EPILOGO

2.2K 211 205
                                    

NAKANGITING lumabas si Thad sa bahay niya. Nilalaro-laro pa niya ang hawak na car keys sa kamay at may pakanta-kanta pa siya. Papunta siya sa condo nila Sanna at Art. He's spending his Sunday with them. Nasa getting to know each other phase pa lang sila ng anak niya but it felt like nothing had changed. Hindi man naalala ni Art ang 49 days na nakasama niya ito hindi naman 'yon hadlang para maging komportable agad ang anak sa kanya.

He's beyond thankful to Sanna dahil ikunukwento pa rin siya nito kay Art. Hindi man buong detalye pero alam ni Art kung sino siya. Kung bakit namumukhaan siya ni Art? He asked his son about that. Ang sagot nito ay lagi nitong nakikita ang mommy nito na tinitignan ang picture nilang dalawa noong kolehiyo sila. Art said, his mother kept that photo in her wallet. At sa tuwing inaakala ni Sanna na tulog na si Art ay nakikita ng anak nila na tinitignan niya ang larawan.

Art is still a smart boy. He probably figured it out but choose to not ask his mother. In fact, hanggang ngayon ay hindi pa niya natatapos ang mga recorded videos na ginawa ni Sanna para sa kanya. She recorded everything about Art. Simula nang ipinanganak si Art, unang matututong tumayo, maglakad, at magsalita. Sanna even taught Art to say Daddy. May isang video roon na kumakaway si Art. He was around 1 year old. He was blubbering words until he was able to utter the word Daddy. Malaki ang ngiti ni Art at humagikhik pa. Naglalaway pa nga ang anak nila sa video na 'yon. Kumaway pa ito sa camera na para bang alam nitong makikita niya ang video na 'yon. Art knew he will find them and bring them home.

For now, hindi niya muna minamadali si Sanna. Although she had forgiven him. They are still a lot of things that he needs to explain to her. Kailangan pa rin niyang bumawi kay Sanna at kay Art. Kagaya ni Art ay wala rin itong naalala but she often had dreams of him and the lighthouse. One step at a time, alam niyang maiuuwi rin niya sa Faro ang mag-ina niya.

Thad's phone vibrated in his pocket – mukhang may tumatawag. Itinigil niya ang paglalaro ng susi sa kamay para mahugot ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Lalo siyang napangiti nang mabasa ang pangalan ni Sanna sa screen. Mabilis na in-accept niya ang call at sinagot si Sanna.

"Where are you?"

"On my way. May ipapabili ka?"

"Daddy! Daddy! Nasira ang iPad ko. Bili mo ko ng bago, please." Natawa si Thad. "Art, behave!" Boses na 'yon ni Sanna. "We already talked about this, 'di ba? No more iPad for you."

Matagal nang sira ang iPad ni Art. Noong nasa Paris pa sina Sanna at Art. Natanggap sa isang art school si Sanna sa Paris soon after she found out she's pregnant with their son. Full scholarship ang in-offer kay Sanna. Dahil nga mahal ang expense living sa Paris ay sinagot ng ama nito ang lahat ng gastos hanggang sa makapagtapos si Sanna. Kapalit no'n ang pananahimik ni Sanna tungkol sa totoong relasyon nilang mag-ama.

Sanna didn't expect anymore from his father. Ang balak lang nito ay makapagsimula ulit at mabigyan ng magandang oportunidad sa pagpipinta para mabuhay silang mag-ina. Fast forward, unti-unti na ring nakikilala ang mga art works ni Sanna sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi ito nagpapakuha ng larawan kaya walang mukha kasama ang artist name ni Sanna.

She's using Sanna Evangeline. Hindi 'yon nailagay sa invitation dahil nagkaroon ng miscommunication sa printing at ang mga maling copies ang na-send-out. Kahit sa exhibit hall ay wala rin ang pangalan nito. Hindi rin malaman ng staff at organizer ng art exhibit kung bakit laging nawawala ang pangalan ni Sanna sa mga promotional printed copies kahit doon sa brochure ay mali na naman ang nai-display noong nandoon na siya.

But it doesn't matter. Talagang mapagbiro ang tadhana but if it's the right time, then nothing can stop that from happening.

Nakatadhana nang magkita ulit sila nang araw na 'yon.

FDA 4: THE GIRL THAT GOT AWAY - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon