Chapter 8

191 20 4
                                    

Days, weeks, months had passed. Everything went well mas napalapit naman si Gabb sa mga kaibigan natuto na din syang mag open up sa mga ito. Especially kay Brei at Ella kaya lalo syang nahuhulog sa dalaga.


"Gabbi, pwede mo ba akong samahan sa office?" Pagtatanong ni Ella kay Gabb. "Oo naman, sandali lang Ella." She said at nagmadaling ayusin ang gamit nya. Vacant naman nila kaya wala naman problema."Tara?" Gabb said at masayang tumango si Ella. "Hoy hoy, saan na naman kayo pupunta?" Singit ni Brei. Napatingin din naman si Coco sa dalawa. "Sa office lang Ate brei, nagpapasama lang ako kay Gabb. Babalik din kami agad." Litanya ni Ella at napatango nalang si Brei. "Bilisan nyo ha? Baka malate kayo" Saad ni Brei at hinila naman agad ni Ella si Gabb.


"Gabbi, wait lang ah. Maupo ka muna dyan." Sambit ni Ella at naupo naman agad si Gabb. Habang tinatapos ni Ella yung paperworks nya sa office. Habang abala naman si Gabb sa pagtitig sakanya, hanggang ngayon ay hindi pa din nya maamin kay Ella ang nararamdaman nya sa kadahilanang natatakot sya na baka mareject sya nito at nakikita naman nyang masaya si Ella kay Gia na patuloy pa din nanliligaw kay Ella. "Wag mo ako titigan ng ganan Gabbi, baka mahulog ako." Biglang sambit ni Ella, kaya nagulat naman si Gabb at napaiwas ng tingin. "Edi mahulog ka, sasaluhin naman kita." Gabb said out of nowhere, Ella's eyes widened. "A-ano?" Ella asked. "Uhmm. W-wala yon." Sambit ni Gabb at napakamot sa ulo nya.


"H-hindi may narinig ako eh. Ulitin mo nga kasi." Sambit ni Ella at tumingin ng diretso kay Gabb. "Ella hindi naman importante yon." Saad ni Gabb at bigla namang hinawakan ni Ella ang kamay ni Gabb kaya naramdaman nya muli yung kuryenteng dumadaloy sa katawan nya sa tuwing mag didikit ang mga balat nila. "Gabbi naman eh." Ella said at nag pout. Napabuntong hininga naman si Gabb at dahang dahan lumapit kay Ella at lumuhod sa harap nito. "Sigurado ka bang gusto mong marinig ang sasabihin ko?" Tanong ni Gabb, as she held ella's hand. Ella nodded in response.


"When I first saw you, napukaw mo yung atensyon ko. Unang beses kong hawakan ang kamay mo para may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Sa araw araw na kasama kita, nagugustuhan na kita Ella. Mas lalo akong nahuhulog sayo." Gabb said, while Ella is in state of shock. "G-gabb. B-bakit ngayon mo lang sinabi?" Ella stuttered. "N-natakot ako Ella, I was so scared na baka ireject mo ako. Natatakot akong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang dito sa nararamdaman ko." Gabb responded. "I'm s-sorry Gabb, a-ayokong masaktan si Gia." Sambit ni Ella, bigla namang pumatak ang luhang kanina pang pinipigilan ni Gabb. "That's the reason kung bakit mas pinili kong hindi sabihin sayo. I knew you love Gia, and I respect that." Gabb said and stood up. "I like you too Gabb, p-pero mahal ko si Gia." Ella said at napapikit naman si Gabb.


 "Its okay Ella, h-hindi ko na dapat sinabi sayo. Kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko at kung pwede wag mo na din akong lapitan. D-dahil masakit Ella, hindi mo kasalanan. Kasalanan ko to, minamahal kita kahit na alam kong mahal mo sya." Gabb said as she wiped her tears. "Gabb..." Sambit ni Ella ng tangka nyang hawakan ang kamay ni Gabb, ngunit may biglang nagbukas ng pinto. "Ella/Gabb" Abby said at nakita naman nyang nagpunas ng luha si Gabb. "Excuse me Ate, mauna na ako." Saad ni Gabb at agad na lumabas.


Gabb on the other hand, patuloy lang sya sa paglalakad habang patuloy din ang pagbagsak ng luha nya. She's hurting dahil matagal na nyang tinatago yung nararamdaman nya kay Ella. And yet, she rejected her. Nakarating si Gabb sa rooftop at lingid sa kaalaman nya ay nandoon din si Coco. "Hey Gabb, what happened?" Bungad ni Coco, nagulat naman si Gabb ng biglang magsalita si Coco. "Wala, mind your own business Trinidad." Malamig na sambit ni Gabb. Coco sighed, umupo sya sa tabi ni Gabb bago nagsalita. "Pansin ko lang, sa twing magkaka encounter kita lagi kang umiiyak." Sambit ni Coco. "Kailan kaya kita makikitang masaya? Yung totoong masaya." Coco added. "Hindi ko ata deserve maging masaya." Gabb said and she fake laugh, coco creased her forehead.


