Chapter 25: The Favor

83 5 21
                                        

AN: Sorry for the super duper duper slow update. Kung ano ano kasing gangster stories binabasa ko kaya nahihirapan ako sa pagpapatuloy sa kwentong ito. Pero mabuti na lang at bumalik ang senses ko kaya here I am.

This chapter is dedicated to @chonaganda kasi na-appreciate niya ang story ko..^_^

~~~

Mag-aalas dyes na ng gabi ng makarating ako sa bahay hindi na pumasok pa si Thomy kasi gagabihin na siya talaga. Pagkasara ko ng pinto nakita ko si Mama na sinalubong ako.

"Kumain ka na Ems?"

"Opo Ma, may nadaanan kaming nagtitinda ng kwek kwek ni Thomy."

Lumapit ako kay Mama at nagmano dito.

"Oh siya, pumasok ka na sa kwarto mo at makapagpahinga ka na."

"Sige po, goodnight Ma."

Pagkapasok ko ng kwarto patakbo kung tinungo ang higaan ko.

Waaaaah. Nakakapagod ang araw na ito pero napangiti ako kasi nagawa ulit namin ni Thomas ang magcommute at kumain ng mga street foods.

Ipipikit ko na sana ang mga mata talagang napagod ako at tinatamad magbihis ng makita kong umiilaw ang cellphone ko.

Hala! Hindi ko pala nareplayan kanina si Ryder. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko na nasa study table ko at agad itong sinagot.

"Hello?"

[Gising ka pa pala Ems?]

"T-thomas?"

[Bakit? Are you expecting someone else?]

"H-ha? W-wala naman. A-ano pala sadya mo? Napatawag ka, siguradong importante yan."

Napatingin naman ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga sa kama.

[Ah. Oo nga pala. Nakalimutan ko kasi sabihin sayo kanina may ipinapakiusap si Mama sana sayo.]

"Huh? Ano ipapakiusap ni Tita sa akin?"

Napaisip naman ako. Minsan lang kasi humingi ng pabor si Tita. Yong last time na pabor niya is yong nasa elementary kami ni Thomas at ako ang kinuhang partner nito sa Mr. and Ms. UN. Si Thomas kasi napiling representative sa year level namin. At ang loko ayaw sumali kung hindi ako ang kapartner.

Waaaah. Sobrang most embarassing moment yon. May bangs pa ako nun na hindi pantay kasi ako lang gumupit. Ewan ko ba ano nakain ko noon at naisipan ko gupitan buhok ko.

[Ems? Hello? Still there?]

"O-oo Thomy andito pa ako."

[As I was saying may ipapakiusap si Mama sayo.]

"Ano naman yon? Walang problema basta ba kaya ko."

[Kayang kaya mo yon, Ems. Magaling ka ata sa ganun.]

"Talaga? Sus, yon naman pala eh. Sige go ako dyan."

[Sige ha? Walang bawian sasabihin ko kay Mama bukas na bukas na pumayag ka na.]

"Tuwang tuwa lang Thomas?"

[Wala lang.]

Nakasimangot naman ako. Wala lang daw pero ung boses niya parang excite na excite kasi nakuha niya isang bagay na gusto niya.

"Eh ano pala yong gagawin."

[Basta pumayag ka na ha? Wala ng bawian.]

"Oo na nga sabi eh."

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon