipan nitong ilock ako sa loob mabuti ng yong makasiguro.
Hindi muna ako sumilip kasi baka lalo akong kabahan kapag makikita ko ang maraming tao. Kaya nagpasya akong tumayo na lang muna sa isang tabi. Nabaling ang tinggin ko sa bandang entrance papuntang stage ng may marinig akong tawanan ng mga tao.
Nakita kong may tumatakbong staff papunta sa gawi ko kaya hindi ko maiwasang mahila ito.
"Kuya, ano pong nangyayari?"
"Aish. Kasi naman yong Pepper nagtangkang bumirit hindi naman kaya." Paalis na sana ito ng muli itong tumakbo pabalik sa akin.
"Di ba ikaw yong kaduet ni Ryder?"
"Ha? O-opo."
"Kayo na ang susunod."
What?! Ano daw? Pero dapat sa ending part kami.
"K-kuya? Bakit po napaaga."
"Para mapagtakpan ang ginawa nung Pepper."
Parang mas bumilis pa ata ang tibok ng puso ko. Paano to baka mapahiya lang din ako gaya ni Pepper.
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
ФанфикEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...