"Everyone deserves real happiness, in your case yung saya na hinahanap mo ay andon sa taong hindi naman sayo masaya." Coleen said, biglang namang nalungkot ang mga mata ni Gabb. "Aray naman" Sambit ni Gabb at napatawa naman ng bahagya si Coco. "Pero totoo nga, if you truly love her magiging masaya ka kung saan sya masaya. Tulad ko." Coco said, Gabb glanced at her. "Huh?" Nagtatakang si Gabb. "Masaya ako sa tuwing nakikita kitang masaya at mas nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak at nasasaktan."Sambit ni Coco, kaya naman nagulat si Gabb sa pinaparating ni Coco sakanya. "Y-you m-mean?" Saad n Gabb at tumango tango naman si Coco. "S-sorry" Saad ni Gabb. "No need to be sorry Gabb. Alam ko namang si Ate Ella ang gusto mo." Litanya ni Coco, napayuko naman si Gabb. "Pero, hindi naman ako ang gusto haha. Ano ba yan! Tayo nalang kaya?" Sambit ni Gabb, at nagulat naman si Coleen. "A-ano pinagsasabi mo dyan?" Coco stuttered at kahit papano ay napatawa naman si Gabb. "Kidding aside hahaha. Pero thankyou Coco" Saad ni Gabb. "Anything for you Gabb." Coleen said and smiled. "So, friends?" Coleen offered her hand, umiling naman si Gabb. "No" Gabb said at napakunot naman ang noo ni Coco. Gabb took her hand "Bestfriends" Sambit ni Gabb and they both smiled.


Natapos na ang break nila at sabay silang nagpunta sa next class nila. Nang makapasok sila sa loob ng room nila ay pinagtitinginan sila ng mga kaklase nila. Nagkatinginan ang dalawa at nagkibit balikat. Tumabi naman si Gabb kay Coco na dapat ay si Ella ang katabi nya. Sa di kalayuan ay tinatanaw naman ni Ella si Gabb at pansin naman ito ni Gabb dahil kita ito sa peripheral view nya. "Psstt Gabb, nakatingin sayo si Ate Ella oh." Siko ni Coco "Alam ko wag mo na kasi tingnan Trinidad napaghahalataan tayo eh." Inis na sambit ni Gabb. "Sumama ka sakin mamaya sa sports club." Pagbabago ng topic ni Gabb. "Ha-a? Bakit ano gagawin natin don?" Pagtatanong ni Coco. "Aishhh! Basta sumama ka nalang!" Inis na sambit ni Gabb. Naputol naman ang paguusap nila ng dumating ang prof nila.


"Okay team, I have a announcement." Bungad ng coach ng soccer team. Napatigil naman sa pag eensayo ang mga players at agad na nagtungo sa coach nila. "Yes coach, anong announcement yan?" Pagtatanong ni Gia. "We have a new addition to our team." Nagkatinginan naman ang mga ito at nagbulungbulungan. "Kilala nyo naman sya. And she agreed to join our team, please welcome Gabb Skribikin." Sambit ng coach nila, kasabay ng paglabas ni Gabb kasama si Coco. "Nice one Gabb!" Hiyaw ng mga kateam nila. Lumapit naman si Gia kay Gabb. "Im happy for you Gabb! Welcome to the team!" Saad ni Gia bago nya niyakap si Gabb. "Thankyou Gia. Excited akong makalaro kayo at syempre excited akong irepresent ang team natin." Sambit ni Gabb. "What made you to join the team pala?" Pagtatanong ni Gia at nagkatinginan naman si Gabb at Coleen. "Namiss ko maglaro, namiss ko yung dating ako, yung dating Gabrielle." Gabb said and smiled.


Natapos ang maghapon at kasalukuyang naglalakad si Gabb, brei at Coleen papunta sa parking ng makasalubong nila si Gia at Ella. Agad naman napatingin si Coco kay Gabb at tumango lang naman ito. "Oy kayo pala, pauwi na ba kayo?" Sambit ni Gia ng makalapit sila kina Gabb. Hindi naman makatingin si Ella ng diretso kay Gabb. "Yes capt, kayo ba?" Brei butted in. "Pauwi na din kami ni Baba, may dadaanan lang kami sa office." Saad naman ni Gia. "Ahhh sige m-mauna na kami Ate Gia Ate Ella." Sambit naman ni Coco, at tumango naman ang dalawa. Nang makalagpas ang dalawa ay siniko naman ni Brei si Gabb. "Hoy Gabo, bakit hindi ata kayo nagpapansinan ni Ella?" Pagtatanong ni Brei. "Ha? Nagpapansinan naman ah." Maang maangan ni Gabb


"Sus wag mo akong lokohin. Hindi na kayo naguusap masyado, tulad kanina kay Coco ka tumabi imbis na kay Ella." Litanya naman ni Brei. Tahimik lang naman si Coco na nakikinig sa dalawa. "Diba nagpaalam kami kanina sayo? I confessed to her." Gabb said "OMG! Tapos?" Sambit ni Brei "She rejected me." Gabb said with a cold tone. "What?! A-akala ko the feelings is mutual?" Saad ni Brei. "Ate Brei, she likes Gabb pero she loves Ate Gia." Coco butted in. "Sorry Gabb" Tanging sambit ni Brei "Minahal ko sya kahit na alam kong may mahal syang iba kaya walang dapat sisihin dito kundi ako." Sagot naman ni Gabb.





--

A/N: Sorry sa lutang na ud lage hehe! Anw, continue on voting guysss! Salamat! Sa mga uniphant shippers dyan wag kayong magalala, uniphant to! HAHHAHA

My Safest PlaceWhere stories live. Discover now