Nakapangalumbaba akong nakatanaw sa labas mula sa teresa ng kwarto ko rito. It's been a week since I got here. At sa loob ng isang linggong iyon ay wala akong magawa. Ni ang kumilos para lumabas ay wala akong gana.
Ang pagmasdan lamang ang dalampasigan sa harap ng bahay nina tita Lexa ang tanging nakakapagpagaan sa bigat na nararamdaman ko sa aking puso. Ang maalat na hangin na siyang humahaplos sa aking balat at ang ingay ng alon na nagsisilbing musika sa lugar kung nasaan ako ngayon ang siyang kaagapay ko.
Sa lumipas na mga araw magmula nang makarating ako rito ay tanging iyon na lamang ang araw-araw kong kaharap. Kung gaano ko kagusto ang katahimikan sa lugar na palagi kong pinupuntahan sa Maynila, ay tila mas nagugustuhan ko pa ang katahimikan na hatid ng lugar na ito.
Ang amoy at preskong simoy ng hangin, ang asul na kulay ng karagatan, ang pagsayaw ng mga puno ng niyog dulot ng hanging habagat, at ang pagkukulay kahil ng kalangitan sa dapit hapon. Siguro ay 'yon lamang ang magugustuhan at gugustuhin ko sa lugar na ito.
Ang masilayan at maramdaman iyon sa araw-araw ay bago sa akin. Sapagkat nabuhay ako sa lugar na halos puro tunog lamang ng mga dimakinang sasakyan, ang itim na usok na nagmumula roon, at ang iba't-ibang uri ng naglalakihang mga gusali. Iyon ang buhay na naiwan ko. Ang lugar kung nasaan ang buhay ko.
Napahawak ako sa barandilya ng bintana dahil sa isiping iyon. Ang maalala lamang ang Maynila ay nagpapasakit na sa aking puso. Dahil alam kong kasabay sa pag-alis ko ro'n ay ang pagbitaw ko sa aking pangarap. Pangarap na alam kong hindi suportado ng mga magulang ko. Ang intablado.
"Miss Dense?"
Napalingon ako sa may pintuan ng kwarto kung saan nagmula ang boses na iyon.
"What is it?" I asked, nonetheless.
Nakita ko ang dahan-dahan na pagbukas no'n kaya hindi ko inalis ang aking tingin doon. At sa maliit na siwang ng pinto ay nakita ko ang naka-ngiting mukha ni tita Lexa sa akin.
"Let's go? Maghahapunan na..." Banayad na saad niya.
Just by looking at tita makes me remember about my mother. Kung paanong magkapareho ang tabas at estilo ng kanilang buhok, pati na rin ang kulay ng kanilang balat.
Tita Lexa started walking slowly towards me.
"Your tito Albert is there. Kasama na si Gil, umuwi kase kanina."
Sa isang linggong pananatili ko rito, ay ngayon ko lamang narinig na umuwi siya. Since the day I left him near the gate of our university, ay hindi ko na siya nakita pa. And it is because I didn't get a chance to visit our school again before transferring here. Sa Navas.
I diverted my gaze away from tita and looked outside instead.
"Mamaya na lang ako, tita Lexa," saad ko sa mababang tinig.
Narinig ko kung paano siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga matapos marinig ang aking sinabi.
"Hmm... Okay. But you'll go downstairs, right?"
"Yeah,"
Hindi ko na tinapunan pa ng tingin si tita Lexa bago pa man siya umalis. Dahil mas pinili ko na lamang ang ituon muli ang aking atensiyon sa dagat.
Navas has really this place. Ang Isla na nagdudugtong sa bayan ng Laoang at lugar ng Navas. It's quite huge. Ang parte ng lugar na halos puro tubig lamang ang makikita. Laoang and Navas is surrounded by this island. Kaya nga ang pangunahing hanap buhay ng mga tao rito ay ang pangingisda.
