Gabi na nang matapos kami. It was around seven. Kaya talagang madilim na. We already finished the first part. Dalawa lang naman kase iyon.
Unang kinunan ang pagpasok namin ng resort. Hanggang sa kunwaring nag-book kami ng room. Anthony said that it's better if we only has one room. Para raw talagang mahaltak ang mga tao. Dahil wala namang problema iyon sa akin at kay Gil, ay ginawa namin.
Kung titigan kami ng mga taong nakakakita sa amin kanina, ay animo'y totoo kaming magkarelasyon. Kaya nga hindi ko mapigilan ang mapangiti minsan. Lalo na kapag hinahabol kami ng tingin gamit ang kanilang tsismosang mga mata.
Hinubad ko ang manipis na damit na suot ko at inilagay lamang iyon sa ibabaw ng kama ko. I entered the bathroom to wear my bikinis. Two piece iyon. Puti ang kulay.
Lumabas din ako ng banyo pagkatapos kong maisuot iyon. Kinuha ko ang see through na damit ko at ipinatong iyon sa katawan ko. Humarap ako sa salamin, I tied my hair in a lose bun and let some strand of it on my face.
Nang matapos akong ayusin ang sarili ko ay agad din akong lumabas ng kwarto. I locked the door of my room. Napatingin muna ako sa kaharap na kwarto ko bago ko simulan ang maglakad.
I took the elevator room. Pagkababa ko ay nakita ko ang ibang mga tao sa hallway na naglalakad at kumakain. Dumeritso lamang ako. I left my room key on the receptionist before I went straight to the beach.
Dahil may kalayuan naman ang mga ilaw sa dagat, ay hindi masiyadong kita kung nasaan ako. I sat on the lounge chair there. Pinanuod ko muna ang bawat hampas ng alon.
Malamig ang hangin sa gabi. Lalo dahil tanging ang manipis lamang na tela ang suot ko maliban sa panloob na damit ko. Hindi ko maiwasan ang humugot ng malalim na hininga habang nakatanaw ako roon.
I was sitting there when I heard a voice from my back.
"You'll swim?" I heard him asked.
Naramdaman kong naglakad siya katabi ng puwesto ko.
"Yeah," sabi ko.
"Can I join?"
Napatingin ako sa kanya.
"Sure?" Patanong na sagot ko.
Tumawa siya. He's really handsome. Lalong sumisingkit ang kanyang mga mata sa tuwing tatawa siya.
I have chinky eyes too. Ngunit hindi ko masiyadong gusto ang akin. But the shapes of Gil's eyes, I really like it.
"You're not sure?" tumatawang tanong niya.
I rolled my eyes at him. Hindi ko rin maiwasan ang mapangiti dahil sa kanya.
Tumayo na ako mula sa upuang inuupuan ko.
"Let's swim 'til there?" tanong ko sa kanya habang itinuturo ang cottage na nasa tubig.
He lifted his head to look at where I am pointing.
"That cottage?" he asked while looking there.
Tumango ako.
"Uh-huh,"
He stood up.
"Let's have a deal first," he stated.
Hinubad ko na ang suot kong see through.
"What deal?"
Bumaling siya sa akin.
"A lifetime for us if I win," saad niya.
I felt like I was stock at the moment when I heard what he said.
Lifetime?
Hindi ako tanga para hindi makuha ang gusto niyang ipahiwatig. But a lifetime is a serious deal. Hindi ko pa nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. O kung mas tamang sabihin na paano ko sasabihin?