Chapter 18

129 18 0
                                    

Gabb's


Today is my first day at EU naihatid ko na din si Ella sa SJU bago ako pumasok, mahirap na baka magtampo pa yun. Agad akong bumaba sa sasakyan at kinuha ko ang mga gamit ko.

Madaming mga students ang nagtitinginan sakin, ngayon lang ata sila nakakita ng poging maganda well baka Gabrielle to...

Nagmadali na akong pumasok sa loob ng university at mabilis akong nagpunta sa building namin. I already checked my section at mabilis ko naman itong nahanap at nandito na ako ngayon sa harap ng room ko.

Mukhang nagstart na yung klase kaya dahan dahan akong kumatok.

"Goodmorning Sir." I greeted our prof.

"Goodmorning, you must be Gabrielle Skribikin." He said.

I nod. "Yes sir." I uttered.

"Okay come in."

Pumasok ako at bumungad sakin ang mga students na nasa loob ng room at nakikita ko namang nagbubulungan sila yung iba naman halatang kilig na kilig.

"Everyone please listen. We have a transferee she's from SJU. Introduce yourself iha." Saad ng prof namin.

"I'm Gabrielle Guia Skribikin. Call me Gabb nalang." Pakilala ko at muli namang umingay sa loob ng room.

"Okay be quiet class! Ms. Skribikin, maupo ka sa tabi ni Ms. Villaruel." Sambit muli nito at tinuro ang bakanteng upuan.

Nagpunta na ako sa bakanteng upuan at pansin ko namang nakangiti yung villaruel na to.

"Why?" Sambit ko sakanya.

"Ako pala si Jaydee." She offered her hand and I took it.

"Galing SJU ka pala." She whispered habang ang tingin nya ay nasa harap.

"Y-yeah."

"Alam mo bang kilala ka dito sa EU?" She chuckled. "I bet tuwang tuwa yung mga babaeng nagpapantasya sayo dito." She added at napailing nalang ako.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagfocus nalang ako sa discussion.

After 2 subjects lunch break na namin. May 3 remaining subjects pa ako hays. Miss ko na ang mga Ate pati na din si Akin.

I was about to leave ng biglang hawakan ni villaruel ang braso ko.

"Gabb. I'm sure wala ka pang ibang kakilala dito. Sumama ka nalang sakin." Diretsong sambit nito sakin.

Tama naman sya, kaya sumang ayon nalang ako.

Habang naglalakad kami eto na naman yung mga students na nagbubulungan. Sanay naman ako sa ganito sa SJU palang kaya hinayaan ko nalang.

"Ganito talaga sa EU. Masanay ka na." Jaydee said.

"I'm used to it Villaruel." Sambit ko sakanya and she just laughed.

"Jaydee pre!" Nabaling naman ang tingin namin sa tumawag kay Jaydee.

"Tara Gabb. Doon tayo" Jaydee said at tumango lamang ako.

Nang lumapit kami ay nakatingin lang sakin ang mga kaibigan ni Jaydee.

"Ikaw si Gabb Skribikin diba?!" Sambit nung babaeng maputi at may kulay ang buhok.

"U-uhm yeah ako nga."

"OMG! Alam mo bang crush na crush kita?!" Grabeng lakas naman ng boses nito.

"Shhh ang ingay mo Amanda. Pasensya ka na sa kaibigan namin." Akbay sakin ni Jaydee.

"Anyways, mga friends ko sila. Si Amy, Laney, si Ate Dana, si Ate Ruth at eto naman si Frances Girlfriend ko." Jaydee added at nakipagshake hands din naman ako.

My Safest PlaceWhere stories live. Discover now