Sibilisado naman na ang lugar na ito, kaya nga may mga eskwelahan at ospital na rin dito. But it's way different from Manila. I'm sure that I'm not going to live their that long, sapagkat gagawa at gagawa ako nang paraan para maibalik lamang ako sa Maynila. Sa lugar kung nasaan ang buhay ko.
Tahimik lamang akong nakatitig sa labas ng teresa nang muli kong marinig ang tunog ng papabukas na pintuan ng kwarto ko. Ngunit hindi kagaya kanina, ay hindi na ako nag-abala pang lingunin iyon.
Narinig ko na lamang ang tunog ng mga yabag ng taong pumasok sa kwarto. Ang dahan-dahang pagsasara ng pinto at tunog ng pagkandado no'n. Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang lingunin iyon. Because I was wondering why there's a need to locked the door.
When I completely turned my body to look who went inside, I almost took a step backward.
His black hooded eyes are now staring at me fully. Ang itim na mga mata niyang iyon ay nakatutok ngayon sa akin. Na pakiramdam ko ay biglang lumukso ang puso ko nang makita kong muli ang pares na iyon.
"Bakit hindi ka pa bumababa?" Lingon na tanong niya.
Nagkibit lamang ako ng balikat bago magsalita.
"Hindi pa ako nagugutom."
Naglakad siya papalapit sa banda ko.
"I'm here now. So you should eat," Tumigil siya sa harap ko.
I arched my brows. "At ano naman kung nandito ka na?"
Sa malakas na kabog ng puso ko dahil sa presensiya niya ay nagagawa ko pa rin ang umastang normal sa harap niya.
"Kakain ka o susubuan pa kita?" he smirked at me.
Pinanliitan ko lamang siya ng aking singit na mga mata.
"You choose," baliwala nang sabi niya.
Tinitigan ko siya ng diretso.
"Kakain ako kung kailan ko gusto, Gil," matabang na saad ko.
Bumuntong hininga siya.
"You know what, Dense, mas mabuti pa kung mamuhay ka rito kagaya sa kung paano ka mamuhay sa Maynila,"
Napalingon ako sa labas dahil sa sinabi niya.
"You don't need to lock yourself here. Try to go out and went somewhere to enjoy. Malawak ang Navas."
Paano ko magagawa ang magsaya sa lugar na ito kung wala akong alam at kakilala?
Ngumiti na lamang ako nang mapait.
"I can accompany you,"
W-wait. Ano raw?!
Bigla akong kinabahan. "What are you, ahmm, s-saying?"
He looked at me. "I'm done with my school works in Manila, so... Baka magtagal ako rito."
Hindi ko alam ngunit tila nakaramdam ako nang saya dahil doon. Sa isiping magtatagal siya rito sa Navas.
"Ahmm, ano,"
"Hmm?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "K-kakain na ako."
I heard his soft laughed. "Okay."
Tumayo ako nang maayos at muling lumingon sa kanya bago itinuro ang pintuan. He just nodded his head. Hindi pa man ako nakakagawa nang limang hakbang ay muli ko na namang narinig ang boses niya.
"Ako lang pala ang katapat mo,"
Instead of feeling annoyed because of his words, ay iba ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay biglang nagkulay kamatis ang mukha ko sa sinabi niyang iyon.
I know that there's nothing special about what he said, kaya lang ay hindi ko mapigilan. Sa interpretasyon ko ay dalawa ang kahulugan no'n. Kaya hindi ko rin maiwasan ang mahiya at makaramdam ng kaunting inis sa sarili ko.
I chose to ignore his sentiments about my words awhile ago. Pinili ko ang maglakad na lamang diretso sa labas ng kwarto ko at iwanan siya sa loob. Wala naman siyang makukuha ro'n kahit ano pa ang gawin niya.
Nang nasa labas na ako ay kinapa ko ang dibdib ko at dinama kung nasaan banda ang puso ko. It's beating erratically inside of my ribcage. Na sa bawat kabog na ginagawa no'n ay siyang nagpapakaba sa akin nang husto.