Lagot na talaga ako.
Naririnig kong medyo tumatawa ito sa kabilang linya. Sa sobrang inis ibinaba ko ito.
Tumalon ako sa aking kama.
Yakap yakap ko ang aking unan habang tinitingnan ang tumutunog na cellphone malapit sa aking laptop.
Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.
~~~
“Emliy? Anak?”
Ilang malalakas na katok sa aking pintuan ang nagpagising sa akin. Dahan dahan kung iminulat ang aking mga mata.
Agad kung tiningnan ang Digital clock malapit sa higaan ko.
Sh*t!
7:30 a.m. na!
“Emliy?”
“Ma, gising na po ako.”
“Anak papasok ka ba? Masama ba pakiramdam mo?”
“Ok lang po ako Mama tsaka papasok po ako. Maliligo na po.”
“Bilisan mo lang anak.”
Habang patungo sa banyo narinig ko ang papalayong hakbang ni Mama ng muli itong bumalik.
“Ems, nasa labas pala si Thomas hinihintay ka.”
Naman oh.
Kahit kalian hindi ako naging late sa school.
Matapos maligo at magbihis. Dali-dali kung tinungo ang kusina at kumuha ng tatlong pares ng sandwich. Lalabas na sana ako ng bahay ng tawagin ako ni Mama.
“Anak, dalahin mo na ito.”
“Ma, tama na po itong sandwich”
“Naku, Naku..Hindi pede iyan dahil hindi ka kumain ng agahan ito nalang at baonin mo.”
Kinuha ko ang inabot ni Mama at hinalikan ito sa pisngi.
“Thanks Ma. I love you.” Nilingon ko si Papa na nasa mesa kumakain.”Una na po ako Papa.”
Pagkatango nito. Mabilis pa kay The Flash tinungo ko ang kotse ni Thomas.
Agad nitong binuksan ang pintuan ng passenger seat.
“Sorry.” Hinihingal kong sabi kay Thomas ng makaupo na.
BINABASA MO ANG
Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-
FanficEmily Villaflor kilala sa kanilang school bilang four eyed campus nerd, baduy, no social life at higit sa nag-iisa lang ang kaibigan. Si Thomas. Ang kanyang childhood friend, her knight in shining armor and bestfriend. Sa isang aksidente magbabago a...