Chapter 36

191 20 0
                                        


Gia's


Nandito kami ngayon sa condo ni Ecka dahil she have a surprise for Belle. Today is Belle's birthday and plano din ni Ecka na magpropose. Syempre, as supportive tropa kasama kami sa pagpaplano.


"Lara, ano nasan na daw sila?" Aligagang tanong ni Ecka, napatawa naman kami.


"Relax. Inhale, Exhale." Sambit naman ni Abby sakanya.


"Nasa bahay pa daw sila nina Ella, kumalma ka muna." Sambit naman ni Lara at prenteng naupo sa couch.


"How?! Sing bilis ng takbo ng kabayo yung tibok ng puso ko." Sambit ni Ecka habang paikot ikot dito sa living area ng condo nya.


"Alam mo maupo ka nga. Kami nahihilo sayo eh." Saad ko sakanya.


"Oo nga naman. Wag kang mag alala sa isasagot ni Belle." Saad naman ni Alice habang inaayos yung foods sa hinanda namin.


"We're very sure na she will say yes. Ikaw lang naman hinihintay ni Belle eh." Dagdag pa ni alice.


Ecka took a deep breath.


"Abby ganito ba talaga feeling pag mag popropose? Nakakatense." Sambit nya at natawa naman kami at lalo na si Abby.


"Don't pressure yourself Mars. Just be yourself, ganan talaga. Pero, it'll be worth it." Abby uttered as she tapped ecka's back.


"Basta ikalma mo muna sarili mo. Baka mamaya ganan ka pa din sa speech mo." Natatawang sambit naman ni Lara.


"Sayang wala si Gabb." Singit naman ni Alice na kanina pa nag aayos hindi na natapos.


"Kaya nga eh. Hindi kumpleto ang barkada." Sambit naman ni Lara.


"Kilala nyo naman si Gabb, hands on yun sa trabaho nya. Naiintindihan ko naman si Gabo." Saad muli ni Ecka. "Basta wag lang sya mawawala sa mismong araw ng kasal namin. Talagang magtatampo ako." Dagdag pa nya.


Mga ilang sandali pa ay nagulat kami ng biglang may sunod sunod na nag doorbell kaya naman nataranta uli si Ecka.


"Lara tingnan mo bilis!" Sambit ni Abby at napakamot nalang sakanyang ulo si Lara.


"Mars, ready ka na?" Bulong ko sakanya at tumango naman sya.


"Mga baccla!!!" Gulat kaming napatingin kay Sheki, jusko akala naman namin si Belle na.


"Mars, akala naman namin si Belle na. Dito ka nga!" Sambit ni Ecka at natawa naman si Sheki.


"Sorry hehe. Pinauna nila ako dito eh para masabihan kayo." Saad ni Sheki. "Dyan na sila sa baba so be ready na Ecka." Dagdag pa nito.


My Safest PlaceWhere stories live. Discover now