Chapter 13: The Date (ThoMily)

267 7 2
                                    

Malapit ng matapos ang klase namin for today pero hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Thomas kanina pagkarating namin ng school. Bakit niya naisipan yon? Ah baka naman dahil yon sa nakuha ako sa mini concert. Pinilig ko ang ulo ko pero nakapagcelebrate na naman kami sa kanila ah. Arggg. Ginulo ko ang buhok kong magulo na.

"Look at the Crazy Nerd." nakita kong nakatingin sa akin sina Pepper.

"Nasisiraan na ata ng bait." at nagtawanan ang mga mukhang witch. 

Naalis ang tingin ko sa kanila dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text message from Thomas.

Hey Ems, hindi kita mahahatid pauwi may biglaan kasing practice. - Thomy

Ok lang Thomy - Emily

But I'll fetch you up later for our date. - Thomy

Ah. Ok - Emily

Mabuti na rin siguro yon para makapag-isip ako ng susuotin. Haiz alangan naman hindian ko si Thomas eh ang laki na ng nabigay niya na tulong sa akin. Para naman makabawi ako sa kanya. 

Dumating ang teacher namin for the last subject kaya I decided to focus muna sa klase. After the discussion we had a short quiz na umangal ang mga klasmate ko pero they do not have a choice mabuti nalang nakinig ako.

Pagkatapos ng klase agad akong umuwi at tinungo ang silid ko. Nakapagbihis na ako at patalon na humiga sa kama ko. Hinalughog ko na bawat sulok ng closet ko pero wala akong mahanap ng isusuot para mamaya. Nang may napansin naman akong isang box sa study table ko nilapitan ko ito may nakataling pulang laso at may note.

Wear this later Emily.

~Love Tita Lily

Ang bait naman ng Mama ni Thomas nag-abala pa talaga ito. Napatingin ako sa relo na nasa gilid ng higaan ko. 1 hour nalang bago dumating si Thomas on time pa naman yon.

Nakapagbihis na ako pero heto ako ngayon nakaharap sa salamin. Ano ba ang gagawin ko. Hindi ko naman alam mag-ayos ng sarili. Sabi nila kung pupunta ka sa isang date dapat magpaganda. Aish nasambunot ko ang uhok ko. Paano ko naman gagawin yon eh hindi naman ako maganda. Naman oh ang laki ng problema ko.

"Ems? May problema ka?" takang tanong ni Mama bahagya pa lang nakabukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ma.."

"Bakit anak?"

Nakakahiya naman itong iniisip ko pero ayaw ko naman madisappoint si Thomas gusto ko din mag-effort.

"Hmmm Ma, pwede mo akong tulungan?" nakayuko kong sabi.

"Tulong saan?" Si Mama naman oh sinagot ang tanong ko ng isa pang tanong.

Kaya hayon sinabi ko kay Mama ang tungkol sa pag-aya sa akin ni Thomas sa isang FRIENDLY DATE! Emphasize talaga baka ano pa isipin ng Mama ko. Tinulungan ako ni Mama sabi pa nito matagal na niya daw gusto gawin ito sa akin pero ayaw naman daw niya na pilitin ako. Sobrang tuwa ni Mama ng matapos na at makita ang reflection ko sa salamin. Kahit ako hindi ko makilala ang sarili ko.

>>> Multimedia para sa appearance and outfit ni Emily.

"Ako ba talaga yan, Ma? Ang ganda ko."

"Sus itong anak ko GGSS na."

"Huh? Anong GGSS Ma?" kunot noo kung tanong sakanya.

Ang Textmate kong Artista (JaDine FanFic) -super ultra slow update-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon