CHAPTER 8

908 30 8
                                    

"Are you ready?" tanong niya.

His breath was fanning on my face that I can even smell his mouthwash.

Kinakabahan akong tumango sa kanya habang nakatutok ang aking mga mata sa kamay niyang nakahawak sa beywang ko. Ang gaspang no'n ay nararamdaman ko sa kabila ng telang nakabalot sa katawan ko.

Nakasakay ako sa kanyang likuran habang siya ay naglalakad sa madulas na tulay na gawa sa kahoy at lubid. We're heading our way for I don't know where. Sapagkat ginising niya na lamang ako kanina na halos alas kwatro pa lamang ng madaling araw at pinagbihis.

At first, I was wondering kung saan niya ba ako dadalhin. But then after a minute or so, ay sinabi niya iyon sa akin.

"We'll go out somewhere."

'Yon lang ang sinabi niya.

Malamig sa balat ang haplos ng hangin sa umaga rito. Hindi kagaya sa Maynila na kahit sa madaling araw ay ramdam ko ang init na hatid no'n sa balat ko.

Sa suot kong kulay itim na jogging pants at itim ding hooded jacket ay tumatagos pa rin ang lamig papasok sa katawan ko. Kaya hindi ko maiwasan ang magbuga ng hangin mula sa aking bibig at pagsiklupin ang aking mga kamay na nakahawak sa kanyang leeg.

He stopped walking. "Are you feeling cold?" biglang tanong niya.

There's no use of denying about it gayung alam ko naman na nararamdaman niya iyon.

"Y-yeah. A little," I said in a soft voice.

Bigla siyang tumigil sa kanyang paglalakad at ibinaba ako. He faced me. Nakakunot lamang ang noo ko habang nakatitig din sa kanya.

He puffed a breath. "Come here,"

"Why?"

Naglahad siya ng kamay sa akin.

"Just come here, Dense."

"Okay,"

Kahit malapit lang naman kami sa isa't-isa ay mas lumapit pa rin ako at tumigil sa harap niya. He's towering me. Sa tangkad niya ay nagmimistula akong bata kapag katabi niya. He's really that tall. Matangkad din naman ako, hindi nga lang kasing taas niya. My height is around five eleven. Hindi sakto ngunit hindi rin naman kulang.

He lifted his right hand and touched my face. I flinched. Shocked. Bigla ang panlalaki ng singkit kong mga mata dahil sa biglang paghaplos niya sa akin. I suddenly felt the warmth of his hand na siyang nangibabaw sa lamig na nararamdaman ko.

I saw how he closed his eyes bago niya binitawan ang mukha ko.

"Shit!"

He muttered a cursed.

Ibinaba niya ang bag na nasa kanyang likuran bago tanggalin ang suot niyang puting jacket. He's wearing a black fitted t-shirt underneath his hoodie. Sa edad niyang marahil ay nasa bente o kaya'y bente uno, ay maganda ang katawan niya.

His body is not the type of many. Na kagaya ng mga lalaking madalas kong makita sa cover ng mga magazines na binabasa ko sa Maynila. Yes, he's manly and virile but his body isn't that bulgy. In fact, he's lean. Adding the fact that he's good-looking. But I hate his guts.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang unang beses na nakita at nakausap ko siya. He was so confident about himself and I hate it. Kung paano niya saluhin ang lahat ng sinasabi ko ay nakakainis para sa akin. He's pestering me that I even came up of showing my bratty side on him.

He walked past behind me. Habang ako naman ay nakatayo lamang sa aking puwesto at hinihintay kung ano ba ang gagawin niya. It took him for about a minute before I felt something that enveloped me.

The Unknown Betrayals (Navas Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon