Day 4
Gia's at mall kasama si Ecka at Abby dahil tumitingin sila ng necklace for Ella, plano na kasi nya umamin kay Ella. Gia like her noon pa, and it turns na minahal na sya ni Gia, araw araw mas minamahal nya si Ella. She also don't want to waste that opportunity lalo na't nararamdaman nyang Gabb also likes her.
"Huy mars, okay ka lang?" Sita saken ni Ecka "Ahh oo may iniisip lang ako hehe" Sambit ko."Ano ba kasing klaseng necklace ang bibilhin mo?" Abby asked, habang nagtitingin sila. Maraming choices na binigay si Abby at Ecka pero hindi type ni Gia. "Mga mars, I found it! Bagay sakanya to." Sambit ni Gia at tinuro yung stethoscope necklace. "Maganda diba? Its simple yet, I know magugustuhan nya ito." Gia said and the two nodded. After nila mabayadan ay nagtungo naman sila sa isang flower shop para bumili ng bouquet ng flowers. "Mars, sina Sela na daw bahala mamaya kay Ella, dalhin daw nila sa field." Sambit ni Abby at napangiti naman si Gia. "Thankyou mga mars ah? Sana maging successful ito." Sambit ni Gia at inakbayan naman sya ni Ecka. "Ano ka ba, para saan pa at naging kaibigan mo kami. We'll support the both of you" Litanya naman ni Abby. "Yeah. Just be yourself mars." Ecka butted in.
Meanwhile, magkakasama naman si Ella, Belle, Sela, Sheki at Alice. "Ella, sama ka samin mamaya ah?" Sambit ni Sela "Saan naman Ate?" Tanong ni Ella "Basta sumama ka nalang samin Ella." Sheki butted in."S-sige po, pero madali lang mga Ate ah? May game pa kami against NU eh." Litanya naman ni Ella, and the four thumbs up.
"Gabb naman eh! Ikaw manok ko eh" Sambit ni Brei habang naglalakad lakad sila ni Gabb "Ate it's just a crush. Ano namang laban ko kay Gia eh matagal na sila magkakilala." Gabb said. "M-malay naman natin diba? Subukan mo kasi Gabo" Pilit ni Brei and Gabb shook her head. "Ayoko nga, saka may respeto ako kay Gia ate, ayokong makipag kumpitensya sakanya." Saad naman ni Gabb. "Sana hindi ka magsisi sa desisyon mo." Brei said, at ngumiti naman si Gabb.
"Ready ka na mars?" Ecka asked, as they arrived at SJU. Naglalakad na sila papunta sa field. "Kinakabahan ako." Gia said at natawa naman ang dalawa. "Wag kang kabahan baka mamaya mautal ka sa harap ni Ella jusko." Sambit ni Abby. "Naka ready na din sa field, nandon na si Lara, Coco, Alice at Cole." Saad ni Ecka. Nakarating na sila sa field at all set na ang lahat may mga rose petals nan aka heart shape, full support din ang mga kateam ni Gia dahil may hinanda silang banner na nakasulat na 'Can I court you?' "Hi Ate Gia! Goodluck!" Bungad ni Coco ng makalapit sina Gia sa pwesto nila. "Awwwe. Thankyou baby coco" Saad ni Gia. "Jowa kahit anong mangyari nandito lang ako pag nireject ka ni Ellami ah? HAHAHAHA" Biro ni Lara "Siraulo ka talaga jowa! Hahaha salamat ah? Sana maging successful to." Gia responded.
"Mars! Get ready papunta na daw sila dito!" Sambit ni Ecka, kaya naging mas doble ang kaba ni Gia."Go mars! Kaya mo yan!" Cheer nina Abby. "Go Capt!" Sambit din ng mga kateam ni Gia. Ella on the other hand, naka blindfold sya habang inaalalayan sya ni Sela at Belle at nasa likod naman nila si Sheki at Alice. "Mga Ate ano bang meron? Kinakabahan naman ako sainyo eh!" Nagtatakang sambit ni Ella. "Just trust us Ella, konti nalang" mga ilang minuto ay nasa field na sila at tanaw na tanaw naman ni Gia si Ella. "Ella nandito na tayo." Sambit ni Sheki
"Take off your blindfold Ella." Saad naman ni Abby. Dahan dahan namang tinanggal ni Ella ang blindfold at si Gia ang unang bumungad sakanya. "Hi baba! For you" Sambit ni Gia at inabot ang bouquet kay Ella. "Ba? A-ano ibig sabihin nito?" Ella asked habang tinitingnan ang mga nasa paligid nya, medyo madaming mga students na nakikinood kaya nahihiya si Ella. "Shhh. Makinig ka lang sa mga sasabihin ko baba, just trust me." Gia said as she held Ella's hand. "O-okay" Ella stuttered.
