Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Kaya tumahimik na lamang muna ako.
Shit. H-he just said that he misses me!
"Dense?" Untag niya.
Malalim akong huminga at matunog na pinakawalan ko iyon.
"What's with the heavy breathing, hmmm?" tanong niya pa.
Pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko dahil sa kakakagat ko.
"Why aren't you speaking?"
Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin ko. Baka kase masabi ko na naman ang mga salitang dapat ay nasa isip ko lang.
I heard him tsked. " Okay, I'll hang up the phone, I guess?"
Bakit niya pa itinatanong iyon?! Is not as if, he's asking my permission so he can drop the call?
"Okay, okay. Bye-"
"G-Gil!"
Napapikit na lang ako dahil sa pagsigaw ko. Oh, great again!
"Ahm, ano, I-I just want to ask if..."
Nahihiya akong itanong sa kanya kung kailan ba siya babalik dito sa Navas. Baka kase kung ano pa ang isipin niya kapag itanong ko iyon sa kanya.
"I miss your voice..." he suddenly said.
A-ano ba ang pinagsasasabi niya?!
I felt my cheeks reddened more because of his words.
"G-gano'n ba?" tangang tanong ko.
It's just that, I couldn't find the right words to say at the moment! Dahil mas pinangungunahan ako nang kabang nararamdaman ko.
"Uh-huh?"
"Ahm, ano, 'yong tanong ko pala?"
"Ah, yeah, I'm sorry. What was it?"
"I-itatanong ko lang sana kung..."
"Kung?"
"Ahm, ano, k-kung kailan ka ano, ahm, k-kung kailan ka u-uuwi?"
There! Nasabi ko rin sa wakas!
"You want me to be there?"
Ano ba ang isasagot ko? Think, Deandra!
Malalim akong humugot ng hininga bago ko iyon muling pakawalan.
"Kind of." I answered.
"Really?"
"Um-om,"
"Yes or no will do, Dense,"
Oh, shoot!
"I'll ask you again. Do you want me to be there?"
Kahit kinakabahan ako ay gustong-gusto ko ang sumagot ng oo. Ang kaso nga lang ay nahihiya ako. Dagdag pang sinabi niya noon sa akin na hindi ako ang tipo niya.
I don't want to hope for a thing that I am not sure if he can give me. Because I don't want myself to be in hope again. I don't want to expect anything from him like how I expect too much for my dream. Dahil kagaya sa pangarap ko, ay alam ko ang posibilidad na maaaring mangyari.
But I don't know why, that even after having the ideas for those possibilities, I still want a hope from him. I still want to entertain that expectations. Because I know myself that I want him.
Hindi ko man iyon masabi ng diretso o kahit ang aminin man lamang nang hindi nagkakaroon ng pagdadalawang isip, ay alam kong gusto ko ang narito siya. That I want him here. I want him beside me.