"YOU LIKE THAD?"
Natigilan si Sanna at marahas na naibaling ang mukha kay Simon. Naghihintay ito ng sagot pero mukhang kahit 'di siya sumagot ay alam na nito ang sagot. She pressed her lips to hide her discomfort – nahiya siya bigla. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.
"Okay lang 'yan. Sa tingin ko naman hindi pa niya nahahalata," salita ulit nito nang hindi siya sumagot.
Nasundan niya ang pagbaling ng tingin nito sa harap. Sa 'di kalayuan ay kasalukuyang nag-se-set ng bonfire sila Jude at Thad. Nasa Bangui Windmill farm sila nagpapalipas lang ng oras bago umuwi. May kakilala roon si Simon, ninong daw nito, si Mang Lito. Kaya pinayagan din sila mag-stay. Madami silang napuntahan ngayong araw at last destination nila 'yon for today.
Malakas ang hangin at naririnig niya ang nakabinging hampas ng alon sa dalampasigan.
"Sa tingin mo 'di niya pansin?" tanong na niya mayamaya.
Simon nodded. "Oo, medyo manhid din 'yon. Siguro dahil self-obsorbed siya lagi. Madalas hindi na niya napapansin ang mga problema sa paligid niya. I actually think dahil 'yon sa papa niya. Mas pinili ni Thad na mag-focus sa sarili kaysa ang pansinin ang mga nasa paligid niya." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Not that I'm saying na walang siyang pakialam sa'yo. Thad really cares for you."
Tipid siyang ngumiti. "I know. Ramdam ko naman 'yon."
"May balak kang umamin sa kanya?"
Namilog ang mga mata niya rito. "Kuya –"
He chuckled. "Matagal nang hindi nagkaka-girlfriend 'yan si Thad. After Melissa hindi na siya nag-try ulit."
"Yong ex niya noong high school?"
"Oo, matagal din sila no'n kaso lumipat ng lugar ang parents ni Mel kaya hayon hiwalay sila. Hindi nag-work-out ang long distance relationship."
"Baka 'di pa nakaka-move-on si Thad?"
"Hmm," napaisip ito, "isa rin 'yan sa naisip ko kaso mahirap talaga basahin ang utak ng isang Thaddeus Bernardo Apostol." He chuckled. "He has always been a closed book. He only shows what he wants to show. Sa tagal naming magkakaibigan natutunan ko na lang unawain at intindihan 'yan sila."
"Ang tagal n'yo na rin e. Since first year high school."
Ngumisi ito. "Actually, balak nga namin magsama habambuhay."
Natawa siya roon. "Sa iisang bahay pa rin?"
"Hindi siguro sa iisang bahay. Magkakapamilya rin naman tayo eventually. Siguro sa iisang lupain tapos magkakapitbahay na lang tayo. At kasama ka na roon syempre. Hindi ka naman na iba sa amin Sanna. What is ours is yours."
Napangiti siya roon.
"Sa totoo lang, 'di ko rin alam if sasabihin ko o hindi," pag-amin niya, napatingin siya sa magkadaop niyang mga kamay. "Natatakot din kasi ako na baka may mabago sa amin. As much as possible gusto kong makuntinto sa kung anong mayroon lang sa'min ngayon." Inangat niya ang mukha rito pagkatapos.
"Sabagay, mahirap din talaga i-risk ang pagkakaibigan."
"'Yon din talaga ang pumipigil sa'kin."
"Pero kung sakali man na magbago ang isip mo. Consider me as your resbak." Nakangiting inangat nito ang kamay sa ulo niya. He playfully messed with her hair. "Mabait naman kasi 'yan si Thad. Hindi sa dahil kaibigan ko siya pero seryoso, matino 'yang si Thad. Mas wala akong tiwala kay Jude."
Natawa silang pareho. "Alam ba ni Kuya Jude na wala kang tiwala sa kanya?"
"Matagal na niyang alam 'yon. Gago 'yon e. Kung magtitino 'yon ay alam kong seryoso siya sa kung sino man ang mamahalin niya. Pero sana nga magtino na siya."
BINABASA MO ANG
FDA 4: THE GIRL THAT GOT AWAY - COMPLETE
ParanormalAR. THADDEUS BERNARDO APOSTOL faces his greatest regret after ten long years of waiting for the girl that got away, but instead of meeting Susanna Evangeline Rama's future self, the mysterious lighthouse of Faro de Amoré brings back the Sanna in his...