Kabanata 15

214 10 29
                                    

Salubong ang mga kilay ko pagkalabas ko sa office ni Luis. Paanong hindi ako magagalit eh sinisira niya araw ko?halos magdadalawang linggo na niya akong pinapahirapan sa mga utos niya kainis. Nag-umpisa ang ganitong trato niya sa akin ng makita niya akong nakaupo sa ilalim ng puno kasama si Señor Agustin.

"Kay ganda ng iyong tinig kung magkakaroon man ako ng pagkakataon ay handa akong pakinggan ang iyong tinig hanggang sa huling hininga ko" bahagya akong napasinghap dahil sa sinabi niya

Oh my goodness may na fall sa boses ko? or assuming lang ako? hahaha

"Pwede mo namang pakinggan boses ko hanggang sa huling hininga mo basta ba may recorder ka" agad nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko kaya bahagya akong napatampal sa noo

Nathalia naman ih paano nila malalaman ang recorder eh hindi pa naman yata invented ang tape recorder sa panahong 1896?hayst

Trivia:Ang tape recorder ay inimbento taong 1886 ni Alexander Graham Bell's Volta Laboratory

"Ano ang bagay na iyon? ngayon ko lamang narinig ang salitang iyon" napakamot ako ng bahagya sa kanang pisngi ko dahil sa tanong niya

"Ah 'yun 'yung kapag magsasalita ako ng mahaba pwede kong ulit ulitin 'yung sinabi ko gamit 'yun kumbaga kapag may importanteng pagpupulong na hindi mo dinaluhan kunwari tapos ako 'yung nandun bale gagamitin ko 'yun para marinig mo ang lahat ng napag-usapan doon sa pagpupulong ganun" napatango tango siya saka siya bahagyang ngumiti

"Ganun ba? nais kong magkaroon ng bagay na tinutukoy mo upang sa oras na ako'y magpunta kung saan man ay maaari kong marinig ang iyong magandang tinig" bahagyang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya

Sa pagkakaalam ko second time pa lang namin nagmeet tapos may pa ganito na siya? Ang bilis naman yata

"Ah Señor gusto ko lang po itanong kung bakit parang pumuporma ka sa ak—"

Naputol ang sasabihin ko dahil sa isang pagtikhim. Agad akong napatayo ng makita ko kung sino ang tumikhim

"Luis este Gobernador" napakagat ako ng wala sa oras sa kuko ko dahil ang talim ng tingin niya

Kung nakamamatay lang ang tingin siguro kanina pa ako nakabulagta.
Grabeng makatingin 'tong lalaking 'to akala mo naman may ginawa kaming kasalanan sa kanya tsk

"Magandang araw Gobernador Heneral" bahagyang yumuko si Agustín pagkatapos niyang bumati kay Luis

Tumikhim muna siya bago siya sumagot

"Magandang araw rin Mayor Heneral..bakit ka nga pala napadalaw rito?" tumingin siya sa akin pagkatapos niyang magtanong kaya ewan ko kung may meaning ba ang tingin na 'yun o may pagbabanta 

"Nais ko lamang makalanghap ng sariwang hangin at nais ko ring makakita ng magagandang tanawin" bahagya akong napakagat sa labi ko dahil tumingin siya sa akin nung sinabi niyang Magandang tanawin

Mi Amado Gobernador General  (My Beloved Governor General)Where stories live. Discover now