Kabanata 12

1.3K 142 275
                                    

UMANGAT ANG TINGIN ni Thad nang maramdamang may tao sa gawi ng pintuan. Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan sa gulat nang makita roon si Art.

Kalahati lang ng mukha at katawan nito ang nakita niya mula sa bahagyang bukas na pinto. Nakahawak ang isang kamay sa door frame.

Walangya, Thaddues! Anak mo lang 'yan. Tumanda ka na't lahat pero matatakutin ka pa rin. Great! A coward in all aspects in life.

Nakalimutan yata niyang isarado nang maayos ang pinto kanina. He was so engrossed with the urgent mails that he had to check and respond. Sanay siyang magtrabaho past the normal shift. Pinaglalamayan pa niya hanggang sa mag-umaga pero ngayon gustong-gusto niyang murahin si Alec sa dami ng mga pending reports and designs na kailangan niyang tignan at i-approve.

Does it have to be now? It's past 8 pm for God's sake! But damn. I'll check this again tomorrow morning. I have more important things to do.

"Art," tawag niya sa anak. "I can see you. Come inside."

Naninibago pa rin siya pero sa tuwing tinatawag niya itong anak ay nakakaramdam siya ng proud sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon.

They say that fatherhood changes a man and it could be the best thing that could happen to them. He often wondered about that before... if his father did feel the same. Pero noon at ngayon ay parehong sagot pa rin ang natatanggap niya. He was still Architect Bernardo Timotheo Apostol's good for nothing son. In his father's eyes, he will never be enough.

Pero pagdating kay Art. Pagmamahal at saya ang nararamdaman niya sa bata. There is this strong urge to protect this little man. He vowed to himself na hinding-hindi niya ipaparamdam sa anak niya ang ganoon. Art will never experience that rejection. He will be a good father to his son. He will do his best.

Nahihiyang pumasok ito at naglakad sa direksyon ng mesa niya pero panay naman ang tingin nito sa buong opisina niya. Napangiti siya habang tinitignan ang reaksyon nito. Art's eyes will widen and he will gasp kapag may nakakaagaw ng atensyon nito lalo na ang scale model ng mga building at bahay niya sa isang tabi. May isa pa siya roong 'di tapos. 'Yong modern bahay kubo na gagawin niyang mansion.

"Daddy is that your toys po?" turo ni Art sa mga scale models.

Tumayo siya mula sa upuan niya. "No, Art. Those are not toys," nakangiti niyang sagot habang papalapit dito.

"Mommy says po na you build things." He lifted his son and carried him near the scale models. He's not that heavy although he's quite tall for his age. "Mukha po silang totoo, Daddy. Ang galing po."

Natawa siya. "Really? You want to build one?"

Sunod-sunod na tumango ito sa kanya at pigil na pigil ang excitement sa mukha. "Can I? Can I?" Lalo siyang natawa sa reaksyon nito. Kamukhang-kamukha niya talaga ang anak. Pero ang ngiti ay kay Sanna.

Ibinaba niya ulit si Art at sumulampak sila sa wooden table niya roon kung saan madalas siyang mag-assemble ng kung anu-ano. Mas nakakapag-concentrate siya kapag nakasalampak ng upo. Hindi niya ramdam ang trabaho. Pakiramdam niya naglalaro lang siya ng puzzle.

"Daddy, ang dami n'yo pong colors." Iginala ulit nito ang tingin sa paligid. "Bakit po ang dami n'yong crayons?"

Sinundan niya ang tingin nito. Marami talaga siyang gamit sa opisina niya. A shelf for his art materials and books. Halo-halo na ang mga libro niya, mostly related to building structures, designs, and architecture.

Kung tama ang pagkakaalala niya ay may mga paper back fantasy and mystery novels din naman siya. He still reads whenever he's not busy.

Naka-organize lahat ang mga colored pens niya sa itaas ng adjustable desk kung saan nandoon din ang drawing stand. Lahat ay naka-order base sa brands, gamit, at kulay. May naka rolyong mga blueprints – maraming nakarolyo. Mga copies niya ang mga 'yon simula nang magtrabaho siya.

FDA 4: THE GIRL THAT GOT AWAY - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon