FF
General's
Ngayon ang araw ng field trip ng bawat course ng SJU kaya naman masaya ang lahat dahil nagkaroon sila ng break sa acads.
"Mars thankyou! Buti nalang malakas ka sa mga prof kundi dahil sayo hindi ko makakasama ngayon si Alice." Galak na sambit ni sheki at niyakap pa si Abby.
"Eww shekinah layo ka nga." Saad ni abby
"Ang arte mo ha! Hindi naman ako mabaho maka eww ka dyan" Sheki replied.
Tinawanan lang naman sya ni abby habang nakakunot naman ang noo ni sheki.
"Anong oras na wala pa din si marsela." Inip na sambit ni Abby habang nakatingin sa relo nya.
"Baka naman nasa bus na sya. Anong oras ba call time nila?" Tanong naman ni sheki.
"Sabi nya kasi otw na daw sila ni Gabb."
"Ohh tara na ano pa ginagawa nyong dalawa dito sa labas?" Biglang dating naman ni Alice at kumapit naman si sheki sa braso nito.
"Mauna na kayo sa bus, hinihintay ko pa si sela." Sagot naman ni Abby.
"Sige na, sunod ka nalang mars. Baka maiwan ka" Sheki said at tumango lamang si abby.
Mga ilang minuto ang lumipas nakita naman nyang tumatakbo si Gabb papalapit sakanya at kasunod naman nito si Sela.
"Ate abby!" Hingal na sambit ni Gabb. "Bakit ngayon lang kayo?" Saad naman ni Abby.
"Eh late na kasi akong nagising Ate." Napakamot naman si Gabb sa kanyang batok bago ipat ni Abby ang ulo nya.
"Sige na naghihintay na si coleen sayo sa loob ng bus."
Bumaling naman ang tingin nya kay marsela na nasa harap na nya ngayon.
"Hi Sela." Sambit ni Abby bago ginawaran ng isang matamis na ngiti si Sela.
"Hello Abby. Sorry buti hindi pa umaalis ang bus nyo naabutan pa kita." Sela said.
"Syempre, hindi din naman ako papayag na umalis kami hanggat hindi mo ako nakikita. Alam ko naman na hindi kumpleto ang araw mo pag hindi mo ako nakikita." Mahanging sambit ni Abby at nakatanggap naman sya ng hampas galing kay Sela.
"Napaka hangin mo talaga kahit kelan abelaine." Sambit ni Sela at hinila naman sya ni Abby para yakapin.
"Totoo naman kasi diba? Aminin mo na marsela." Bulong nya kay sela habang magkayakap sila.
"Tss." Mas humigpit naman ang yakap ni Sela kay Abby.
