Kabanata 4

1.6K 136 237
                                    

HINDI MAIWASANG SILIPIN ni Sanna sa likod si Thad na nakasunod pa rin sa kanya. Nakapamulsa at sa tuwing nahuhuli siya nito ay ikinikiling nito ang ulo na tila ba sinisilip ang mukha niya. Sumisikdo ang puso niya sa tuwing ngumingiti ito sa kanya – actually, may pang-aasar na ngiti.

Saan ba kasi bahay nitong si Thaddeus? Maliit lang naman 'tong village. Bakit 'di pa rin siya nilulubayan?

"Ahem," Thad cleared his throat.

Bigla siyang huminto at hinarap ito. Naglalaro pa rin ang ngiti sa mukha nito.

"Huwag mong sabihing dito rin banda ang bahay n'yo?"

Nangislap ang mga mata nito sa pagtawa. "Alam mo," he trailed off and stepped forward. Napalunok tuloy siya. Unti-unti na niyang naririnig ang tibok ng puso. "Sa tingin ko magkapitbahay lang tayo." He pointed his head to his left. "Ito bahay ko."

Napakurap siya at napabaling sa kanyang kanan at napaturo roon. "Hayan ang bahay ko," she muttered, hindi niya matukoy kung nalilito siya o namamangha sa nangyayari, probably in the middle if puwede 'yon.

Sanna katapat lang ng bahay mo ang bahay ni Thaddeus Bernardo Apostol!

"I guess we will be seeing each other often now," he chuckled.

And all she did was to stare at his face like an idiot. Tinakasan na yata siya ng natitira niyang good neuron na kayang mag-process nang matinong response.

She pressed her lips and awkwardly smile. "Is that a good thing?"

Thad smiled. "It will be a good thing." Binuksan na nito ang green wrought iron gate na mataas lang dito ng limang inches lang yata.

Ganoon din ang gate niya pero white naman. Their house is almost the same size. May second floor ang bahay nito samantalang malawak na ground floor lang ang kanya. Buhay na buhay ang front garden niya dahil sa bermuda grass at mga paso ng mga bulaklak at mga halaman while Thad's front garden was as lifeless as the faded beige color of his house na mukhang ilang taon nang hindi napinturahan. Nakaharap ang isang particular sa bintana na may iron grills sa bahay niya.

Sinong mag-aakala na dalawang future architects at isang engineer ang nakatira sa bahay na 'yon?

Lihim siyang natawa.

"May nakakakatawa ba?"

Mabilis na pinaglapat niya ulit ang mga labi nang marinig ang tunog ng sariling tawa. Gosh, Sanna! Sabing lihim na tawa hindi bonggang tawa. Pero sa nakikita niyang ekspresyon ng mukha ni Thad ay tila na amuse lang ito sa kanya.

Natawa lang si Thad sa kanya at muling lumapit. Natigilan siya nang bigla nitong inabot ang kanan niyang kamay at nilagay roon ang tatlong potchi na candies. Naiangat niya ang mukha sa nakangiti nitong mukha.

"Mahilig ka ba sa matamis?"

"Okay lang," tipid na sagot niya kahit na sobrang hilig niya talaga sa mga matatamis.

"Then sa'yo na lang. Pang-dessert mo."

Napangiti siya. "Thank you, Thad."

"You're welcome." Ito mismo ang nagkuyom ng kamay niya para 'di mahulog ang ibinigay nito bago siya bitawan. His smile remained on his face. "And it was nice seeing you again, Sanna."

"Ako rin."

He stepped back. "I'll see you around... for real."

Tumango siya, tumalikod at dahandahang naglakad papasok sa gate ng bahay niya. Muli pa siyang sumilip. Wala na si Thad pero 'yong ngiti niya 'di niya maalis sa mukha.

FDA 4: THE GIRL THAT GOT AWAY - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon