"D-di ba si J-jeric yon Thomy?"
"Huh? Si Jeric?" Napalingon naman si Thomy sa labas.
"Di ba tama ako si Jeric yon?"
Naglalakad ito papasok ng Jollibee at may kasamang isang magandang babae. Pinagmasdan namin silang dalawa ni Thomas. Ang sophistikada tingnan ng babae ang puti puti pa tapos ang kinis hindi ata ito nagkaroon ng pimples kahit minsan. Kainggit naman.
"Si Jeric nga pero bakit niya kasama si Venus."
"Huh? Sinong Venus Thomy?"
Oo na ako na ang chismosa eh sa childhood crush ko yang si Jeric. Oo kababata namin ni Thomas si Jeric pero bigla lang silang nagmigrate sa Canada. Paano ko siya nakilala gayong matagal na kami hindi nagkikita? Eh ano ang silbi ng facebook. Noong nasa elementary days pa kasi sinubukan ko isearch ang pangalan niya at luckily meron pala siyang account kaya yon may update na ako sa kanya. Hindi ko siya inadd as friend. Stalker lang ang peg ko.
"Si Venus Montegrande isa sa mga kilalang modelo ng company ni Mama. Si Jeric pala ang nalilink na non showbiz suitor niya."
Ah. Suitor pa lang pala pero parang sila na sobrang higpit kasi ng hawak nung Venus sa braso ni Jeric.
"Lapitan ko kaya Thomy?"
Nilingon ako ni Thomas na nakakunot ang noo.
"Bakit mo naman lalapitan?"
"Ahm. Magpapakilala na ako yong childhood friend niya." with the 'duh' tone.
"Asa ka pa Ems na makikilala ka niya. Kumain ka na nga lang."
"Sige na nga." I pouted paano gusto ko lang naman mangamusta sa kanya.
Pero napaisip din ako. Tama din si Thomas baka nakalimutan na niya ako.
Busy kami sa pagkain ni Thomas ng ever favorite ko na Jolly Spaghetti ng may narinig kaming umuubo. Yong bang para malaman namin na may tao sa tabi.
Sabay na nag-angat kami ng tingin ni Thomas.
"J-jeric?"
"Oh it's really you Ems." ang tamis ng ngiti ni Jeric. Napansin kung siya lang mag-isa.
"How did you know who I am?"
"Ems naman. I stalked your FB I was just to shy to add you."
Napatingin naman ako kay Thomas. With the You-See look. Iiling iling na lang siya.
"Ah. By the way Ric, remember Thomy?"
Napalingon naman si Jeric kay Thomas pero may kakaiba sa tingin niya. Ewan ko lang kung ano.
"Yeah I remember him. Nice to see you again, dude."
Isang tipid lang na ngiti ang ginanti ni Thomas. Nagkita na ba sila noon? Parang hindi siya nagulat na makita muli ang childhood friend namin.
"Rics, I'm done.. Ohw. Thomas, I didn't notice you."
Tumabi agad ito kay Jeric at nakapulupot uli sa braso nito.
"Hey Venus." Nagwave lang si Thomas at itinuloy ang pagkain.
Anong problema nitong si Thomas.
"By the way Ven, this is Emily a friend of mine."
"Hi Emily." Inilahad niya ang kamay sa akin tinggap ko naman.
Parang mabait itong si Venus. Hindi gaya ng ibang kilala ko na maganda.
"We have to go. Nice to see you again Ems.. and Thomas. Hope we could catch up some time."
"Same here." I just waved my goodbyes to them.
"Thomy, may problema ba?"
"Wala naman Ems."
"Bigla ka kasing natahimik diyan."
"Just don't mind me. Tapos kana?"
"Ha? Ah. Oo eh." Para namang nagmamadali ito.
"Hatid na kita sa inyo. May pupuntahan pa kasi ako Ems."
"Ah. Ok."
Kakarating lang namin sa bahay at agad na umalis na si Thomas. Ano kaya problema nun.
"Anak, aga mo ata ngayon."
Sino ba naman hindi gigising ng maaga itong si Thomas talo pa ang alarm clock ko sa aga niyang pagsundo sa akin. Hayan tuloy napapaaga ang gising ko. Nauuna pa nga ako sa alarm clock ko.
"Emily, may bisita ka nasa salas."
Huh? napakunot ang noo ko. Bisita? Panigurado hindi si Thomas dapat sinabi ni Papa ang pangalan.
Pagkababa ko ng hagdan nanlaki ang mga mata ko sa nakita kung bisita.
"J-jeric?"
"Hi Ems." ang lapad ng ngiti nito.
May sasabihin pa sana ako sa kanya ng tumunog ang cellphone ko.
"Wait lang Ric ha?"
"Sure, I'll just wait for you here."
I gave him a smile at tinungo ang kusina upang sagutin ang tawag.
"Thomy?"
[Hey, Ems sorry hindi kita masusundo ngayon ha? May uhm bigla kasi inutos si Mama.]
"Ah. Sure sure ok lang naman Thomy."
[Thanks. Kita nalang tayo sa school later?]
"Sure."
[Bye Ems.]
"Bye Thomy."
Ayeeee kinilig ang lola niyo paano ang sweet ng pagkakasabi ni Thomas. Sige ako na ang kirengkeng.
Binalikan ko na si Jeric na busy sa pinapanood niya. Umalis na kasi si Papa baka malate pa daw siya magcocomute pa naman siya.
"Ric, ano pala ginagawa mo dito." Tiningnan ko ang wristwatch ko. Its 6:30am 7:30am pa klase ko hindi naman siguro ako malalate.
"Just drop by to catch up with you.. But I think maybe some other time na lang. I forgot you have a class."
Nahihiyang ngumiti naman ako sa kanya.
"hehehe. Sorry Ric ha."
"Nah, Ok lang yon. Ako dapat magsorry. So to make it up for you.. Hatid na lang kita sa school mo."
"Ha? N-naku huwag na Ric. Maaabala ka pa."
"It was not a question Ems. Its a statement." And he smiled.
Sa tingin ko hindi talaga ako pwedeng tumanggi kasi magtatampo ito. Naalala ko pa naman na sobrang matampuhin ang taong ito.
On our way papuntang school panay lang ang kwentuhan namin ni Jeric about sa mga nangyari sa kanya sa Canada meeting his half brother. Which he didn't mention his name. Hindi ko na itinanong pa kasi masyado na ata iyong personal. Ang pagtatanggol niya sa sarili against bullies sa school niya. Noon pa mn hindi na ito lampa sila pa nga minsan ni Thomas ang tumatanggol sa kanya kahit na minsa hindi magkasundo ang dalawa.
"Ems, it's really nice seeing you again. Hope this won't be the last?"
"Sure. Minsan naman magbonding tayong tatlo ni Thomas. Namiss ko na kasama kayong dalawa."
"I'd love that. So see you again?"
"Oo naman."
Nanlaki ang mga mata ko sa biglang nangyari. Nang mapahawak si Jeric sa pumutok niyang labi.
A/N: 4-27-15
So you all now meet Jeric. Ano kaya ang ginawa nito ay biglang dumugo ang labi nito. Is he a vampire at kinagat niya si Emily..heheh Well malalaman niyo sa next chap. Been busy kasi nagsummer class ang bebe ko. Mas lalo na siguro this June but don't worry reader / ghost readers I'll try my very best na maka-update.
Eggxoited na din pala ako kasi malapit na ang showing ng PSHR ng JaDine at JulNigo.
Be a Fan. Do vote. Gamshamnida!
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
FanfictionEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...