Hindi pa rin ako umiimik.
Ayaw kong magsalita. I don't want to utter even just a single word right now.
"Baby..."
I balled my fists. I hate it when he calls me that way.
Naiinis ako dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil may nararamdaman ako. That depth within me, I'm hurting because of him. I'm hurting because I know I still love him.
Years in living with my pain, suffering from it, he didn't know it. He didn't know my agony. Wala siyang alam sa kung ano ang pinagdaanan ko. Kahit ano na tungkol sa akin ay wala siyang alam sa nakalipas na mga taon.
He stopped the car.
"Dense..."
Tinitigan ko lamang siya.
"Talk to me now... say something. Please, baby..."
Huminga ako nang malalim.
"What do you want me to say?"
He closed his eyes. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay mas nasaktan ako. The glow of his eyes screams pain and longing.
Kung sana ang lahat ng nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata ay katotohanan na. Baka sakaling may magbago sa amin. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit ano'ng pilit kong umiwas ay doon pa rin ako dadalhin ng pagmamahal ko sa kanya.
"Lahat ng totoo, Dense. Lahat-lahat."
Hindi ko maiwasan ang magkunot ng aking noo dahil sa kanyang sinabi. How can he ask and demand for the truth? When in fact, siya nga rin mismo ay hindi naging totoo noon. Sa akin.
"Aren't you ashamed? Aren't you angry?" bagkus ay bulalas ng bibig ko.
"Ashamed of what?" he asked.
I laughed without humor.
"Really, Gil? Hindi ka ba galit o nahiya man lang sa sarili mo?"
"Potangina naman, Dense," he cursed. "Kung ang tinutukoy mo ay kung nagalit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko noon..." Kita ko ang unti-unting pagbilis ng kanyang paghinga. "Potangina. Galit na galit ako."
I just stared at him.
"Galit na galit ako sa sarili ko."
Rinig ko ang sakit sa kanyang mga salita. Na kahit ako ay mas nararamdaman ko iyon. Mas nasasaktan ako.
"Dahil paano ko nagawa ang bagay na iyon? Paano ko nakayanan ang piliin na iwanan mo ako?"
"You know that I wasn't the one who pushed myself to do that. It was you. Ikaw mismo ang naging dahilan kung bakit ako umalis ng Navas."
Masakit para sa akin ang lisanin ang lugar na iyon. But what can I do? Ano ang magagawa ko kung lahat ng maaari kong maging dahilan noon para manatili ay siya ring naging dahilan kung bakit ako nasaktan? Kung bakit mas pinili ko ang iwanan iyon.
I was ready to go against with my dad. To forget my dream here in Manila. I was so eager to stay at Navas. But all of it vanished because of his words that night. My thoughts went on waste when I heard his lies.
"I didn't mean it all," he said.
I couldn't stop myself from laughing at his words now.
"You didn't mean it?" Pagak ang tawang tanong ko sa kanya.
"I didn't," seryosong sagot niya.
Mas lalo lamang akong nasasaktan ngayon. Was it a joke? How can he say that he didn't mean it when it was the reason why I lost myself there?