CHAPTER 15

902 30 8
                                    

Patakbo na naman akong naglalakad papalabas ng eskwelahan. Hawak-hawak ko sa aking magkabilang kamay ang saya ko habang unti-unti namang nahuhulog ang necktie ko. Ang mahaba at unat kong buhok ay sumasabay sa indak ng paglalakad ko.

But unlike the usual days, na tumatakbo ako para lamang takasan ang klase ko, sapagkat ngayon ay dahil sa kanina pa dapat ako nakauwi. It's just that, something came up after our class.

The dean of our school announced earlier regarding to the upcoming finals. So as the runway. Kaya imbis na kanina pa ako nasa bahay ay nagtagal pa ako nang mahigit kalahating oras din.

"Dense!"

Tinitigan ko si Sheryl nang tawagin niya ang pangalan ko.

"We finished it all last night."

I know that she's pertaining about the dresses so I nodded my head.

"Good then."

"So, ano..."

"Yes?"

"Are you ready for it?" she asked.

"Why?" balik na tanong ko rin. "Do you think I am not?"

Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Hindi naman. Ano lang kase, there are press that will cover the runway next week."

"And so?"

"We just want it to be perfect. We want you to be sure."

"Why? Did I said something for you to think that way?"

Alanganin siyang ngumiti sa akin.

"No, of course. Naniniguro lang..."

"Then, I'm giving you the assurance now. I'm prepared."

Ngumiti siya. "Salamat naman!"

Akma siyang yayakap sa akin nang bigla akong umatras.

"It's a no."

"A-ahm, gano'n ba?"

"Gano'n nga."

"Pasensiya na. I was just...I was just carried away."

"I'm out now. I needed to go home early."

"Sige, sige!"

Nang makarating ako sa parking lot ng eskwelahan ay agad na rin akong pumasok sa sasakyan ko at pinaandar iyon.

I was smiling because of the excitement of going home. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi niya sa akin no'ng nakaraang linggo nang umuwi siya rito.

"We're going out the next time I go home."

"Huh?"

"Gusto mo bang lumabas?"

"N-ngayon?"

"No. Ahmm, sa susunod na uwi ko rito."

"Saan naman tayo pupunta?"

"It's a secret."

"Sure..."

"Probably six. Mga gabi na iyon."

"It's okay. Let's just ask tita Lexa's permission."

Baka kase hanapin kami no'n. Tapos sabibin niya kay daddy at mommy na nagagala ako rito.

"Hmm, you're changing."

Lumingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Changing? What do you mean?"

"No. Nothing."

"Psh."

Mabilis ang ginawa kong pagliko ng aking sasakyan sa may eskeneta. At agad ko rin natanaw ang gate ng bahay nina tita kaya mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko.

The Unknown Betrayals (Navas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon