Chapter 10

228 21 5
                                    


"Gabb!" Pagtawag ni Brei ng matanaw nyang naglalakad si Gabb papasok sa campus. "Wow. New look ah? Ganan ba epekto pag broken? Hahaha" Puna ni Brei at napailing naman si Gabb sakanya. "Ewan ko sayo te." Sambit ni Gabb at inirapan nya si Brei. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa room nila. Deretso lamang ang tingin ni Gabb at ramdam naman nyang nakatingin sakanya ang mga kaklase nyang nagpapantasya sakanya. Marahan syang naupo at tinuon ang atensyon sa librong binabasa nya, lingid naman sa kaalaman nya na kanina pa syang tinitigan ni Ella. Mga ilang minuto nama'y bigla ding dumating ang professor nila. "Goodmorning Everyone! I'll give you 10 minutes to review, we have a quiz. Time starts now" Their prof said at muli na naman napuno ng bulungan ang buong klase. Napalingon naman si Gabb sa bakanteng upuan sa tabi nya at nagtaka kung bakit wala pa ang madaldal na bestfriend nya. "Huy Gabb, absent si Coleen?" Pagtatanong ni Brei at nagkibit balikat lamang si Gabb nilang sagot.



"Sir. G-goodmorning po." Biglang sulpot ni Coleen na ngayon ay pinagtitinginan sya ng mga kaklase. "You're late again Ms. Trinidad, ano na namang alibi mo ngayon?" Saad ng prof nila at nanatiling nakayuko naman si Coleen. "S-sir, na-nasiraan po kasi ako." Coleen stuttered at napailing naman ang prof nya. "Last warning Ms. Trinidad! Take your seat" Her prof added, mabilis naman syang naupo sa upuan nya, sa tabi ni Gabb to be exact. "Anyare sayo? Bakit late ka?" Tanong ni Gabb habang nakatuon pa din ang atensyon sa libro nya. "Late na kasi ako nakatulog kagabi, kaya nalate din ako ng gising" Sagot naman ni Coleen sakanya. "Ikaw naman masyado mo kasi akong iniisip yan tuloy." Mahangin ng sambit ni Gabb and Coco rolled her eyes. "Napaka hangin mo talaga Gabrielle..." Coleen said at mahinang napatawa naman si Gabb.



"Hoy kayong dalawa, masyado na kayong maingay. Nagrereview ako dito eh!" Brei butted in. "Ate brei naman, wag ka ng magpanggap please lang hahaha" Asar naman sakanya ni Coleen. "Coleen is right, we don't need to review babagsak din naman." Sambit naman ni Gabb at ikinatawa naman nilang tatlo. Napalakas ang tawa nila kaya naging center of attraction na naman silang tatlo. "Binuya, Skribikin and Trinidad! Baka gusto nyong ishare samin yang pinagtatawanan nyo nang makarelate naman kami." Muling sambit ng prof nila at nagpipigil naman ng tawa ang mga kaklase nila. Napayuko naman ang tatlo habang nagpipigil din ng tawa.



"The three of you get out!" Galit na sambit ng prof nila. "P-pero si---" "I don't need your explanation binuya! Lumayas kayo dito sa klase ko" Their prof cut Brei off. Mabilis naman kinuha ng tatlo ang mga gamit nila at tuluyan namang lumabas. "Napaka terror talaga ng panot na yon!" Saad ni Coleen ng makalabas silang tatlo. "Nadamay pa ako sainyong dalawa eh. Napaka ingay kasi!" Inis na sambit ni Brei at sinuklian lamang sya ng tawa ng dalawa. "Okay lang yan Ate, para bagsak tayong tatlo hahaha" Sambit naman ni Coleen. "Nako talaga. Isusumbong ko kayo kay Abby at Sela eh." Panakot ni Brei sa dalawa. "Sumbong mo, samahan pa kita!" Saad ni Gabb "Ahh talaga ba Gabb? Humanda ka na kay Godsela maheheadlock ka na naman non." Sambit naman ni Brei habang tumatawa. "What time next class nyo?" Pagiiba naman ng topic ni Coleen. "10am, bio. Kayo ba?" Sambit naman ni Brei.



"11:30 pa ko Ate, chem." Sagot naman ni Coco. "Ikaw Gabb?" Baling ni Brei kay Gabb na ngayon ay tutok sa phone nya. "10 am din kaso may training kami 9:30 kaya for sure hindi ako makakaattend ng class." Litanya ni Gabb at napatango naman ang dalawa. "Tara caf, gutom na ako eh baka andon na din ang mga shonda." Brei said at sabay sabay silang nagtungo sa caf. Nang makarating sila sa usual spot nila ay naabutan nila si Belle, Sheki at Sela na may sari-sariling mundo. "Aba busy ata mga shonda ah." Bungad ni Brei at naupo sa tabi ni Sheki. "Maawa't mahabag brei, may demo kami next class. Manggugulo ka na naman." Sambit naman ni Belle. "Gabby, aga ata ng dismissal nyo ngayon?" Baling naman ni Sela sa kapatid.



 "Kakapasok palang namin, pinalayas kaagad kami ni panot hahaha" Natatawang sambit ni Brei at sinmaan naman sya ng tingin ni Gabb. "Bakit na naman? Puro talaga kayo kalokohan." Saad ni Sela. "Nadamay lang ako sa dalawang yan, ang daldal kasi napalabas tuloy kami." Sisi naman ni Brei. "Sino kayang malakas tumawa sating tatlo aber?" Mataray na tanong ni Coleen at naka crossed arms pa. "Hoy kayong tatlo kung magdadaldalan lang kayo dyan, lumayas kayo. Tahimik ng buhay namin kanina eh." Saad ni Sheki na ngayon ay stressed na dahil sa binabasa nya. Sheki is 4th year student taking Marketing Management while Belle is tourism student same with Sela.



Kasalukuyang nag wawarm up si Gabb sa field mag-isa dahil medyo napaaga ang dating nya. She really miss playing soccer. Since, she was highschool naglalaro na sya ng soccer. Rans and her mom are her huge fan. But, nagbago ang lahat simula noong iwan sya ni Rans at ng isa pang pinaka importanteng babae sa buhay nya, her mom. Tumigil sya sa pag lalaro, nawalan sya ng interest sa lahat. Kaya magmula noon mas pinili nalang nya mapagisa.



"Gabb..." Natigilan si Gabb, nang mabosesan nya ang tumawag sakanya. Dahan dahan syang lumingon. "What are you doing here?" Gabb asked with a cold tone. "To explain everything Gabb." Sagot ni Rans sakanya. "Bakit pa? Hindi na kailangan Rans." Sambit nya habang pinaglalaruan ang bolang gamit nya. "Gabrielle mahal pa din kita!" Saad ni Rans at natigilan naman si Gabb, she turns her gaze to Rans. "Do you expect to believe you? Rans tama na please." Malamig na sambit ni Gabb. "I'll make it up to you Gabb, let me please." Pagmamakaawa ni Rans and she hugged Gabb behind the back. "You can't. I'm inlove with someone else Rans." Gabb said habang pilit na kumakalas sa pagkakayakap ni Rans. "H-hindi ako naniniwala! I'm begging you Gabb please." Rans said between her sobs.



 "Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako Gabrielle." She kneel down infront of Gabb kaya naman agad syang itinayo ni Gabb. "Rans naman! Hindi mo kailangan gawin yan, okay?! Napatawad na kita matagal na, pero hindi ibig sabihin non ay nakalimutan ko na ang sakit na pinaramdam mo sakin hanggang ngayon masakit pa din, nasasaktan pa din ako Rans!" Gabb exclaimed, and she can't hold back her tears kaya parehas na silang umiiyak ngayon. Rans cupped her face, while wiping Gabb's tears. "I know Gabb, kaya nga nandito ako para itama lahat ng pagkakamali ko. I'm here para balikan ka." Rans said while looking directly to Gabb.



Ella on the other hand, she saw Gabb and Rans na ngayon ay magkayakap. May kirot syang naramdaman matapos nyang makita ang dalawa. "Ba!" Rinig nya na sambit ni Gia, nilingon nya ito at nakita nyang tumatakbo ito papalapit sakanya. "Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ni Gia. "A-aahh w-wala nagpapahangin lang ba." Ella stuttered, napatango nalang si Gia. Napabaling naman ang tingin nya sa di kalayuan sa pwesto nila. "Si Gabb ba yon?" Pagtatanong ni Gia "Oo si Gabb nga." Ella said at muli nyang tiningnan ang dalawa "Sino yung babae? Mukhang outsider ah?" Gia asked in curiousity. "It's r-rans. Ex ni Gabb." Ella said. Napatingin naman si Gia kay Ella nang may pagtataka sa kanyang mukha. "Ba, okay ka lang ba? Lagi ka atang matamlay" Pagaalalang sambit ni Gia. "Ba? Can we talk?" Ella asked "Naguusap na tayo Ella. Tungkol saan ba?" Pagtatanong ni Gia. "It's about us." Sambit ni Ella at napabuntong hininga nalang si Gia at tumango.






--

A/N: Sorry agad sa lutang na ud hahaha wala talagang pumasok sa isip ko hahaha. Bawe ako sa next! Vote pa din kayo ah. Also please support "The Promise" hehe thankyouuuu

My Safest PlaceWhere stories live. Discover now