CHAPTER 3

1.4K 42 27
                                    

...

I'm at the studio right now. Tumakas na naman ako sa bahay dahil wala naman doon sina mommy at daddy. I'm watching how my seniors do their acting. They're really good at it.

Gustong-gusto ko ang panoorin sila habang umaarte sa taas ng intablado. Pakiramdam ko kase ay pinupuno no'n ang kakulangan sa aking puso. Ever since I was a kid, I really love watching people who're doing acting, modeling and such.

I find it refreshing when I saw lot of women walking with confidence in the stage, acting that they're in pain, that they're in love. Dahil sa bawat tagumpay na nakakamit nila ay pakiramdam ko ako ang umabot no'n para sa kanila.

"Dense!" I heard the voice of my friend calling my name.

I looked at my back, doon ay nakita ko si Lordel na may kasamang matangkad na lalaki. Dahil may kalayuan pa naman ang distansiya nila mula sa akin ay hindi ko makita ng malinaw ang mukha nang kasama niya.

I sat on the chair beside the sofa. Ang mahaba kong buhok na abot hanggang sa aking beywang ay sinuklay ko gamit ang aking mga daliri. Hinanap ko sa loob ng aking bag ang panyong palagi kong dala at ipinamunas iyon sa aking pawisang noo.

"How did you know that I'm here?" tanong ko sa aking kaibigan nang makalapit na sila.

Ngumiwi siya sa naging tanong ko.

"I went to your house for you, but you weren't there. Kaya tinanong ko ang mga katulong niyo, but they said that they couldn't find you there. So I came here," kibit balikat na sabi niya.

I rolled my eyes hearing her answer. "Who is he?" I asked her, pointing the man she's with.

"Oh! By the way, he's Gil, Dense. The one who designed the building of the College of Arts, remember?"

Tinitigan ko lamang ang lalaking kanyang tinutukoy ng mula sa kanyang suot na sapatos hanggang sa kanyang ulo. He's good-looking, I'll give him that. But I can say that he's not like me. Both of them are not like me.

"Gil? Hmm, good name. Not familiar though..." I said while looking at him.

Habang nakatitig ako sa kanya ay gano'n din naman siya. He's looking at me with tenderness. His black hooded eyes was so calming. I don't know why, but I find myself diverting my gaze away from him. Hindi ko alam kung bakit tila napaso ako sa uri ng tingin niya sa akin gayung kalmado at banayad lang naman iyon.

"He's my brother's best friend, Dense. Matalik na kaibigan ni kuya Azy."

May kaibigan pala ang gonggong na 'yon?

"Uh-huh?" tanong ko nang hindi makatingin sa kanya.

Tumalikod ako sa kanilang dalawa at muli kong itinuon ang aking atensiyon sa mga kapwa ko estudyante na naririto rin. We may have different reasons why we're here, but we definitely have the same reason why we're also here.

I couldn't say that my parents are against this. My dream. Gayung hindi pa naman nila alam kung ano ba ang gusto ko. Both of them have no idea about this. Dahil mas pinili kong itago iyon mula sa kanila. I don't want them to know about this thing. Sapagkat hindi ko rin gusto ang tumutol sila sa desisyon kong ito.

Abala ako sa panonood sa ginagawa ng mga kabataang kagaya ko na ito rin ang daan na gustong tahakin, nang bigla ko na lamang maramdaman ang presensiya ng isang tao sa aking tabi. It was him. The man who was with Lordel. Gil.

"Hi,"

Sa tangkad niya ay hindi puweding hindi ako mag-angat ng aking ulo. I looked up to him. Tinitigan ko muna siya nang mahigit dalawang minuto bago ako mag-salita.

"Should I say, yes?"

Bigla siyang napatawa sa aking sinabi na siyang nagpakunot sa aking noo. I don't like it when someone's making fun of me. Dahil pakiramdam ko ay naiinsulto ako.

"Did I say something funny to make you laugh?" mariing tanong ko.

Tumikhim siya bago muling magsalita. "No, yes. Ahm, no, nothing," I saw him suppressing his laughed while he's tilting his head and saying it.

I eyed him shamelessly. "You know what—"

"Of course, I don't know..." he cut me off.

"Oh, really?"

"Hmm..." Tumatango-tango pang saad niya.

"As I was saying..."

"Yes? What was it?" He went closer to me.

I remained compose while staring at him. Nang makalapit pa siya sa akin ay tsaka ako nagbitaw ng mga salita.

"Fuck you."

I saw how his eyes went bigger after hearing those words. Bingo. I smirked.

"Y-you,"

"Yes, me?" I mocked him.

"D-did you just, did you just told me to fuck you?" tanong niya pa.

Laglag ang panga akong napatitig sa kanya dahil sa kanyang sinabi. H-how the hell did the table turned?! I was the one who's trying to make him angry, but why does it turn out in a different way?! Damn. Kahit naiinis na ako ay mas pinili ko pa rin ang umastang kalmado sa kanyang harapan.

I was the one who went closer to him this time and whisper.

"Can you?" I asked him in a seductive voice tone.

I waited for his reaction for about a minute. And I laughed so hard when I saw how epic his reaction was. Kung kanina ay laglag panga akong napatitig sa kanya dahil sa kanyang sinabi, ngayon naman ay mas laglag ang kanyang panga matapos marinig ang mga salitang iyon mula sa akin.

Nang makabawi ako mula sa aking pagtawa ay muli akong umayos nang tayo at nagbigay distansiya sa aming pagitan.

I lifted my hand and caressed his face. "If you want that thing, just tell me. Hmm?" I asked him while tracing his jaw.

Tumalikod ako mula sa kanya at kinuha ko ang dala kong bag bago ko piniling iwanan siya. I was smiling from ear to ear. His reaction makes me want to do it again and again. It was so epic!

I shooked my head.

Hindi ko alam kung bakit tila masaya ako ngayon. This is the first time that I felt this. Magaan sa aking kalooban. I used to be alone, o kung hindi man ay kasama ko si Lordel. I never talked and go with other people out there. Dahil hindi ko gusto ang mapabilang ako sa kanila.

I only entertained few people in my life. Maliban sa aking mga magulang at sa mga katulong namin sa bahay, ay tanging si Lordel at sina Xavi na lamang ang taong hinahayaan kong mapalapit sa akin.

I walked my way out of the studio. Dumiretso ako ng lakad patungo sa may plaza at doon tumigil. I sat on the bench there and swayed my legs while looking at the wide area of the school. I really like it here. I really love the serene sound of the wind. The rays of the sun that serves as the light. Quiet and peaceful.

I couldn't help but to laughed at myself.

Dahil paano ko gusto ang ganyang pangarap kung ayaw ko sa atensiyon ng mga tao? Bakit ko gusto ang ingay na hatid nila kung mahal ko ang katahimikan na hatid ng lugar na ito? Paano ko nasasabi ang mga bagay na gusto ko, kung ako mismo sa aking sarili ay hindi ako sigurado?

Yes, I do have an ideal life. I can get all the material things I want, but what's the use of it all? When I don't even know what I really like? What I really want.

Sabihin ko man na gusto kong nakikita ang mga taong sumasayaw sa intablado at ipayagpag ang kanilang mga pakpak, ay hindi no'n mababago ang katotohanang hindi ko alam ang bagay na gusto ko. Dahil paano ko nga ba malalaman iyon kung ako rin mismo ay hindi kilala ang sarili ko?

How do I able to know the things I like, when I don't even know who I am?

The Unknown Betrayals (Navas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon