Chapter 22

119 22 0
                                    


Gabb's


Nagpaalam ako kina Ate Dana na mauuna na kami ni Rans wala silang alam tungkol samin ni Rans tanging si Jaydee lang ang nakakaalam. Kasalukuyan akong nagmamaneho at si Rans naman ay tahimik lamang at nakatingin sa kawalan. Hindi ko na sya kinausap at nag focus nalang din ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

"We're here Rans." Sambit ko at tumango naman sya sakin bago lumabas.

Mabilis din naman ako bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ko naman sya ng gate. Madalim ang bahay nila mukhang wala ang parents nya.

"Okay ka na ba dito Rans? Wala sina tita?" Sambit ko at ngumiti naman sya ng pilit.

"Lagi naman silang wala dito Gabb. Sanay na akong magisa." She responded

I sighed.

"I'll stay here. Sasamahan kita." I uttered at napatingin naman sya sakin.

"Sure ka? Baka hanapin ka ni Ella. Okay lang naman ako dito Gabb." Saad nya at umiling naman ako.

"Hindi ka okay. Kaya dito lang ako hanggang sa maging okay ka." Sambit ko pa at wala naman syang nagawa at sabay kaming pumasok sa loob.

"Dito ka nalang muna sa Guest room Gabb. May extra clothes din at underwear dyan gamitin mo na." Saad nya at hindi naman ako nakaimik dahil umalis agad sya.

Napatingin naman ako sa phone ko at 12 am na. I immediately message Ella para mag alibi muna sakanya. Pagkatapos ko ay agad naman akong nagpunta sa cr para maghalfbath. Mga ilang sandali ay natapos na ako at napagdesisyunan kong puntahan si Rans sa kabilang kwarto.

Bago ako pumasok sa loob ay kumatok muna ako syempre at dahan dahan ko naman itong binuksan. I saw rans na nasa balcony ng room nya kaya lumapit ako sakanya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Nilingon naman nya ako sandali at mabilis din naman syang nagiwas ng tingin.

"Hindi pa ako dalawin ng antok. Ikaw bakit nandito ka?" Sambit nya.

"Diba sabe ko sayo dito lang ako hanggang sa maging okay ka." I uttered at ngumiti naman sya sakin bago tumango.

"Sigurado ka bang hindi ka hahanapin ni Ella?" Tanong nya.

"Ako na bahala magpaliwanag sakanya. Ang importante ngayon ay masamahan kita dito." Saad ko sakanya.

"Bakit mo ginagawa to? I mean hindi mo naman ako responsibilidad samahan dito." She uttered without looking at me.

"Hindi ka naman ibang tao sakin Rans." I said at rinig ko naman ang mahinang tawa nya.

"Ano bang problema nyong dalawa?" I asked here at tumingin naman sya sakin. "Kayo ba ni Ate aly?"

"Hindi. Pero, she likes me. Nakilala ko sya sa Japan, we became friends magkasama kami don hanggang sa makabalik kami dito. Hanggang sa umamin na sya sakin." Saad nya at napatango naman ako.

"Hindi mo ba sya gusto talaga? Mukha namang pure ang intention nya sayo ah?" Sambit ko sakanya.

"Mabait si Aly. Isa syang mabuting tao. Pero, hindi sya yung mahal ko." Tumingin sya sakin at napaiwas naman ako ng tingin.

"I'm s-sorry." I uttered and she sighed.

"I should be the one to say that." She said. "I'm sorry Gabrielle." She almost whisper sapat na para marinig ko.

"Sorry if I left you during the times you needed me." Sambit nya at tumingin naman ako sakanya.

"Sorry kung nakayanang kong talikuran ka kahit alam kong sobra kang nasasaktan." Kita ko sa mga mata nya na nagsisisi sya. "But believe me, I think of you almost every day and every night. Hindi ka nawala sa isip at puso ko. Sorry kung naduwag ako. Sana pala binalikan kita ng mas maaga baka sakaling pwede pa yung tayo."

My Safest PlaceWhere stories live. Discover now