"Ba, w-wag ka sana magagalit sakin tungkol sa ipagtatapat ko sayo. Ba, Ilang beses ko tinangka na sabihin sayo to, pero everytime na nandyan ka na naduduwag ako. Ilang taon ko na din tong tinago sayo pero ngayon I had a chance para sabihin sayo lahat." Gia said, nanatiling tahimik si Ella. "Baba, gusto kita. No, I'm inlove with you" Gia said while holding Ella's hands. Mga ilang sandali natahimik silang dalawa. Nakayuko lang si Gia, when Ella lift her chin. She saw Ella smiling. "I know baba, alam ko na noon pa." Ella said, as she cupped Gia's face. "Gusto din kita Baba, pero I want to take this slow. " Sambit ni Ella, at muling napangiti si Gia dahil sa sinabi ni Ella.
"Shhh ba. Hindi kita minamadali, ayokong mapressure ka baba. Handa akong maghintay sayo, kaya sana hayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. I want to take this opportunity to ask you Baba, can I court you?" Sambit ni Gia, at nagtilian naman ang mga nasa paligid nila. Napatingin naman si Ella sa mga kateam ni Gia na may banner na hawak, Ella smiled ng makita nya lahat ng efforts ni Gia. She faced Gia and "Oo Baba, you can court me" Ella said and smiled. "YESSSS!" Sigaw ni Gia at bigla nyang niyakap si Ella. Samantalang naghiyawan naman ang mga kaibigan nila sa tuwa. "Thankyou baba. Sobrang saya ko! Nga pala, I have something for you" Sambit ni Gia, at kinuha naman nya kay Ecka yung necklace. "Stethoscope Necklace ba, for my future doctor." Sambit ni Gia at niyakap naman sya ni Ella. "Baba naman eh. Hindi naman importante sakin yung mga materyal na bagay. Ikaw ang mahalaga, your presence is enough." Saad naman ni Ella "Hayaan mo na ba, okay? Suot ko na sayo ah?" Sambit ni Gia and Ella nodded.
Nagyakapan lang ang dalawa hanggang sa lapitan na sila ng mga kaibigan nila. "Congrats mars! Hindi ka na torpe whoooo!" Saad ni Ecka at natawa naman sila. "Gagi ka talaga sibug! Pero, salamat sainyong lahat ah. Hindi mangyayari to ng walang tulong nyo." Litanya naman ni Gia. "Sus wala yon, alam naman naming gusto nyo ang isa't isa eh." Sambit naman ni Belle. "Ohh paano ba yan, baka naman manlilibre ka mars!" Sabat naman ni Abby at sinang ayunan naman ng lahat. "Oo nga naman mars gutom na kami!" Sheki said "Oo na tara my treat!" Saad ni Gia "Yown!!!" Sambit ng mga kaibigan niya.
Meanwhile, Gabb is with Brei at hindi pa din talaga sya tinitigilan nito "Anong naramdaman mo nung makita mo sila sa field kanina?" Tanong ni Brei habang nagmamaneho si Gabb papunta sa mall. "Wala te, masaya ako para sakanila. Kitang kita ko na masaya si Ella." Sagot naman ni Gabb and Brei sighed. "Parang iba naman yung saya nya pag ikaw ang kasama nya eh." Brei said at napangiti naman si Gabb "Oy oy oy! Tingnan mo bat ka ganan makangiti ha? Namumula ka pa" Saad ni Brei "Ha-a? Hindi k-kaya." Sambit ni Gabb. "Haynako Gabo tigilan mo ako sa pag dedeny mo." Brei said and Gabb took a deep breathe. "Fine! I think I like her, h-hindi ako sure sa nararamdaman ko Ate. Basta, ang alam ko sa tuwing lalapit sya sakin parang bumabagal yung mundo ko, parang sya lang yung nakikita ko ganon." Gabb said and she glanced at brei, napangiti naman si Brei. "At talagang hindi ka pa sure sa lagay nay an ha? Look at yourself oh, hindi matanggal tanggal ang ngiti sa labi mo." Saad ni Brei and they both chuckled.
"Kaya hanggat maaga pa, sabihin mo na kay Ella. Hindi naman siguro masama yun dahil hindi pa naman sila ni Gia" Dagdag ni Brei "What if nireject nya ako Ate? Tapos masira yung friendship na meron kami dahil lang dito sa nararamdaman ko?" Gabb asked "You'll never know until you try it." Brei said "B-bahala na Ate. Iniisip ko din si Ate sela, ano nalang magiging reaksyon nya? Bestfriends sila ni Gia eh" Litanya ni Gabb. "Basta kung ano man ang maging desisyon mo, support ako sayo." Saad ni Brei and Gabb nodded with a smile.
--
A/N: Kamusta kayo mga mahal? Will ud uli tomorrow and thankyou for keep on voting sa mga stories ko! Stay Safe Everyone
