Kabanata 11

1.3K 137 322
                                    

D A Y   3

THAD WOKE UP around five in the morning. Hindi na siya makatulog ulit kaya nagpasya siyang lumabas ng bahay. Panakanaka pa ring kumikirot ang sintido niya dahil sa magdamang na pag-inom.

He probably look shit right now. Shit and miserable. Alam niyang namamaga rin ang mga mata niya dahil mabigat imulat. Kaya sinuot niya ang blue hoodie jacket na bigay sa kanya ni Mari. He was thinking of wearing his shades but he changed his mind.

Marahas na bumuntonghininga si Thad habang nakasuksok ang mga kamay sa front pocket ng jacket dahil sa lamig ng hangin. Nakatingin siya sa malawak na dagat na kitang-kita mula sa boardwalk. Unti-unti pa lamang kumakalat ang liwanag sa buong paligid. Kahit papaano ay nakakalma siya sa marahang hampas ng alon sa mga bato at ang huni ng mga ibon sa paligid.

"Sabi na at ikaw 'yong nakita ko." Naibaling ni Thad ang tingin sa kanan niya. It was Jude. Humikab ito at marahang ginulo ang buhok. Kagaya niya ay suot din nito ang red hoddie jacket na bigay ni Mari rito. Kaibahan lang at may letter A sa harapan no'n. Bahagya siyang natawa at ibinaling ulit ang tingin sa harap. "I know what you're thinking."

"Wala akong sinasabi."

Jude chuckled. "But I get it."

Isang mahabang katahimikan ang pumagitna sa kanila. Kahit hindi siya nakatingin dito ay alam niyang nakatingin din ito sa papasikat na araw.

"Sa tingin ko mas malala pa yata ginawa ko kaysa sa'yo," basag niya.

"Akala ko alam mo na 'yan?"

Natawa siya. "Ngayon lang nag-sink-in."

"At ano naman gagawin mo ngayon?"

"Ano bang magandang gawin?" He glanced at Jude. "Any advice?"

"Wow! Architect Thaddeus Bernardo Apostol nanghihingi na ngayon ng advice kay Jude Asrael Savio."

"Gago, seryoso ako."

Natawa si Jude. "Isa lang i-advice ko kung i-insist mo talaga. Gago rin ako alam mo ’yan."

"Just spill it. Dami mo pang sinasabi."

Bumuga muna ito ng hangin.

"Learn from me." Natigilan siya sa sinabi ni Jude dahilan para maibaling niya ang tingin dito. Hindi ito nakatingin sa kanya. "I don't want you to repeat the same mistakes that I did."

Ibinalik niya ang tingin sa harap.

"I also want you to grab all the chances that you have right now," Jude continued. "Hindi na natin mababago ang nakaraan pero ’di naman ibig sabihin no'n ay hahayaan mo na lang na maging ganoon ang buhay mo. I understand where you're coming from. I was on your shoes. I also made the worst decisions."

Bahagya itong napangiwi at natawa nang sabay nilang ibaling ang tingin sa isa't isa.

"But if I did remain in that shoe. I might not be standing beside you right now."

Jude smiled saka tinapik ang balikat niya.

"One step at a time, Thad. But don't ignore Sanna and your son just because you feel unworthy of them. They needed you more right now. Sa dami ng mga nangyayari sa kanila ngayon. Ikaw lang ang mayroon sila. Ikaw lang ang paniniwalaan nila. So, don't let them down."




NARINIG NI SANNA ang paggalaw ng upuan mula sa dining table. Tinapos na niya ang paglalagay ng kanin sa malaking mangkok. Nakapagluto na siya ng breakfast at naghihintay sa mesa si Art.

Yes, Art.

Pinag-isipan niya ang pangalan na 'yon buong gabi. Hindi pa niya nabubuo ang buong pangalan nito kasi naisip niya baka may maisip din si Thad.

FDA 4: THE GIRL THAT GOT AWAY - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon