Gabb's
Kakalabas lang namin sa terminal, kasabay ang F.A's and my co pilot. Finally, makikita at makakasama ko na uli s'ya. Sobrang namiss ko s'ya dahil naextend kami ng three days. Hindi n'ya alam na ngayon ang balik ko and im planning to surprise her.
I took out my phone at napangiti naman ako ng mabasa ang message n'ya.
From: My Ella <3
I miss you, My Captain.
Nandito kami ni Gavin sa mall near makati, he wants to play arcade daw.
Are you busy? Lagi kang magiingat. Mahal kita, Gabby.
Pupuntahan ko nalang silang mag mommy. Nagpaalam agad ako sa mga kasamahan ko at mabilis kong tinahak daan patungo sa sasakyan ko.
Nang makarating ako sa mall ay agad ko naman kinuha ang flowers na binili ko kanina. Pumasok na ako sa loob ng mall at hindi ko naman maiwasan na mapatingin sa mga nakakasalubong ko dahil nakatingin sila sakin habang dala dala ko yung flowers na para kay Ella.
Hinahanap ko silang dalawa nang makapasok ako dito sa loob ng arcade. Napangiti naman ako ng makita ko si Gavin na masayang naglalaro ng basketball, mga ilang sandali ko pa silang tiningnan bago ako lumapit sakanila.
"Tita Gabb!!" Masayang sambit ni Gavin ng lumingon sya sakin, napatingin naman ako kay Ella na gulat na gulat na makita ako.
I opened my arms, asking for a hug to Gavin at tumakbo naman s'ya papunta sakin.
"I missed you, buddy." I uttered at niyakap naman n'ya ako ng mahigpit.
Napatingin uli ako kay Ella, she's smiling now.
"Namiss din po kita tita Gabb. I'm with mommy Ella." Sambit nya at hinila naman n'ya ako papalapit kay Ella.
"Mommy look my tita Gabb is here!!" Gavin said while smiling.
"Its nice to finally see you again, Ella." I smiled at her and i handed the flowers to her.
"Hi... uhm, nakabalik ka na pala hehe." Saad nya at natatawa naman ako sa loob loob ko, alam kong nagpipigil s'ya dahil nandito si Gavin.
I nodded. "Malamang nandito ako sa harap mo eh." I joked at sinamaan naman n'ya ako ng tingin.
"Tita Gabb, why did you gave mommy a flower?" Napatingin naman kaming dalawa ni Ella kay Gavin.
"Ah buddy, pinapabigay ni mommy Gia mo yun para kay mommy Ella mo and that's the reason why im also here." Palusot ko kay Gavin at lalo naman nanlaki ang mata ni Ella sakin.
"Yieee. Mommy Gia is so sweet." Gavin uttered and i ruffled his hair.
"Baby do you want to try this ride?" Ella butted in, she's pertaining carousel.
Masaya namang tumango si Gavin at inalalayan ko naman syang sumakay.
"Baby, bakit mo naman sinabi kay Gavin na si Gia yung nagpabigay netong flowers. Baka mamaya maalala ni Gavin at sabihin kay Gia." Sambit ni Ella sakin.
"Sorry na, wala kasi akong maisip na dahilan baby eh." I pouted at napasmile naman s'ya.
"Im just worried, baby." She pinched my nose. "Nga pala, why did you not tell me na ngayon ang balik mo ha?" Ngayon naman naging seryoso s'ya. Bilis magbago ng mood ah.
"Ehh hindi ko talaga sinabi dahil gusto kong sorpresahin ka. And... i guess na surprised ka nga." I chuckled at ganon din naman s'ya.
"Ikaw talaga. Buti nalang hindi namin kasama si Gia, may pinupuntahan s'yang site." Ella said as i nodded.