"Gil, sasama ka ba sa amin mamaya sa bar?" I heard Azy's voice.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. I was just looking at the girl who was sitting on the bench inside the campus.
Mahaba ang unat niyang buhok. Maputi at may katangkaran. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang itsura ng mukha niya. But I was sure that she's a beauty. Sapagkat tabas pa lamang ng kanyang likod ay sigurado na ako.
May kalayuan siya mula sa amin. Nasa building kami ng engineering habang siya naman ay nasa likod ng building namin. Sa puwesto ko ay kita ang mga tao mula sa ibaba. I was sitting on the last row. Sinasadya ko iyon dahil gusto kong tinitignan siya sa tuwing nagagawi siya roon.
"Nah, I need to go somewhere later," walang lingong sagot ko sa kaibigan ko.
Narinig ko ang tunog ng upuan sa may banda ko. Azy got up.
"Ano bang tinitignan mo riyan?"
Akma siyang titingin doon ng pitikin ko ang ulo niya. Tumingin siya sa akin ng masama.
"The fuck, man?!"
I just showed him my middle finger before shoving him away.
Una ko siyang napansin nang minsan akong magawi sa likod ng building ng engineering. Malawak ang lugar na iyon at hindi rin lapitin ng mga estudyante.
I was looking at the back of our building which is in front of the old benches there. Plano kase iyong ipabago ng head namin sa engineering bilang coverage sa finals namin.
Nakatanaw ako roon at pinag-aaralan kung ano ang maaaring mabago roon. The archi students were the assigned on checking the building but I did it my way also. Gusto ko kasing makita iyon para makapagbigay na rin ng opinyon tungkol doon.
Aksidente akong napalingon sa likuran ko at sakto namang tumatakbo siya papalapit sa may gawi ko. She was running her way there while glancing at her back. Her chinky eyes were smiling while she's running towards the bench.
My breathing hitched when I saw her face.
She was so beautiful. Na kahit ang butil ng pawis sa kanyang noo ay nakakadagdag lamang sa ganda niya. She was a perfect view.
It was the start of everything. Kung para kay Dense ay nagsimula ang lahat sa lugar ng Navas, for me, it wasn't. Because it started it all there. Sa lugar na gustong-gusto niya. Ang unibersidad namin.
Navas was just a part of it. Hindi iyon ang kabuoan at maging ang simula o ang naging wakas no'n ay hindi rin doon. But the best part of us was happened there. The realization and gloomy of everything, it happened there.
Dahil kaibigan ko naman si Azy at kapatid niya ang matalik na kaibigan ni Dense, ay kinaibigan ko rin si Lordel. Azy thought that I have a thing on her sister when I asked him about Lordel. But I told him I haven't.
May dapat lang akong alamin kaya ko tinatanong ang tungkol sa kapatid niya. But I never told him that it was because of Dense. Dahil ayaw kong pangunahan niya ako.
"Where's Lordel, Azy?" tanong ko sa kanya habang nasa cafeteria kami.
Agad niya akong binigyan ng nakamamatay na tingin matapos kong itanong iyon. Napatawa na lamang ako.
Very protective brother. The reason why his sister didn't get a boyfriend.
"Huwag kang mag-isip ng kung ano, puwede ba?" natatawang sabi ko sa kanya.
"Oh, man, what do you want me to think then?"
"Nothing?" hindi siguradong sagot ko.
"See that? You aren't even sure about that."