Chapter 22: Victory Party (2)

61 1 2
                                    

"Owh! Hi there Ryder. Anyways, I was thinking if you have signed to any label companies?" he was referring to me. Eh kami lang naman nandito. Alangan naman si Ryder eh may kumuha na sa kanyang label company. I forgot lang ng name nun.


"That's too early for that Mr. Roswell." mabuti na lang at nagsalita si Ryder hindi ko din naman alam ang sasagutin ko. Wala naman yon sa isip ko.

Atska sino naman magkakagusto kumuha sa akin?

"Andyan ka na naman sa pagiging pormal ko Ryd."

Nakita ko pang natatawang sinuntok ni Mr. Roswell ang balikat ni Ryder. But in a joking way.

"You are my boss."

"Tss. Anyways Emily. Kung maisipan mo lang naman mag-audition sa aming search for Ryder's loveteam why not join in?"

Napaturo naman ako sa sarili ako. Oo ako na ang speechless. Kasi naman ang bilis ng pangyayari. Atska ano daw? Audition? sa magiging kaloveteam ni Ryder? Pero anong laban ko sa ibang magaganda na mag-audition.

"Hey, your spacing out Ems."

Nakita ko pang kinaway-kaway ni Ryder ang palad nito sa harap ko kaya natauhan ako bigla.

"H-ha?"

Nang bumalik ako sa katinuan napalingon ako kay Mr. Roswell and he is smiling.

"As I was saying try to audition. ok? Hope to see you there." at umalis na ito at tinungo ang iba pang mga bisita.

"Naghahanap sila ng kaLoveteam mo?" tanong ko kay Ryder nang kami na lang dalawa.

Ako na ang makulit. Kakasabi lang di ba?

"Yup, I want to disagree on it but I can't because its the companies desisyon." kibit balikat na sagot nito.

Napaisip tuloy ako. Subukan ko kaya? Napilig ko ang ulo ko. Huwag na lang baka mapahiya lang ako. Asa naman akong makukuha ako.

"Hey, ikaw yong nakaduet ni Ryder sa mini Concert right?"

Napalingon ako sa papalapit na gwapong lalaki. Pero mas gwapo pa din si Ryder walang tatalo. peks man.

"Uhm. A-ako nga po." nahihiyang sagot ko.

"Girl, huwag kang mahiya ang galing mo kaya. You and Ryder had a very good chemistry." ay girlalo pala si Kuya pakumpas kumpas pa kasi ito ng kamay gaya ng gestures ng isang gay. Sayang.

Nakipagkwentuhan pa ito saglit sa amin ni Ryder pero nagpaalam na din ng may tumawag sa kanya. Ayon kay Ryder isa itong talent manager na kaibigan ni Chard.

Napalingon kaming lahat ng may nag-eecho tunong mula sa pinapa-on na micrphone. (gets nyo?)

"Uhm, Hello every one, We thank you all for coming tonight and joining us, as we celebrate the success of our mini concert..." bahagyang tinakpan ng Emcee ang mic at yumuko upang madinig ang sinasabi ng taong nasa harap ng stage.

"..Oh we have a little request from Golden Entertainment."

"Geez. Why so sudden."

"Bakit Ryder?"

Lumingon naman ito sa akin na nakakunot ang noo.

"I never thought he was really serious when he said we need to sing."

"We? as in tayo?" Kinakabahan naman ako. Kahit na nga hindi na ako masyado natatakot kumanta sa harap ng maraming tao.

Pero mas nakakakaba ito. Imagine kakanta ako sa harap ng mga kilalang tao and take note mga label companies gaya ng sinabi kanina ni Ryder nung nakipagkwentuhan kami sa girlalu na friend ni Chard.

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon